Marcus Red's POV
"Ngayong nahanap mo na si Lia...Ihatid mo na siya kay Soo"Seryong sabi ni Shinzo. Hindi ko naman maintindihan yung pinagsasabi niya dahil bigla akong naguluhan.
Lia na naman? Bakit ba kasi sakin pinapahanap ni Soo yung anak niyang naglayas eh hindi ko naman alam kung nasaan na yung anak niya?
"Oo nga pala, hindi mo muna pala siya pwedeng iuwi kay Soo dahil delikado ang buhay ni Lia kaya mas mabuting bantayan mo na lang muna ng maigi si Lia"Seryosong sabi pa rin niya. Akmang magsasalita sana ako ng biglang sumigaw si Verra.
"Ano bang pinagsasabi mo ha?! Hindi ako si Lia at ako si Verra at lalong hindi ko alam ang sinasabi mo! Dahil una sa lahat, hindi ko kilala ang sinasabi mong Soo!"Malakas na sigaw ni Verra at bigla siyang tumingin sakin habang salubong ang kilay.
"Sino ba 'to ha?! Bakit ba akong tinatawag na Lia nito eh hindi ko naman kilala yung sinasabi niya!?Tsk! Bahala na nga kayo diyan!"Inis at malakas niyang sigaw sakin at bigla na lang siyang umalis. Hahabulin ko sana siya ng biglang hawakan ni Bryce yung braso ko. Inis ko naman inalis yung kamay niya sa braso ko at tinignan siya ng matalim.
"Hayaan mo na siya"Seryoso niyang sabi pero hindi ko na siya pinansin.
'Bakit ko naman hahayaan yon?! eh girlfriend ko yon!'
d>>___<<b
Inis naman akong umalis din at narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin at agad kong hinanap si Verra.
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa buong school pero hindi ko siya makita.
Nasaan ka na ba kasi my loves?!
dTT___TTb
Hindi pa rin ako tumigil kakahanap sa kanya at inikot ko ulit itong buong school para lang mahanap si Verra.
Nahihilo na ako kakaikot kakahanap sa kanya, pero hindi pa rin ako titigil hanapin siya.
d>>___<<b
"Goku!"Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may biglang malakas na tumawag sakin. Napalingon naman ako sa likuran ko at tumambad sakin si Shawn.
Nakiki-Goku na rin 'to ah! Pero paano niya nalaman na yun ang tawag sakin? Si Verra nga parang narinig ko rin na tinawag akong Goku.
Ah! Oo nga pala, magkakilala nga pala si Veda at Verra at sigurado akong chinismis na ako ng Veda na 'to kay Verra at sigurado din akong sinabi niya kay Verra na Goku ang tawag sakin at saka diba Yaya ni Shawn si Verra kaya siguro nabanggit niya yung Goku kaya ayon Naki-Goku na rin.
d>>___<<b
Patakbo naman lumapit sakin si Shawn habang nakasabit yung bag niya sa isa niyang balikat.
'Galing school ata 'to?'
"Shawn...Anong ginagawa mo dito?"Gulat na tanong ko pero ngumiti lang siya.
"Sinusundo ko kasi si ate Ved-----ate Verra hehe..."Sagot niya at ngumiti siya ng kaunti.
"Ganun ba? Eh hinahanap ko nga rin siya kanina pa kasi bigla na lang siyang umalis"Kunwaring sabi ko na lang. Hindi naman siya sumagot at nagulat naman ako ng bigla niyang tinawag si Verra kaya dahan-dahan naman akong napalingon sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
DATING WITH A GANGSTER (Season 1)
Teen FictionMeet the group of gangsters studying in an exclusive and famous school. Handsome and rich, but one day he met the nerd girl that was studying here. Veda Lia Ramos, she is smart and beautiful but she always a victim of bullying. But what if she met t...