CHAPTER 1

30 2 0
                                    

Gidget's Po'V

IT'S BEEN a week since Nika transfer in our school— Harbord University—and it's been a week since Troy treat me like I never exist. Pagpasok ko palang sa classroom, bumungad na sa akin si Troy at Nika na naglalambingan. What's new? Halos araw-araw ito ang nadadatnan ko. And the worst part? Si Nika lang naman ang naka upo sa upuan ko noon. Kaya ako? Duon naka upo sa last row. Bale nagpalit kami ni Nika. Hindi naman ako pumayag na duon umupo eh. Pero ang magaling kong boy bestfriend nagpumilit.

Sino ba naman ako para ilayo ang kaligayahan niya diba? Sino ba naman ako para hindi pumayag? We're just friends after all. Siyempre ako palagi ang dapat magparaya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang Prof namin. Wala siyang ibang dala maliban sa attendance record. So it means hindi siya magkaklase? For what reason?

"Good morning class. We have a trip in Evergreen bat cave tommorow morning at exactly 8:00 am. Parte ito ng magiging lesson natin about Biodiversity at para naman maranasan niyo kung paano i-acomodate ang mga turista pag kayo'y nakapag tapos nah. I will give a parents slip before noon. Kailangan may perma ang slip ng parents niyo para makasama kayo. It's that all clear?"

"Yes sir!"

Sana naman pumayag ang parents kong makasama ako. Magdadala ako ng camera. Ngayon ko palang narinig ang Evergreen bat cave. Sana naman maraming magagandang tanawin duon. One of my dream is to become a photographer. Kaya nga kinuha ko ang tourism para kahit saan man ako magpunta, marami akong makuluhang larawan na hindi ko malilimutan.

Napabaling ako kay Troy. He is now happily talking with his girlfriend. Bukas maiichapwera na naman ba ako? Okay lang na hanggang friends lang kami ni Troy. Basta pansinin lang niya ako. Simula ng dumating dito si Nika. Wala ng ibang ginawa si Troy kundi samahan si Nika kahit saan man siya pumunta.

Pinapansin naman ako ni Troy eh. Pinapansin lang niya ako pag kinakailangan. Pinapansin lang niya ako pag may favor siya. Mamaya kakausapin ko nalang si Troy. Hindi bilang kaibigan, ngunit bilang si Gidget Amarilla.

Lunch time at nagliligipit na ako ng gamit ko, but suddenly someone interrupt me.

"Gidget, sama ka sa amin ni Nika mag luch. Matagal-tagal na din tayong hindi nagkasama eh. Tsaka okay lang naman kay Nika."

Napa-angat ako ng tingin ko. Nakangiti si Troy at si Nika. Kailan pa kaya naging malungkot si Troy? Hindi ko pa nakita. Ngumiti naman ako sa kanila kahit ang gusto ko ay tumakbo at pumunta kay Grace. Pero sa kadahilanang gusto kong pansinin ako ni Troy, ay pumayag ako.

"Sige ba! Duon tayo sa paborito mong kainan Nika."

Tumayo at isinukbit ko na ang bag ko. Si Nika naman ay biglang umangkla sa braso ko na ikinagulat ko.

"I wish I have a sibling like you. Ang bait mo eh. Tsaka sige, duon tayo sa paborito kong kainan."

Sabay kaming natawa ni Nika. Siguro hindi narin masama ang maging kaibigan siya. Siguro simula ngayon maging masaya na ako para sa kanila. Ang dali lang naman ng gagawin ko eh. Kailangan ko lang magparaya.

"Love! Dito ka nga sa tabi ko."

Bumaling kami kay Troy na ngayon ay nakasimangot na. Alam kong nagbibiro lang siya kaya tinawanan lang namin siya ni Nika.

"Wag kang OA Troy. Hindi mo man napapansin pero nagmumukha kang bakla." Natawa na naman kami ni Nika sa naging reaksiyon niya. Namumula kasi ang buong mukha niya lalo na ang tenga.

Hindi na namin pinansin ni Nika si Troy saka dere-deretso lang sa paglalakad. Hindi naman kalayuan ang paboritong kainan nitong si Nika. Ilang sandali pa ay nakarating na kami. Oo nga't private ang pinapasukan namin pero hindi naman kami ganuong estudyante na kailangan kumain sa mamahalin o kaya sa mga restaurant na sosyal ang pagkain.

Aleng Helen's Kainan.

Dito na kami kumakain since nag transfer na dito si Nika. Noon kasi ay kailangan pa siyang sunduin ni Troy sa kabilang school. Medyo malayo kasi ang Brix University kaya konting oras lang kami nagkakasama noon.

"Ako na ang o-order. Maghanap nalang kayo ng mauupuan."

Napili naming upuan ni Nika ay sa may bintana. Itong kainan naman na ito ay hindi kagaya ng ibang kainan na sobrang kalat o disoriented ang mga gamit. Maaliwalas kasi dito kasi napapalibutin ito ng mga puno kaya masarap ang hangin. Gawa ito sa kahoy na nakapadagdag pa sa lamig ng simoy ng hangin.

"Sasama ka ba bukas?" Biglang tanong sa akin ni Nika.

"Pag papayagan ako ng parents ko. Si mommy kasi busy sa business namin abroad. Hindi ko alam kong matiye-tyempohan ko ba siya na hindi busy. Si daddy naman ay sobrang overprotective sa akin. Noong junior high nga ako hindi niya ako pinayagan na sumama sa field trip kahit malapit lang naman. Kaya hindi pa ako sure."

Napatango-tango siya sa mga sinabi ko.

"Alam ko na!" Parang biglang nagka light bulb ang ulo ni Nika dahil sa naisip niya. Sana naman hindi ito kalokohan o ano. Last time I did a stupidity, my parents grounded me for a whole year!

"Siguraduhin mong walang halong kalokohan iyan Nika. Naku, sinasabi ko sayo. Kahit kaibigan pa kita, kakalbuhin talaga kita."

Tinawanan lang ako ni Nika.

"I know. Why didn't you try to others? Like with your close yaya or tita, tito. Besides, perma lang naman ang kailangan diba?"

Hmm. May point naman si Nika.

"Pero paano pag nalaman nila mommy at daddy?"

"Bakit? Hahayaan mo bang malaman nila?"

I grin on her Idea. May alam akong tao na pagkakatiwalaan ko talaga. Siya palagi ang tumutulong sa aking tumakas noon, siya palagi ang nag-aalaga sa akin, at siya palagi ang nagtatakip sa akin sa mga kalokohan kong pinanggagawa. Si nanny Linda.

"O sige try ko."

Nika rolled her eyes.

"Don't just try it. Do it!"

Nag pout nalang ako hanggang sa dumating si Troy dala ang mga pagkain namin.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Umirap nalang ako. Kahit kailan napaka tsismoso nitong si Troy.

"Were just having a small chit-chat here. Hindi pa kasi sure si Gidget kung makaka punta siya. Medyo strict pala parents niya eh."

"Edeh kay mom ka nalang magpaalam Gidget. Sure naman akong peperma si mom eh. Ikaw pa! Paborito ka kaya ni mama. Baka nga hindi mo mamalayan na magiging mommy mo narin si mommy." Troy laughed and joke. Si Nika parang hindi yata na gets ang sinabi ni Troy dahil patuloy lamang siya sa pagkain.

Baka nga hindi mo mamalayan na magiging mommy mo narin si Mommy

I know Troy didn't mean it. Para sa kanya joke lang yun. Para sa kanya wala lang yun. Lahat naman ng ginagawa niya sa akin ay wala lang. Ako lang naman itong binibigyan ng iba't ibang meaning. Siguro ang ibig sabihin lang niya ay aampunin ako para maging mommy na din ang mommy ko Troy diba? Pero ako itong pinag-gigiit na iba ang ibig sabihin niya.

Ako na ba ang pinakamalakiing tanga sa buong mundo? Asking for loved to those people who doesn't love me back.

______________________________________________
A/N: Yey! Nasimulan na din HAHAHA

Happy reading❤️

Were Not Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon