LOCKED DOWN

605 32 4
                                    

They say that if you really love someone, you have to learn to let them go

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



They say that if you really love someone, you have to learn to let them go. But what happens if instead of letting them go, you were the one who tends to leave? Is that a part of what they so-called "love", or it only signifies the art of sacrificing?

As a living embody, I couldn't help but to think that this crisis is a big punishment. Lumingon-lingon ako sa paligid habang naglalakad sa malawak at tahimik na kalye. Marahil ay pinaparusahan na talaga kami ng kalikasan. Mapayapa ang kapaligiran, walang bakas ng kahapong tila ba hindi masukat ang samu't saring ingay na nagmumula sa iba't ibang bagay.

Ngunit ang tanong ng karamihan, paano muling aahon? Paano babalik sa kahapon?

Natanaw ko sa hindi kalayuan ang dalawang pulis na tila ba nagpapahinga. Pasikat pa lamang ang araw ngunit bakas na sa mga mukha ang pagod nila. Trabaho nila ang pag-aalay ng kanilang sariling buhay para sa serbisyo at sa kapakanan ng nakararami.

Nang mistulang mapatingin sila sa direksyon ko'y dahan-dahan akong lumiko sa kabilang kanto upang hindi nila makita. Sa totoo lang, ilang mga guwardya't pulis na ang tinakasan ko. Alam kong bawal itong ginagawa kong paglabas ngunit hindi ko na kayang manatili pa roon.

Pinagmasdan kong muli ang kalye. Ang dating lugar na siyang makikitaan mo ng mga palaboy-laboy na mga batang tila ba walang ibang matatawag na bahay kung hindi ang kalsada ay naging mapayapa na. Naglaho na sila.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako aabutin ng paglalakad kong ito. Unti-unti nang lumiliwanag at palaki na rin nang palaki ang tsansang may makakita sa akin.

Sa takot ko'y mas binilisan ko pa ang paglalakad upang makalayo sa lugar na ito. I would never regret the decisions I have made. Siguro kung para sa iba ay kabaliwan ito, para sa akin, ito lang ang nakikita kong matinong paraan upang lumayas sa suliraning ito.

I kept on thinking all the positive thoughts regarding this escape until I reached the lake side of this town. Napakagandang pagmasdan ng lawa lalo pa't bago pa lamang lumiliwanag. Kung dati'y nagkalat ang mga tao rito ngayon nama'y walang ibang makikita't maririnig kung hindi ang pagaspas ng alon mula sa lawa.

Gusto kong manatili na lamang dito. I would like to stay here forever than lock down myself from fear and frustrations.

Humakbang ako papalapit sa railings ng lawa. Bago pa lamang ako tutungtong sa bato nang makarinig ako ng isang malakas na pagsigaw dahilan upang mapalingon ako rito.

Isang sundalo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kung kaya't kumaripas ako ng takbo papalayo. Good thing that I actually joined Track and Field before. Although alam kong mabilis tumakbo ang mga armadong ito, may edge pa rin ako kahit papaano.

Sa pagtakbo ko'y narinig kong nagriring ang phone ko. Ito na naman sila. Bakit ba hindi na lang nila ako hayaang gawin ang mga gusto kong gawin sa buhay?

Locked Down #Covid19 (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon