A/N: You've been warned..
2020/08/04
Sa labinlimang taong kasama ni Clair si Aveline mula kinder ay ganun na din katagal mula nang magkaroon siya ng pagtingin dito.. Ang problema.. Masyadong manhid ang kababata niyang si Aveline..
"Clair! Bakit hindi mo ko ginising?" Muntik na kong mapairap habang nagsusuklay ng buhok ko ng mangiyak-ngiyak itong kinukusot ang mata dahil kakagising nga lang nito
Shet! Ang cute niya talaga!
''Ginising kita okay? Ikaw lang tung hilik pa din ng hilik.." Nakasandal sa bintanang sagot ko sa atungal nito kanina
"Sa text? Pano ako magigising nun? WAAHHH!!"
At umiyak na naman po ang prinsesa natin
"Maligo ka na nga.. 30 minutes lang kitang hihintayin tas aalis na ko.." Putol ko sa pag-iinarte nito
"Sabay tayo ha?!"
"30 minutes nga!"
Dali-dali naman itong pumasok sa banyo niya ng pandilatan ko ito ng mata.. Geezz.. First day na first late na kami? What a day to start our college years?
Nang masigurado kong umaagos na talaga ang tubig sa banyo nito ay tsaka ko naman sinarado ang bintanang katapat ng kwarto nito..
Yup! Magkapit-bahay po kami ng kababata kong yun.. Bintana lang po siguro yung pagitan naming dalawa kaya minsan nakakasawa na din...
I've been in love with my best friend for years now pero as always.. Walang dating itong pagsintang binibigay ko sa kanya..
We were friends since kinder.. Became best of friends in elementary until now... Walang nagbago sa pagkakaibigan naming dalawa except sa feelings ko para dito..
Nang makita kong tapos na ang palugit na binigay ko dito ay lumabas na ko sa kwarto ko para mag-agahan..
"Clair! Bakit hindi mo ko hinintay?" Hinihingal pa na tanong nito ng maabutan ako palabas ng Village namin ..
Hindi hinintay? Eh kulang nalang maglakad-pagong ako para sayo eh
Pero as always, hindi yun ang sinabi ko
"Bagal mo eh.." Sagot ko nalang tsaka kinuha ang bag nito
"Ang daya mo! Bakit mo ko iniwan?" Lambing nito na pumunta sa harap at kumapit sa batok ko
Sa taranta ay bigla kong naihambalos dito ang kaygaan nitong bag
"Bakit mo ko hinambalos ng bag ko?" Mangiyak-ngiyak na na ang tanong nito.
"Trip ko lang.." Pero ang totoo, ramdam ko ang init paakyat sa mukha ko
Heck! I'm blushing!
"Bilisan mo ngang maglakad! Malalate tayo nito eh.."
"I love you C!" Malambing ang boses na ani nito habang nakakapit sa braso ko
"I hate you!" Natawa nalang ito sa sinabi ko at bumalik na sa pagdadaldal tungkol sa mga crush nito
Isa pa to sa problema ko kay Av, masyado siyang malambing sa akin..
Kundi nakasandal, nakayakap o di kaya ay nakalingkis ito sakin and it frustrates me more...
Her actions are giving me ideas I don't want to have..
Pero sa loob-loob ko ay umaasa akong, sana may gusto din siya sakin
Okay lang kahit hindi niya muna ako mahal.. Okay lang na ako nalang muna yung nagmamahal basta may nararamdaman siya para sa akin
Kaya lang...
BINABASA MO ANG
Her Lust for Love
General FictionCredits to Google for the Photo 😅 Warning: This is a gxg story written by an amateur author like me hehe, kaya its your choice kung babasahin niyo to. Mature scenes ahead so please read at your own risk This story is just for the author's enjoym...