Habang papunta sa bahay ng kanyang pnaka mamahal na lola di parin nya nakakalimutan ang muka nung wolf na naghatid sa kanya kanina. Ang totoo niyan ginabi si Lisanie ng punta sa kanyang lola kasi gusto nya makita ulit ang wolf kaya lang sa kasamaang palad hindi nya ito natagpuan. Pag pasok nya sa bahay ng kanyang lola natagpuan nya itong may kinakausap sa sala. Isang lalaki na kamuka ng wolf kaya lang wala na ang mga attributes ng pagiging wolf. Muka itong tao.
“Kumusta po lola. Pasensya na po at ginabi ako ng dalaw sa inyo. Naligaw po kasi ako kanina.” pagpapaumanhin nya sa kanyang lola.
“Ayos lang yun apo. May gusto nga pala akong ipakilala sayo. Sya si Alphonse. Sya ang anak ng hari natin. Kaya sya nagpunta dito ay para makilala ka.” bati ng kanyang lola.
“Magandang gabi po mahal na prinsipe. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Lisanie.
“Alphonse nalang o kaya Al. Mag mo akong tawaging mahal na prinsipe. Nagmumuka akong matanda eh. Opps sorry po lola, di ko pa iyon sinasadya.” sorry nni Alphonse sa lola ni Lisanie
“Eh... Nakakahiya naman po pag ginawa ko yun. Baka ho may makairinig at isiping masyado akong papansin sa inyo.” paliwanag ko naman kay Alphonse.
“Wag mo silang intindihin. Inuutos ko sayo na tawagin mo ako sa una kong pangalan. Pwede ba kitang makausap?” utos sakin ni Alphonse
“Sige po mahal na prinsipe- este Alphonse pala.” payag ko naman.
Pumunta kami sa kusina para makapag usap. Malaki talaga ang pagkakahawig ni Alphonse sa wolf kanina. Ang height, ang boses, ang ngiti, lalo na ang ngiti!
“Bakit mo ako gustong makausap?” tanong ni Lisanie kay Al.
“Gusto ko lang naman malaman kung ano mga hilig mo at kung ano mga gusto mo. Simple lang gusto kitang maging kaibigan. Wala kasi akong makausap doon sa palasyo kasi puro busy.” paliwanag nya.
“Mga gusto ko?” tanong ko ulit. Ano kayang gustong patunayan ng lalaking to sakin?
“Oo. :D” at ngumiti sya na parang nagpapacute. Konti nalang mahuhulog na ang loob ko sa kanya. Isa pang ngiti at talaga nnga namang susunggaban ko to!
“Eh kung magkwentuhan nalang muna tayo?” suggest ko sa kanya.
“Pwede rin. Bakit hindi?” pag sangayon nya.
“Ako nga pala si Lisanie. Ang mga paborito kong gawin ay mag bake ng cookies at brownies, mag basa ng magandang libro, tumulong sa mga kaibigan. Pwede na ba yun? Ikaw naman ano mga gusto mong gawin?” tanong ko naman sa kanya.
“Ako? Ang mga madalas kong ginagawa sa palasyo ay makinig ng pagtatalo, pagpaplano para mapaganda ang bansa, etc. etc. Paulit ulit nalang kaya ang gusto kong gawin mamasyal sa iba’t ibang lugar kasama ang taong mahal ko at mamuhay lang ng simple. Ayoko ng maging prinsipe gusto ko nalang maging si Alphonse. Pakiramdam ko kasi gusto lang ako ng mga tao dahil ako ang prinsipe at hindi dahil ako si Alphonse.”
“Ang lungkot pala ng buhay mo. Gusto mo bang dito kumain oras na kasi ng hapunan?” alok ko sa kanya. Sana naman wag nyang tanggihan yun.
“Bakit hindi? Halika tulungan natin lola mo.” yaya nya sakin.
Napaka matulungin nya at masayahin. Di rin sya mapili sa pagkain di kagaya ng ibang mayayaman. Yung iba kasi kunukutya kami kasi di namin nararanasang kumain ng mga mamahaling karne. Kumakain naman kami nun pag may okasyon lang.
“Pasensya na sa ulam namin Alphonse di kasi namin inaasahan na may bibisita ditong isang espesyal na tao.” sabi ng lola ko. Tapos na kaming kumain at naghahanda ng umalis si Alphonse.
“Ok lang ho iyon. Masarap naman po luto nyo eh. Tsaka naabala ko na ho kayo ng matagal. Sige ho una na po ako. Paalam na po. Babalik ho ulit ako para sa masarap na ulam.” paalam nya.
“Sige lang. Apo hatid mo na sya sa labas.” utos sakin ng lola ko.
“Ay hindi na po. Kaya ko na po sarili ko.” tanggi nya.
“Sige na sasamahan na kita.” pag sangayon ko naman sa lola ko.
“Talaga ok lang sayo?” tanong nya.
“Oo naman.” :) naka thumbs up pa ako sa kanya.
Sa labas naabutan namin si Alfred. Isa sya sa mga nanliligaw sakin. Ang totoo ayoko sa kanya kasi mayabang sya. Di rin maganda ugali nya.
“Lisanie sino yang kasama mo? Pinagpapalit mo na ba ako?” akusa nya.
“Anong pinagpapalit ang sinasabi mo dyan? Di mo ba sya kilala? Sya ang prinsipe.” sabi ko naman sa kanya.
“Anong prinsipe? Yan? Prinsipe? Mas muka pa nga akong prinsipe dyan eh!” told ya mayabang sya. Muka namang imburnal.
“Talaga bang ganyan sya?” bulong ni Alphonse sakin.
“Oo eh. Pagpasensyahan mo na ha.” pagpapaumanhin ko naman.
“Kung hindi mo ako nakikilala ako nga pala si Prinsipe Alphonse ng Macedonia” pagpapakilala naman nya kay Alfred. (Sorry wala kasi akong maisip na lugar eh!!! >.<!)
“Kung ikaw nga ang prinsipe nasan naman ang korona mo? Nagpapaggap ka lang eh. Layuan mo si Lisanie ko!!!!” babala ni Alfred
“Lisanie mo?! Hoy wag kang mag ilusyon na magugustuhan kita!” sabat ko naman.
“Tara na nga mahal na prinsipe! Baka kasi makakita ka pa ng isang marahas na eksena eh.!!” sabay hila sa kamay ni Alphonse.
Buti naman at natakasan namin si Alfred. Bwisit talaga sa buhay ko si Alfred. Konti nalang mapapatay ko na sya eh!!
“Ano nga pala ibig mong sabihin dun sa huli mong sinabi na baka makakita ako ng isang maarahas na eksena?” tanong sakin ni Alphonse.
“Ah yun? Wag mo nang intindihin yun.” narating na namin yung dulo.
“So sa susunod nalng ulit?” tanong ko sa kanya.
“Anong sa susunod? Bukas ulit kamo. Sige na paalam na at baka inaantay ka na ng lola mo magalala pa yun.” paalam nya sakin.
“Sige. Magandang gabi Alphonse.” sabi ko naman. Ang di ko inasahan bigla nya akong hinalikan sa pisngi. :”) O.O mamatay ako sa kilig nung nangyari yun kaya lang ang bilis eh. Nawala na sya.
“Paalam!” sigaw ko kahit wala na sya.
BINABASA MO ANG
The Wolf that fell in love with Red Riding Hood
RomanceThis is a story of a wolf na nainlove sa kanyang biktima. Di naman nya sinasadya yun. Maraming beses na din naman nya itong natulungan so anong masama dun diba? Well ang masama dun ay maraming humahadlang sa kanilang pagmamahalan. Super duper agai...