Chapter 14: Enrollment

141 4 0
                                    

Sana ngayong araw na ito  kasing saya ng kahapon. :)
Enrollment na naman.. Haaayysss-____-

tinype ko kay SIOPAD.

Si SIOPAD ay magaling kong Sulatan dito sa Phone ko. Kaya SIOPAD, kasi ako PAOla.. so siya si SIO. SIOPAO. Y(^_^)Y Yummy.

  [\Favorite kasi ni Author/]

Enrollment na. I'm so excited,

Dahil sa..

A. Makikita ko siya

B. letter A

or

C. letter B

Hahahaha..epekto lang ito nung kahapon :D

Nakapila kami dito sa Ice tubig. Di Jokes lang. Nakapila kami dito sa Cashier para magbayad ng Downpayment para dun sa Second sem. Binigyan kami ng number, pang number  21 ako.

Medyo maaga pa kasi.

Mabilis naman yung pila ang kaso napakaINIT!

paano ba naman nandito si Fafa Grant. Chos!

HartHart talaga, katulad nga ng inaasahan naging Masaya ang araw ko dahil sa kanya, Hart Hart.♥

Bakit ang Gwapo ng Crush ko?

Napaka-Hot nya, yung tipong kulang na lang palitan nya yung Haring Araw sa sobrang Hot niya.

Katabi ni Gracia si DOMIN ANGELO TUAZON also known as The SKATER BOY, ang ultimate Crush niya simula nung Kinder sila. Si Doms Torpedo, si Gracia Manhidera, kaya ayun bagay sila.

Si Arizza naman.. syempre katabi ko siya. Anong gusto niyo may katabi din siyang Boy? Dejk lngs.

Oo may katabi siya.. si FREDDO BAUTISTA also known as The POOL BOY, dati niligawan ni Fred si Arizza eh ang kaso Taken na pala si Arizza.. Aww Sadnu?, tapos kung saan naman SINGLE na si Arizza, TAKEN naman si Fred ngayon. Sad talaga eh noh?

Ako ba kanyo? Ayun napagitnaan ng mga Awkward Loveteams. Si Grant katabi niya si Fred :(

Ang layo ko sa kawalan. :(

So? sa walang magawa, nagTwitter na lang ako..

Haays... saklap ng buhay.. yung napapagitnaan ka ng awkward Loveteams. Haaayysss... :(

Tweet send..

Saklap

Malapit na kami sa Cashier.

Habang abala sa pagtu-twitter.

Nagulat ako sa aking nakita. O MY GEEEEEE!!!!
(⊙o⊙)

Si Grant nakita ko.. KATABI KO!!!

Pero paano? .

Di bale na lang, basta katabi ko siya.

"Number 21"

tinawag na yung number ko.

Shocking! yung tipong ayaw mong tumayo dahil sa katabi mo siya, kaso tinawag ka na. Wrong timing naman 'tong si Ate oh. Badtrip!

"Ate, magkano po babayaran ko?"

"9K lang"

"Ito po, Salamat"

Nakapag-enroll na ko. Ganap na kong Block Section. YUHOOOOOO!!!!!...

Nag-encode na ko ng Subject.

Hinintay ko ng matapos sila Gracia at Arizza.

Nang matapos....

"G-GRACIA!" sigaw ni Doms

"Bakit?" sabi ni Gracia

"Ahh---Eh---" sabi ni Doms

"Sabihin mo na..!" sigaw ni Fred

"P-pwede ba k-kayo nga... ngayon!" utal niya

"Ehh.. Hin--" putol na sabi ni Gracia

"Oo. Pwede kami, sa tutal maaga pa naman eh Diba Guys?"

sagot ni Arizza

"Ahh-- Oo... Oo.." ~T_T~ sabi ko, syempre gusto ko din makasama si Grant noh?

"Oh paano ba yan?, Don't worry sagot ni Doms lahat!" sabi ni Fred

"Pre naman, alam mo namang..." sabi ni Doms

"Sige!, Ako na lang ang manlilibre" sagot ni Grant.

OMYGeeee.. DEZ EZ ET!.

"Ayyunn!!... ,Salamat Pare! , Bwiset kasi itong lalaking 'to" sabay turo kay Fred

"Bakit ako?, Ikaw nag-aya ah?" sagot agad ni Fred

"Oh Tama na yan!!, Enjoy na natin 'to" sabi ni Arizza

Pumunta kami sa may Café malapit sa School

"Ahhmm-- Sakin yung Lychee Tea with Nata and Whip Cream" sabi ni Arizza

"Green Tea with Whip Cream yung sakin" sabi ni Gracia

"Milk tea na lang yung sakin ang mamahal nung sa kanila eh.. palagyan na din ng whip cream para maging sosyal" sabi ni Doms, binatukan siya ni Fred "Aray ko!, Ano ba?"

"Yung sakin yung Mocha Tea with Whip Cream and Sprinkles" sabi ni Fred

"Wow! Ang sosyal nung sa inyo ahh.. Ahhmm Miss palagyan ng Sprinkles din yung sakin--- Aray! Bakit ba? Kanina ka pa" sabi ni Doms

"Wala lang! gaya-gaya ka eh!" sagot ni Fred

"Sakin yung Raspberry Tea without Whip Cream.. padagdagan ng Nata" sabi ko

"Dalawa nyun Miss.." sabi ni Grant

nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita

"Okay ka lang?" sabi ni Fred

"Oo. Okay lang ako!" sagot ni Grant

"Sure ka?!" sabi naman ni Doms

"Oo.. OO..!!"

bakit kaya nila tinanong ng ganun si Grant?

Ano kayang Meron? O_o -_-///

Maya-maya dumating na yung Order namin.

"Grant? Ayos ka lang?" tanong ni Doms

"Oo? Ayos lang?" sagot niya

"Nope. You're not okay!, Uuwi ka na namin" sabi ni Doms

Sinakay na siya sa kotse ni Doms

"Sorry Guys! Di na namin kayo masusundo!" sabi ni Fred

"Okay lang!, magco-Commute na lang kami!" sabi naman ni Arizza

"Grant!? Thank you for the Treat!, Ingat!" sabi ko

Umalis na sila.

©crisyye2014

Bakit ang GWAPO ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon