63 5 1
                                    

2020/08/06

"The verb ですor to be can be used in-..."

We are currently in our foreign language class and I am very much aware of the glances from the girl beside me which is Av

I know, she still haven't moved on about what she asked the other night and that fact almost kept me awake for hours

When the professor announced our dismissal.. I hurriedly collected my things in hope to avoid her.. Again..

Or so I thought...

"Aveline, Clair... My friends!" Muntik pa kong mabuwal nang biglang umakbay si Janine- one of our college friends and Luoella's crush, sa pagitan naming dalawa ni Av..

"Sa'n tayo ngayon? Gusto niyo Mcdo tayo or sa Mang Inasal?" Patuloy na daldal nito habang pilit ko namang tinatanggal ang pagkakaakbay nito kasi ramdam ko na ang bad mood ni Luoella na kasabay din namin ngayon

"Pasensya na pero inaya ako kahapon ni Kuya Kent na sumabay sa kanya.." Paalam ko sa kanila habang hindi makatingin kay Av na biglang natigil sa pagkiliti kay Janine

Parang bata! Nagseselos na bulong ko sa isip ko

"Kailan pa kayo naging close?" Nakahalukipkip na tanong ni Av na sinundan ng tango ng dalawang bugok sa tabi niya

"Nakalimutan mo na? Best friends sila ng pinsan kong si Rayvier di ba? It turns out na ibinilin ako nito kay Kuya Kent nang lumapit daw si Luke yung ex ko kay Kuya Rayvier para hingin ang number ko.. Ani pa nito na baka balak daw akong ligawan nito uli..." Muntik pa akong natigil sa pagsasalita ng mapansin kong biglang naging madilim ang ekspresyon ni Av na saglit lang naman

"Yun ba? Kayo nalang Janine at Luoella.. Baka solo flight lang ako ngayon kasi may pupuntahan pa ko.. Bye.." Biglang paalam ni Av na hindi man lang tumingin sa gawi ko bago umalis

"Anong nangyari dun?" Naiiling na tanong ni Luoella na binaliwala din naman niyo agad

"Sige mauna na din kami Clair.. Ingat ka ha?" Paalam ni Luoella ilang segundo pagkatapos mawala sa paningin naming tatlo si Av

"Sige.." Tango ko kay Luoella na nakaakbay na umalis kasama ang naka-pout na si Janine

***

"Sorry kuya ah.. Nakaabala pa tuloy ako sayo.. Baka magalit girlfriend mo nyan?" Pabiro ko pa itong hinampas sa balikat na ikinatawa niyo ng malakas

"Ano ka ba naman Clair.. Utos ni pareng Ray eh.. Napilitan lang ako.."

"Joke! Hahaha.." Bawi nito ng makita ang shocked kong mukha

"Anyway, ano nang plano mo dun sa ex mo? Alam nating lahat na masyadong basagulero yun kaya mag-ingat ka pa lagi.. Alala ko pa nung  bago kayo grumaduate ng senior high ay sunod ng sunod yun sayo di ba? Stalker yata yun eh. "

Yumuko nalang ako sa hiya nang maalala ko ang nangyari dati

Hindi ko maintindihan minsan yung ex kong yun.. Siya naman yung nag-cheat saming dalawa pero daig pa nito ang asawang iniwan kung makabuntot sakin..

Buti nalang talaga kasama ko palagi si Av

"Basta salamat pa rin kuya Kent.. Tsaka salamat na rin sa libre.. Next time ako naman yung manlilibre sayo.. Salamat talaga.."

"Ano ka ba wala lang yun.. Hayaan mo.. Papakiusapan ko rin yung mga barkada namin ni Ray na bantayan ka rin paminsan-minsan sa malayo.. Sige una nako.." Paalam nito na ginulo pa muna ang buhok ko bago tumalikod habang kumakaway-kaway

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Lust for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon