PROLOGUE

134 2 0
                                    

Gidget Po'V

I'm a simple girl. I have many friends. Not so popular in school but I have a good records. I'm in my fourth year in college. Graduating na ako sa kursong tourism. And I am NBSB. As in No Boyfriend Since Birth. Pero crush? Nag-iisa lang naman siya eh. At yun ang seat mate kong si Troy Gracielo Villaabrille. Na boybestfriend ko.

"Psst! Gidget sabay tayong luch mamaya ah."

I just rolled my eyes to hid my true feelings. Pakunwari nagtataray pero kinilig naman.

"Marami pa akong gagawin Troy. Tsaka kasama mo naman girlfriend mo diba?"

Yeah. Troy is already taken. Pero nasa kabilang school nag-aaral ang gf niya. Pinsan ng isa sa mga kaklase ko. Isa din ito sa dahilan kung bakit pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong higit pa sa crush ang turing ko kay Troy. Pero palagi ko iyong pinipigilan dahil alam kong mali.

Wala din naman siyang kaalam-alam na gusto ko siya kaya keri lang, ako lang din naman ang masasaktan.

"Tayong tatlo nga diba. Duon lang tayo sa cafeteria. Baka masundo ko siya mamaya sa kanilang school para sabay tayong tatlo kumain"

Nakangiti si Troy. Maaliwalas ang mukha at sobrang gwapo. Halos nasa kanya na ang lahat eh. Gwapo, matalino, mayaman, heartthrob, at responsable. Kagaya din ng gf niya. Kaya maraming humahanga sa kanilang tandem eh. Bagay na bagay sila. Yung sa sobrang bagay planado na lahat. Mula kasal hanggang sa pamilya.

"Hoy Gidget."

Bigla akong napakurap-kurap nang sundot-sundutin ni Troy ang mukha ko. Tinampal ko naman ang kamay niya dahil sa hindi ko malamang kuryente chu-chu na yan. Si Troy lang ang kayang magparamdam sa akin ng ganito. At si Troy lang din ang kayang manakit sa akin ng ganito.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil biglang dumating ang aming Prof. Si Professor Jandayan.

"Good morning class. We have a new student. Galing siya sa kabilang school pero nag transfer siya dito. Please introduce yourself infront of your new classmate."

Nag abang kami kung sino man yung bagong classmate namin. At nang pumasok ito ay napangiti nalang ako ng mapait. Si Nika. Siya ang bago naming classmate.

"Good morning everyone. I'm Nika Tiballera from Brix University. Nice to meet you." Ngumiti pa si Nika dahilan para lumabas ang malalim niyang biloy sa magkabilang pisnge. Bumaling naman ako sa katabi ko. Bakas ang gulat at saya sa mukha ni Troy. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagmamahal para kay Nika. Kumurap-kurap nalang ako nang manubig ang mga mata ko saka tumingin sa harapan.

Aakalain mong isang manikin na buhay si Nika. Sobrang puti at ganda niya. Ang ganda din niya manamit na palaging bumabagay sa makurba niyang katawan. Pati lahat ng boys dito ay makikitaan mo ng atraksiyon sa kanilang mga mata. Ang mga babae namang may inggit at pagkamangha.

"Please take your seat Miss Tiballera."

Naupo si Nika sa bakanteng upuan sa huling row. Bumaling naman siya dito sa amin saka ngumiti. I changed my gaze to my bestfriend. He is now smiling while seeing his love of his life.

Pinilit kong makinig sa mga prof na nagtuturo sa amin. From time to time palagi akong napapagalitan dahil hindi ako nakaka sagot pag ako ay tinatawag. Si Troy halatang nag aalala at naguguluhan sa nangyayari sa akin. Hindi naman talaga ako ganito eh. Hindi sa paghihinambog pero ako ang palaging Top 1 sa klase.

Luch came and I hurriedly put my stuff on my bag before hurriedly go out in our room. Pag daan ko sa kabilang room ay siyang paglabas ng isang bestfriend ko. Siya si Grace Villaabrille. Pinsan ni Troy. Naging bestfriend ko siya sa pamamagitan din ni Troy.

Were Not Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon