CHAPTER 7: REUNION?!

8 0 0
                                    


Diane POV

Pinihit ko ang doorknob ng dahan-dahan na walang makakarinig ng kahit anong tunog. Ayoko na naman na pagusapan kami at bulung-bulungan ng kung ano-ano, kaya mas mabuti pa ng tahimik na di nakaka-agaw ng atensyon. Baka masabi pa nila na  'atensyon seeker' kami

Sinilip namin kung ano ang nasa loob ng gym at kung bakit maingay, nakita naming ang lahat ng mga estudyante ay nakatinggin sa stage na parang may hinihintay

"What are they doing?" Replix

"Are they waiting?" Pritzy

"Why are they so excited?" Miamy

"They are so noisy" Thea. Tinignan ko sila, na nakatinggin pala sila sa akin, ngumiti ako ng nakakaloka

"Wanna know?" Sabi ko, bigla silang ngumiti. Naglakad ako sa gilid ng di makikita ng kahit sino na halos makadikit na sa pader para lang di makakuha ng atensyon. Tinignan ko sila kasi nandoon pa din sila sa pinto, tinaasan ko sila ng kilay na sinasabing 'sumunod kayo' look, kaya sumunod naman sila sa akin

Tahimik kaming naglalakad ng may humila sa amin at tinakpan ang bibig para di kami makapagsalita. Nakita ko na malalaking lalaki ang humila sa amin, at familiar sila

Tinignan ko ang mga reaksyon ng mga bruha....

Si Thea na di pumapalag dahil wala syang pakialam..

Si replix na di rin pumapalag dahil hawak-hawak nya ang paborito nyang libro...

Si pritzy na....EWWW!!...gustong-gusto nya talaga na hinila sya..kasi halatang-halata na gusto nya talaga. Tinignan ko ang nakahila sa kanya, ay pogi din si kuya kaya pala gusto ni pritzy kasi type nya. At halatang enjoy na enjoy eh..tss

Si miamy naman ay....hahahahaha!! GRABE ANG MUKHA NYA!! Nangangasim eh! Hahaah!! Ayaw na ayaw nya kasi na hinahawakan sya. Kaya ayan nagmamatigas na pakawalan daw sya..hahahah!!

Tinignan ko nalang kung saan kami pupunta. Sa backstage ito ng stage ah....hahahah!! Alangan, back nga diba ng stage hahahaha!!ako lang ang natatawa dito hahahah!! Tama na nga..

Binitawan na nila kami kaya humarap ako sa kanila pati narin ang mga bruha lalo na si miamy na kanina ka naiinis hahahah

"Wh......" Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi sumabat si miamy, na nagaapoy na sa galit

"AMPUPU!!AMPUT***INA OH! SINO ANG NAGUTOS SA INYO?! GRABE HALOS ATAKIHIN NA AKO SA PUSO DAHIL SA PAGSULPOT NYO, KUNG SAAN-SAAN! AT BAKIT NYO NAMAN AKO GANON HIHILAIN NG GANON-GANON LANG?! SA GANDA KUNG ITO GAGANYANIN NYO LANG?!" galit na sabi nya. Pinipigilan na nga sya ni Thea eh. Baka kainin nya ng buhay ang mga lalaking ito

"Pritzy, just let go the kuya" sabi naman ni replix. Di nya pa kasi pinapatanggal ang pagyakap sa kanya ng lalaking nanghila sa kanya. Feel na feel eh noh? Sinusulit na nya yan hahahah!!

A COLD GIRL TURN TO SOFT GIRLWhere stories live. Discover now