CatherineWhile we were removing the bodies and putting it into the dining hall, I can smell the stench of the it as we gather more and more.
"Guys, kumpleto na ba lahat?"
"Wait, Cath, come over here" Tinawag ako ni Katrina papunta sa table. Pagpunta ko, nandoon si Theresa, Raegan, James at si Kristoffer. Tinitignan nila yung bangkay na walang balat.
"Are you sure na ito yung owner?" Masinsinang tanong ni Katrina kay Theresa.
"Opo, Ma'am, sa totoo nga po, mabait po iyang si Sir. , minsan nga lang po nagbabago lang ng ugali kapag andito po si - - -"
"Theresa!" Pinatigil siya ni Manang Prescilla.
"Sige po, Ma'am, mauna na po ako sa inyo" Agad na nawala si Theresa sa paningin namin.
"Guys, kung sino mang gumawa nito, halatang may galit. Binalatan ba naman siya na parang hayop" sabi ni James.
"But what questions me, who's the killer kung patay na ang owner?" Katrina asked.
"There's gotta be a clue in the house, I'm sure meron dito. We just need to investigate more" Raegan said.
"Okay, James, Raegan, sama-sama tayo dito sa first floor. Katrina, Kristoffer, isama niyo ba din si Isagani and check the second floor. I'm sure may mahahanap tayo" After that, we scattered around the area.
Edgar
"Pre, sigurado ka di mo kailangan ng kasama papunta sa servant's dormitory?" Tanong sa akin ni Frances.
"Oo, pre, okay lang ako. Samahan mo na lang si Chef Manuel dito, sigurado ako kailangan ka niya" Umalis na agad ako at papuntang dormitory.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon...
Hindi rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon...
Siguro, hindi alam ng pamilya niya. Na napaka-demonyo niya!
Wala siyang awa...
Hindi kaya, siya rin ang pumatay sa mga kasama namin?
Baka nga...
Baka nga.....
"Edgar" Isang boses na napaka-pamilyar sa akin. Isang boses mula sa likod.
Agad akong tumakbo sa ulan papunta sa servant's corridor tungo sa kwarto ko, isinulat ko ang dapat isulat sa kuwaderno. Nakapag sulat ako sa dalawang pahina at agad ko itong pinunit.
Nilagay ko ang isang pahina sa likod ng lampara at pinatay na ito. Samantala ang huling pahina ay nasa mga kamay ko na lamang, wala na akong oras dahil alam ko na sa likod ng pintuan ng aking kwarto ay nandoon na siya.
Agad kong itinago ang papel sa aking kamay na sakto namang pag-pasok niya sa silid.
"Nakikiusap ako, nakikiusap ako sayo na wag - - -"
Katrina
"Are you sure na may mahahanap tayo dito sa family room?" I asked. Isagani and Kristoffer are just laughing and laughing, napaka walang- - -
Isang malakas na putok ang kumuha ng atensyon namin.
"Galing ata sa labas" Isagani said. Agad kaming pumunta kung saan man nanggaling ang putok ng baril. Habang patakbo kami papunta doon, nakarinig pa kami ng dalawa pang putok ng baril.
