Chapter 49

1.1K 49 1
                                    

Bryce's POV

Kagigising ko lang at wala pa akong balak tumayo. Hindi naman sa tinatamad akong pumasok ngayon kaso masakit ang ulo ko. Hindi muna ako papasok ngayong araw lang naman dahil feeling ko ta-trangkasuhin ako at saka nung hindi naman pumasok si Veda kahapon hindi naman siya hinanap nung teacher namin.

Bigla ko naman naalala na pinapapunta nga pala ako ni Marcus sa hospital ngayong umaga kaso anong oras na!?

Tanghali na!

Hindi ko naman alam kung pupunta ba ako o hindi. Eh kasi naman baka kaya niya lang ako pinapunta dahil baka paselosin niya lang ako kay Veda.

d-.-b

Hays! Baka naman pupunta si Veda mamaya? Kung ganun para na rin makasilay ako hehe.

d^__^b

Agad naman akong napabangon sa kama at saka patakbong nagtungo sa banyo para agad-agad na maligo haha! Sa hospital na lang ako kakain at dadalhan ko na lang si Marcus ng pagkain.

Syempre kahit hindi naman kami close eh may mabuting puso pa rin ako. Haha!

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umalis na agad ako ng bahay.

Tumigil naman ako sa Max's at saka bumili ng one whole fried chicken, crispy pata at saka Max's pancit canton. Nagrereklamo kasi siya kahapon na puro gulay kinakain niya eh. Hahaha!

Pagkatapos ko naman bumili sa Max's ay dumeretso naman ako sa Krispy Kreme para bumili ng dalawang box na donuts pagkatapos ay saka na ako dumeretso ng hospital.

Pagkadating ko naman sa hospital room ni Marcus ay kumatok muna ako kaso hindi ko na hinintay pang sumagot siya dahil agad ko ng binuksan yung pintuan saka ako pumasok.

"May dala nga pala akong foods"Agad na bungad ko sabay taas nung paper bag na may laman pagkain. Nakaupo lang siya habang nakasandal at nanonood ng TV.

Nilapag ko naman sa lamesa yung binili kong pagkain."Kumain ka na ba?"Tanong ko habang inaalis ko naman sa paper bag yung pagkain.

"Hindi pa"Sagot naman niya.

"Kumain ka na, sabay na tayong kumain"Sabi ko pa at saka ko siya pinaghandaan ng pagkain.

Nagsimula naman na kaming kumain dalawa."Nang umalis kasi ako sa bahay hindi pa ako kumakain kaya bumili na lang ako ng pagkain at naisipan kong dito na lang kumain para may kasabay ka"Seryoso ko naman sabi pero hindi naman siya umimik.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain at nung matapos naman kaming kumain ay nagpaalam muna ako na may bibilhin lang ako sa may baba.

Pumunta ako sa may cafèteria sa may baba at gusto kong bumili ng snacks para mamaya dahil balak kong sa hospital na lang matulog at bantayan si Marcus. Nakakaawa naman kasi yung Mommy or Daddy niya kung sila pa ang magbabantay kay Marcus eh. Sa pagkakaalam ko duty sila ngayon at sobrang busy din nila.

Kahit hindi talaga kami close ni Marcus kailangan mabantayan ko siya eh mukhang isip bata pa naman yon.

d>>__<<b

Pagkatapos ko naman bumili ay agad na akong bumalik."Bumili ako snacks para mamaya, dito ako matutulog"Seryoso ko naman sabi na ikinakunot naman ng noo niya.

"Bakit dito ka matutulog? May dala ka bang damit?"Kunot noo niyang tanong.

"Wala, pero uuwi pa ako kasi kukuha ako damit"Agad na sagot ko naman.

"Wag ka ng umuwi, hiramin mo na lang yung damit ko diyan"Seryoso naman niyang sabi na ikinagulat ko.

dO__Ob

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon