SB19 JOSH
"Sumama ka sakin, may pupuntahan tayo." sabi sa akin ni Josh.
Medyo weird pero sumama ako sakanya. May dala syang isang basket at may panlatag? Weird.
Halos mag-1year na rin kami Josh. Napaka-busy nya sa pagiging P-pop Idol, halos wala na nga syang time sa akin eh. Pero pag may time naman sya, bumabawi naman sya sa akin. Ang cute cute nga eh, para kang may kasamang pandak na- ay charot.
Dinala nya ako sa isang burol na medyo malapit lang sa bahay nila.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
Pinagtitripan nanaman ba ako ng pandak na to?
Ngumiti lang sya sa akin at dinama ang simoy ng hangin. Yung bangs nya lumilipad HAHAHAHAHAHA.
"Alam mo ba na ang burol na ito ang saksi sa lahat ng nararamdaman ko para sa iyo? Mula pa noong hindi pa tayo, andito ako at isinisigaw ko lahat ng nararamdaman ko. Walang taong maaaring makarinig." Ngiti ni Josh.
Di ko sya gets pero sige.
"Sisigaw ako ha? gusto kong gawin mo rin ang gagawin ko," umabante sya saglit, "Mahal kita Y/N! Mahal na mahal!" Josh.
Josh ano ba? Pinapaiyak mo ko eh.
"Mas mahal kita Josh Cullen Santoooss!!" Sigaw ko rin.
AaaaAaaackkk mahal na mahal kita Cullen kung alam mo laaaanggg!
Nanigas ako ng maramdaman kong may dumikit na labi sa akin. Pag ako nahimatay, Josh, bubuhatin mo ba ako? charot.
---
Naglatag si Josh ng kumot at inilabas ang mga pagkaing laman ng basket na ito.
"Pwede pala magpicnic dito? Bat walang tao?" natatawang sambit ko.
Totoo naman eh, wala ngang tao kahit isa.
"Syempre lahat pwede basta kasama kita." sabay kindat na sabi nya. Enebe Josh! Pag ako na-fall pagulong gulong ako dito sa burol sige.
"Oh ano tulala ka jan? Ako ba naman magiging boyfriend mo? Isipin mo yun, charismatic, sikat na member ng SB19, mabait,at higit sa lahat gwapo--" pinutol ko ang sinasabi nya at isinubo sakanya yung marshmallow na bunuksan ko.
Ingay ingay kasi eh, charot.
"Oo na labyu."
"Wyabyuuw." Josh, epekto yan ng marshmallow, ingay mo kasi eh.
MAHAL NA MAHAL KITA CULLEEEENNNN!!
-keun's jam