CHAPTER 9: THE OWNER'S OF THE SCHOOL

7 0 0
                                    

Diane POV

"Handa na ba kayo?" Tanong sa amin ni daddy, kami at ang mga bruha syempre ang tinatanong. Kaya binigyan lang ng mga bruha ng isang malaking ngiti si daddy, tapos tumingin sya sa akin kaya tumango nalang ako. Halatang excited na excited naman ang mga bruha dahil sa ngiti nila....maya-maya ay may umangal...

"Kami! Hindi pa kami handa, Tito!" Malakas na sabi ni pyriel habang nakataas ang kamay nya at pinipigilang umiyak, best actor na sya

"Di kami pwede magpakita sa mga fans namin Tito ng ganito!" Sabi naman ni maxell

"Ang sakit-sakit pa!" Sigaw naman ni Tyler

"Ang lakas nya talaga manakit!" Sigaw pa ni rhailex. Tapos Yong asungot naman na katabi ko ay naka evil grin. Kulang na nga lang ay tumawa sya ng pang kontrabida

Well, dating gawi. Nasa tabi ko sya at halos pulupot na ng pulupot. Kaya naman nagrereklamo ang 4 na ayan kasi binatukan sila ng asungot na ito dahil daw nakadikit silang 4 sa akin, at nakissan daw nila ako. Gusto nya daw sya lang lang ang makakadikit sa akin at makakapagkiss sa akin. Diba? Over protective

Tapos yong 4 di naman nagsisi na lumapit sa akin pero nagsisisi sila, tuwing nababatukan naman ng asungot na ito. Kapag wala nga itong asungot ay lagi silang nakadikit sa akin. Di matahimik-tahimik ang bawat oras ko tuwing nandito sila sa paligid ko, kung wala ang asungot nandyan naman ang 4....I sigh

"Dami nyong sinasabi. Gusto nyo isa pa?" Tanong ng asungot na nasa tabi ko habang nakangisi

"NO!"  sigaw ni pyriel

"NEVER!" Sabi naman ni maxell

"NO THANKS!" Dagdag ni tyler

"PASS!" Tangi naman ni rhailex

"I thought you guys want another round" sabi ni asungot sabay smirked. Asungot nalang ang tawag ko sa kanya kesa tarsier, mas malala pa sya sa tarsier eh. Halos kawawain na nya ang punong nag ngangalang DIANE. Kaya asungot nalang

Winagayway naman ng 4 ang kamay nila na nagsasabing 'DI KAMI AGREE!'
Sabay tumingin sila sa akin at nagpout. Ayan na naman sila!! Arghhh!! Mukhang naintindihan naman ng mga manonood( tita's and tito's, mommy and daddy, mga bruha) namin ang pinapahiwatig ng 4

Tinaasan ko sila ng kilay. Like 'what about kuya?' Look ang sinabi ko sa kanila. Tumingin sila sa mga kapatid nilang bruha at tinanguan ang mga ito. Aba! Mga boy scout sila ah. Laging handa at may laging nakahandang Plano

Lumapit naman ang mga bruha kay asungot at hinawakan na ito. Si replix ang nasa kaliwang braso ni kuya tapos si Thea naman ang nasa kanang braso ni kuya. Si pritzy naman ang nasa likod ni kuya at nakayakap ito. At nakangisi pa sya ah, gustong-gusto nya. Tapos si miamy naman ang back-up kung gumalaw si kuya. Hahahhaha!! Planadong-planado!

Tumingin ako sa 4 at nakangiting aso naman sila. Tinaasan ko ulit sila ng kilay, 'lapit' look ang sinabi ko sa kanila. Ngayon habang lumalapit sila ay mas lalo kung nararamdaman ang aura ni kuya, yong asong gutom na galit na galit kasi inagawan sya ng pagkain. Hahahah!! Tapos isama mo pa ang mukha nya!! Hilarious!

A COLD GIRL TURN TO SOFT GIRLWhere stories live. Discover now