CR

4 0 0
                                    

It was pass 9 pm when I went out of my room. Naglalakad ako papuntang cr namin nang mapansin kong naka-on ang ilaw nito sa loob.

Hindi naman nila iniiwang bukas ang ilaw ng cr ah?

Iniisip ko na maghahalf bath nalang ako tutal nasa bahay naman ako buong araw. Pagkatapos kong hubarin ang mga damit ko, naramdaman ko na parang may humaplos sa aking bandang likoran.

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan, maging saaking batok. I can't even move. I was about to turn around when the light went off. 

"Ma? Pa? Jen? Damn it! Prank na naman ba 'to?!" Sigaw ko sa loob ngunit walang sumagot ni isa man sa kanila.

"Hindi na ako natutuwa!" I reached for the door knob, but only to hold....

Wait... Putangina kamay ba 'to?!

Shit! Shit! Shit!

I was shaking in fear. Thinking there might be a ghost around. I almost jump when the light went on again. Aalis na sana ako nang bigla na naman itong namatay.

Naramdaman ko rin na unti unti na akong nababasa. D-did that shit went on by itself?!

Putangina.

I felt something on my left shoulder. My heart was pounding hard. I was breathing heavily. The light keeps turning on and off and it's creeping me out.

Nando'n pa rin yung parang kamay sa balikat ko. Kahit ayaw kong lumingon dahil natatakot ako, kailangan ko itong gawin.

1...2...3...

"Putangina m-- teka, nasaan na yun?" Ba't wala?

Kinuha ko ang tuwalya at ginamit 'yon para takpan ang hubad kong katawan. Dali dali akong lumabas ng banyo at pumasok na sa kwarto. Kinabahan ako letse.

"Hoo~ sumobra yata ako sa mga horror movies." Mabilis akong nagdamit at napagpasyahang matulog nalang. Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

Parang may mali....

I felt someone watching me, o napapraning lang talaga ako? Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking mga mata, may katabi na pala ako sa higaan at nakaharap siya sa'kin ngayon.

"Die."

"Aaahhh!" Bigla akong napaupo sa aking higaan. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"Panaginip lang naman." Hinihingal na sabi ko. I feel so thirsty.

Bumaba ako para uminom ng tubig. Nang makarating ako sa kusina ay dali dali akong nagsalin ng tubig sa baso at nakapikit ang matang ininom 'yon.

May naririnig akong parang tubig na tumutulo. Nanggagaling iyon sa banyo. I tried ignoring it but the sound seems getting louder and louder.

Hindi ko napigilan at aking tinahak ang daan papunta sa banyo. This has to end! Fucking right now!

Napasigaw ako nang makita kong gumagalaw ang door knob. Parang sinusubukan iyon buksan ng kung sino man ang nasa loob.

P-paano kung may tao sa loob? O multo?

Tinatagan ko ang loob ko at dahan-dahang hinawakan iyon at mabilis na binuksan ang pinto.

Nothing.

Walang tao sa loob. But I can still hear that drops of water. Aalis na nasa ako nang may makita ako sa tiles.

Parang buhok. Mahabang buhok.

Imposibleng kay mama o Jen 'yon dahil pareho silang maikli ang buhok. Imposibleng akin din ito dahil katulad nila mama maikli din ang buhok ko.

Natingin lang ako sa kawalan habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari nang may naramdaman akong umihip sa tenga ko.

"Ate... Ate please save me"

Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Hearing those words....

And that voice...

Parang may humihikbi mula sa aking likoran.

No... Hindi pwede. Hindi pwedeng siya 'to...

Anong gagawin ko?! Tatakbo? Sisigaw?! Shit! I'm scared.

"Ate.... Ate ba't mo nagawa saakin 'yon?"

May naramdaman akong matalim sa bagay sa batok ko. P-papatayin niya ba ako?

"Ate, bakit mo ako pinatay?"

FLASHBACK

"Puta kang bata ka!" Sigaw ko habang pinagpapalo ang ulo niya ng martilyo.

"Ate.... T-tama na po.."

"Tumahimik ka!" Mas nilakasan ko pa ang pagpalo sa ulo niya. "Lahat nalang inaagaw mo! Lahat! Mula nang dumating ka sa buhay namin, kinalimutan na nila ako! Napunta lahat ng atenyon nila sayo! As if I didn't exist at all! And it's all because of you! Kasalanan mo lahat! Dapat lang sayong mamatay!"

Nang wala na akong marinig na tinig mula sa kan'ya, at nang makita kong hindi na siya gumagalaw ay tinigil ko na ang pagpupukpok ko ng martilyo sa ulo niya.

Kinuha ko ang itak saka siya pinagpipiraso at muling pinukpok ng martiyol ang lahat ng katawan niya.

Nang matapos ko ang aking ginagawa, dinala ko ang pira-piraso at pinung-pino niyang katawan sa banyo.

*Flushing sound*

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na rin 'to. Kaysa maghirap ka dahil araw araw kitang sinasaktan.

Nakangiti lang ako habang palabas ng banyo.

Rest in peace, my little sister.

END OF FLASHBACK

"Sa wakas, magkakasama na rin tayo ate ko."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon