(Alphonse's POV)
Habang si Lisanie ay masaya si Alphonse naman ay naghihirap. Di nya pwedeng mahalin si Lisanie baka pag sinabi nya ang totoo iwan sya nito.
"Boss ok ka lang ba? Kanina ka pa po dyan walang kibo." sabi ng alalay ni Alphonse.
"Ok lang ako. May inaalala lang ako." sabi naman ni Alphonse
"Babae po ba boss? Gusto mo hanapin ko sya para sayo para maging kabiyak mo?"alok naman nito sa kanya.
"Tigilan mo nga ako dyan Bino. Ano bang pinagsasasabi mong kabiyak kabiyak na yan?" tanong naman ni Alphonse.
"Kailangan mo na pong maghanap ng mapapangasawa boss tumatanda ka na. Nasa tamang edad ka na ng pagpapakasal." paliwanag naman ni Bino
"Bino sa tingin mo may magkakagusto sa isang halimaw?" dun sa sinabi nyang yun bigla nyang naalala si Lisanie at napangiti nanaman sya magisa.
"Syempre naman bossing. Mabait ka naman at gwapo pa! Tsaka malay mo may tao talagang makakapag pawala ng bisa ng sumpa." sabi naman ni Bino.
"Sana nga Bino. Sana nga." hiling naman ni Alphonse.
Tuwing umaga nagiging wolf si Alphonse. Nakatira sya sa isang maliit na cottage sa gitna ng gubat. Pag gabi naman ay umuuwi sya sa palasyo para gawin ang kanyang trabaho. Pag madaling araw umaalis sya ng palasyo para sa cottage sya maaging wolf at para walang makaalam ng kanyangg lihim. Sya ay nadamay lang sa hidwaan ng isang mangkukulam at ng kanyang ama.
"Wag mong idamay ang anak ko.wala syang kinalaman sa away nating dalawa!" sigaw ng hari sa mangkukulam.
"Anong wala? Sya ang dahilan kung bakit mo ako iniwan! Sya at ang kanyang hampaslupang ina!" sigaw din ng mangkukulam.
"Hindi kita kailanman minahal!" sigaw parin ng hari. Umiiyak sa isang tabi ang reyna na ina ni Alphonse habang si Alphonse ay mahimbing na natutulog sa bisig ng kanyang ina.
"Alam kong minahal mo ko pero nung dumating sa buhay mo ang babaeng yan bigla mo nalang syang pinakasalan!" panunumbat ng mangkukulam
"Kaya ngayon isinusumpa ko magiging isang aso ang anak mo!!! BWAHAHAHAHAHA!!!!!" biglang nawala ang mangkukulam. Sumigaw naman ang reyna ng makita nyang nagkatotoo ang sinabi ng mangkukulam.
"Anong gagawin natin mahal ko?" tanong ng reyna sa hari.
"Maghahanap tayo ng taong makakatanggal ng sumpa sa ating anak."
Di nagtagal nakatagpo sila ng isang albularyo. Konti lang ang naitulong ng albularyo sa kanila pero ayos lang yun. Nasabi ng albularyo na masyadong malakas ang mangkukulam na sumumpa sa prinsipe at di nya ito kayang kalabanin, ang ttanging nagawa ng albularyo ay maging tao si Alphonse sa gabi at kalahating wolf naman sa araw. Nakapagbigay din ito ng solusyon. Kailangan makahanap sila ng tao na iibig ng buo sa prinsipe kahit ito ay wolf para mawala ang sumpa. In short kailngan ng true love.
Hating-gabi nasa daan si Alphonse papunta dun sa cottage nya sa gubat may napansin si Bino na gumalaw. Di lang nya alam kung ano.
"Bossing narinig mo ba yun?" tanong ni Bino sa kanyang amo.
"Wala naman akong narinig eh. Kung anu-ano talaga naiisip mo no?" sabi naman ni Alphonse
"Meron talaga akong narinig bossing eh. Hayy siguro nga guni-guni ko lang yun." pagsasawalang bahala naman ni Bino.
"Halika na at malapit ng mag bukang-liwayway, may makakita pa sakin." pagmamadali naman ni Alphonse.
BINABASA MO ANG
The Wolf that fell in love with Red Riding Hood
RomanceThis is a story of a wolf na nainlove sa kanyang biktima. Di naman nya sinasadya yun. Maraming beses na din naman nya itong natulungan so anong masama dun diba? Well ang masama dun ay maraming humahadlang sa kanilang pagmamahalan. Super duper agai...