MS 6

39 0 0
                                    

Maria's POV

Naninibago parin ako sa lugar na aking kinabibilangan. Hindi pa siya gaano nag sink-in sa aking utak ang mga impormasyon na aking naririnig mula kina Mama at Papa at kay Headmaster Axelle.

Ganito pala ang pakiramdam na nasa lugar ka na nakinagisnan mo. Akala ko taga-Gaydon talaga kami nina Mama at Papa. Nung nasa Lathen pa kasi ako, feeling ko may kulang sa pagkatao ko. Like there was one missing puzzle that it was hid far away.

And now nandito na ako, I felt free and I'm also happy as well. Sana naman maayos ang maging buhay ko dito.

Patungo kami ngayon sa dormitoryo na kung saan may makakasama ako. Hinabilin sa akin ni Mama na 'wag daw akong masyadong makulit dito dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na ito. Sinabi ko naman sakanya na magdadala nalang ako ng mapa para hindi ako maligaw. Tumawa lang siya pati na si Papa.

"Alam niyo naman po ako na nasa kwarto lang ako tumatambay. Bihira lang ako na nasa sala na'tin o sa veranda."sabi ko sakanila.

Sumangayon naman si Papa sa sinabi ko.

"Kahit na Maria, delikado parin kapag lumalabas-labas ka kapag wala kang kasama na taga-dito. Hindi natin alam kung sino ang ating kakampi o kaaway. Kaya ikaw, Maria. Choose who you trust, okay?"

Paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Mama. Alam ko naman iyon dahil nireremind nila 'yan sa akin kapag ako lang mag-isa sa bahay.

Hindi dapat ako magtiwala kani-kanino. Dahil mahirap na kapag naibigay mo kaagad sa isang tao ang iyong tiwala ay sisirain niya kaagad ito.

Marami ng toxic people dito sa mundo. They poison you with words dahil lang sa isang kamalian na iyong ginawa.

Kaya hindi umuunlad ang isang lugar dahil sa ganitong klaseng mga tao. Iniisip lang nila ang kanilang mga sarili. Hindi nila alam sa binibitawan nilang mga salita ay dinudurog na pala nila ang damdamin ng isang tao. Kaya rin siguro home-schooled ako para maiwasan ang realidad sa labas.

Nasa tapat ako ng isang pintuan na kung saan iniwan nila ako Mama at Papa dahil may gagawin daw sila.

Kumatok ako ng tatlong beses at wala pang limang segundo ay bumukas na ito. Tumambad sa akin ang isang lalaki na hanggang sa balikat lang ako. Ang tangkad niya sobra. Tumingala pa ako para makita ang mukha niya.

Parang gusto kong mahimatay sa aking kinatatayuan dahil sa gwapong nilalang na nasa aking harapan.

Kulay dilaw ang kanyang buhok na naka messy style. Ang mga mata niya na kulay asul na parang hinihigop ka papunta sakanya. Ang matangos niyang ilong, ang perpekto niyang labi at makapal na kilay na hulma.

Nabalik ako sa realidad nang pinitik niya ang aking noo.

"Done staring at me, miss?"sungit na tanong niya.

Shit. Bakit ko ba siya tinitigan?

"S-sorry."nahihiyang sabi ko. Feeling ko namula ang pisngi ko. Hays. Bakit ba kasi tinitigan ko ang gwapo niyang mukha? Jusmeyo! Magkakasala ako nito.

Ilang segundo kaming nanahimik ng binasag ko ito.

"Uhm.. Dito pala ang dormitory room ko. Pwede na ba akong pumasok?"nakatungo kung sabi. Nahihiya parin kasi ako dahil sa ginawa ko kaya nakatungo ako. Jusmeyo santo!

Binuksan niya pa ito at pumasok na ako. Napahinto ako ng may nakita akong mga tao na nakaupo sa mga sofa. Masaya silang nagkwekwentuhan at nag-aasaran pa. Hindi nila ako napansin dahil busy silang nagtatawanan.

"Ehem."tikhim ng katabi ko para maagaw ang atensyon nila. Hindi naman siya nabigo dahil kaagad silang lumingon sa gawi namin.

Lumaki ang mata ng isang lalaki na kulay grey ang buhok dahil sa gulat. Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"Susmaryusep! Jor po, diyos santo! Bakit may dala kang babae? Nakabuntis ka ba? Sabihin mo sa'kin Spade! Siya na ba?! Hindi na ba ako?"ma-dramang sabi ng lalaki na parang iiyak.

Nanlaki kaagad ang aking mata dahil sa sinabi ng lalaki. Jusmeyo!

"Nagkakamali ka. Hindi ko siya boyfriend at lalo nang hindi din ako buntis. Bago pa ako rito."kaagad kong paliwanag sakanya. Baka kasi kung saan umabot ang mga iniisip ng lalaking 'to. Jusmeyo!

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin? Kung ano pa ang iniisip ko. Maryusep!"parang nakahinga siya ng maluwang dahil sa sinabi ko. Amp! Bakla ata ito eh. Tsk! Sayang. Gwapo pa naman sana.

"Paanong hindi niya masabi agad kung inunahan mo siya? Kung ano naman ang iniisip mo. Kunin ko yang utak mo eh, at ipalapa ko sa alaga ni Stonie."bulyaw sakanya nitong lalaki ko sa tabi. Napanguso naman 'tong lalaki at inirapan ako.

Hala siya! Confirmed. Baklush talaga 'tong lalaking 'to.

"Oh! Ba't na-mention ang pangalan ko jan? Wala akong ginagawang masama ah."kaagad na sabi ng babaeng pixie cut ang buhok.

"Kasi ni-like mo lang daw ang post ni Spade kay na mention ka niya."sabi nitong lalaki na kulay Rose gold ang buhok.

"Tangina."mura ng babae na may buhok na lumulutang? at sinapo ang kanyang noo habang umiiling. Hala! Lumulutang nga ang buhok niya. Jusmeyo ka dai!

"Pagpasensyahan niyo na sila. May mga sayad talaga sila sa utak. 5 months palang sila ay iniluwal na sila sa mundong 'to."sabi ni kuyang pogi. Nagulantang naman ako sa sinabi niya.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?"gulat ko paring tanong sakanya.

Bigla naman siyang tumawa na ikinagulat ko pati narin ang mga tao sa living room.

"Holy shit. He laughed. Holy shit talaga."hindi makapaniwalang sabi ng lalaki na may kulay rose gold ang buhok.

Lahat yata ng mga tao dito sa living room ay gulat na gulat ang expression dahil sa nasaksihan nila. Bumaling ako sa aking katabi. He is now wearing his serious face.

Napakurap-kurap naman ako ng ilang beses dahil hindi ako sigurado kung tama ba yung nakita ko. At nang okay nako ay talagang wala nang emosyon ang mukha niya. Jusmeyo! 'San na ba 'yung lalaking tumawa kanina? Ba't nawala?

Tumikhim naman siya at iniharap ang kanyang sarili sa'kin.

"I'm Light Choi, by the way."swabeng pakilala niya. Napalunok naman ako dahil sa way ng titig niya. Para akong nilalamon patungo sa isang madilim na kweba. Jusmeyo!

Pati sa pagpapakilala niya ay parang tumalon ang puso ko. Juicemaryusep! Nabubuang na ako lalo na yung puso ko.

"And these are my board mates slash friends."aniya.

"That's Celxius Boldem. The one who suspected us."turo niya sa lalaking nakataas na ang kilay. Juskomeyo! Baka may makalaban ako rito.

"Hi."friendly kong sabi. Umirap lang ang bayot. Hays.

Tinuro naman niya ang babaeng pixie cut ang buhok na kumakaway sa'kin habang nakangiti. Kumaway din ako sakanya at ngumiti bilang ganti.

"That's Stonie Jasx."

"Shella Wariam that has a floating blue hair right there that is now busy playing Tongits."

Busy nga talaga siya dahil ilang beses na siyang nagmura. Nagmumura naman ako pero slight lang. Hihi.

"And last is, Spade Maine."turo niya sa lalaking ngumunguya ng bubble gum. He winked at me and wave. "Hi, babe."he sexily said. Juskomaryusep! Adik yata 'to eh.

Nang matapos magpakilala ni Light ay humarap ako sakanila at ngumiti.

"Nice to meet you guys. I hope we can get along. My name is Maria Selena."nakangiting pakilala ko sakanila.

Gulat akong napatingin sakanila ng sumigaw silang lahat.

"WHAT!"

Anong what? Anong nakakawhat sa sinabi ko? Jusmeyo. Ang gulo nila.

Maria SelenaWhere stories live. Discover now