/SQ-1/

240 123 269
                                    

"O siya, aalis na kami. 'Yung kapatid mo, 'wag na 'wag mong pababayaan ha?" bilin ni Mama pagkasakay niya sa kotse.


"Yes, Ma." bagot kong sagot.


"Mag-iingat kayong dalawa rito. I-lock mo ng mabuti ang bahay at mga bintana. Baka matagalan kami doon kaya 'di ko alam kung kailan kami makakauwi," Hirit pa niya sabay hinalikan ako sa pisngi.


Binuhat ko naman ang kapatid ko para siya naman ang mahalikan ni Mama.


"Bye girls. Behave kayo ha." paalam ni Papa 'saka pinaandar na ang sasakyan.


"Byeeeee." sabay naming sabi ni Lili.


Kumaway ako sa kanilang dalawa at hinintay na mawala sa paningin ko ang kotse saka kami pumasok ng kapatid ko sa loob ng bahay.


Pagkasara ko ng pinto, agad akong lumingon sa kapatid ko.


"Ow yeah! Who wants ice cream?!" buong lakas kong sigaw sa harap ng kapatid ko na tuwang-tuwa.


"Me! Me! Me!" Taas-kamay kamay nitong sabi habang tumatalon-talon pa.


Mygad, ang cute talaga ng batang 'to. Mana sa Ate mwehehe.


"Alright, baby. Diyan ka lang at kukuha na ng ice cream si ate," Hyper kong sabi at dali-daling tumungo sa ref para kumuha ng isang galon ng ice cream.

Hihi, ice cream is life, ya know.


At dahil out of town sina Mudra at Pudra, kaming dalawa ng kapatid ko ang naiwan dito sa bahay.


Sadly, 'di kami pwedeng sumama ni Lili coz that is important business meeting and we are not involve sa mga ganiyang bagay.


Kaya heto, party-party kami ni Lili at magsasaya kami buong linggo. Mwahahahaha.


Pagbalik ko sa sala, naabutan ko si Lili na nanonood ng Phineas and Ferb.


Binigyan ko siya ng isang kutsara at sabay naming nilantakan ang ice cream habang nanonood.


Nang maubos namin, nakita kong naghikab na si Lili.


Aww, inaantok na siya.


"Hey, you want to sleep na?" tanong ko sa kaniya at marahang pinisil ang pisngi nito.


"Hmmm." tango lang ang sinagot niya dahil pumikit na ang mata niya na sa tingin ko ay tulog na.


Binuhat ko na siya at pinunta sa kwarto niya.


Pagkaayos ko sa kaniya ay lumabas na ko ng kwarto at isinara ang pinto.


Kinuha ko ang pinagkainan namin at hinugasan na ito.


Pagkabalik ko sa sala ay saktong tapos na ang palabas kanina at pumalit dito ang balita.


Tungkol ito sa nakatakas na serial killer kaya kinuha ko ang remote para lakasan ang volume.


"Breaking News: Isang notorious serial killer ang nakatakas mula sa Duncan Prison nitong alas singko y media. Makikita sa CCTV na walang habas niyang pinagbabaril ang dalawang sundalong nakabantay sa kaniyang kulungan at napag-alamang dumaan siya sa likurang bahagi ng prison. Matagumpay siyang nakatakas at huli na para siya ay dakpin ng mga pulis dahil mabilis itong nakaalis sa parameter ng lugar. Sa ngayon ay kasalukuyang pinaghahanap ang taong ito sa buong lungsod ng Duncan City para hindi na siya muling mambiktima pa."


Grabe, ilan na kaya napatay niya? No wonder binansagan siyang notorious serial killer dahil sa dami ng napatay niya.


Hinaplos ko na lang ang magkabilaang braso ko dahil sa kilabot.


Pagkatapos ng balita ay pinatay ko na ito.


Chineck ko ang orasan at 'saka ko napansing maggagabi na pala.


Magluluto na ko ng hapunan at mamaya, gigisingin ko si Lili 'pag kakain na.


Pumunta ulit ako sa kusina at kumuha ng mga ingredients para sa lulutuin kong sinigang.


Kinuha ko ang karne na kabibili lang kaninang umaga. Kasalukuyan akong naghihiwa nang may marinig akong kumalabog sa pinto.


May tao ba sa labas?


Inilapag ko ang kutsilyo at pumunta sa harap ng pinto para tingnan kung ano 'yung kumalabog.


When I reached the door, I saw a man wearing a hood. I can't see his face dahil medyo dim ang ilaw sa labas at base sa nakikita ko, lalaki ito.


Meron siyang hawak na bagay na kumikintab.


Napagtanto kong kutsilyo pala ito. And there was blood on it, dripping to the floor.


Holy shit. Why does he have something like that?!


Ang pinto namin ay hindi kahoy, isa itong makapal na salamin kaya kitang-kita ko ang lalaki na nakatayo sa labas ng pamamahay namin.


I don't know what's up to Dad kung bakit ganyan ang set up ng pinto but FOR ICE CREAM'S SAKE, WHO THE FUCK IS THAT MAN?!


I am panicking and shaking here yet 'di ko alam kung bakit di pa ko kumikilos at mag-isip ng matino kung anong nangyayari.


Nakita ko na luminga-linga ito at kumapa-kapa na parang may hinahanap na kung ano.


Nang makapa niya ang doorknob ay pinihit niya ito pero mabuti na lang at na-ilock ko na 'to kanina kung hindi, yari.


Kiniskis niya ang dulo ng kutsilyo sa pinto at bumakas pa dito ang dugo dahilan para mangilabot na ko ng tuluyan.


Suddenly, nag pop-out sa isip ko 'yung binalita kanina.


Serial Killer.


Escaped.


Duncan Prison.


Shet na malagket.


Siya 'yung nasa balita kanina!

Stay QuietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon