CHAPTER 2

33 2 0
                                    

Gidget Po'V

They said honesty is the best policy. Pero sa katunayan binalewala na yan ngayon. Marami ng nagsisinungaling. Iba na kasi ang panahon ngayon. Just what like I did. I lied to my parents. Sinabi kong may pupuntahan lang kami sa kabilang school, to explore something new. Yun ang pagkakaalam nila. Yung slip naman na ibinigay sa amin ni prof, si nanny Linda ang pumerma. Wala naman siyang maraming tanong kung ano ba ang tungkol sa slip na yun. Kaya nga siya nalang ang pinaperma ko eh.

Exactly eight ay kompleto na kami. Ready na ang bus na sasakyan namin. Maraming namang sinabi si prof tungkol sa does and don't.

"Gidget tara na!" Pag-aaya sa akin ni Nika. Himala yatang walang Troy na sumusunod sa kanya.

"Susunod na." Maglalakad na sana ako nang may biglang humablot sa braso ko.

"Bakit ganyan ang suot mo? Wala ka bang dalang jacket? O pants man lang?" Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kong si Troy ang taong humablot sa akin. Tiningnan ko pa ang suot ko dahil sa sinabi niya. Black t-shirt and a short with sandals. May mali ba sa suot ko?

"Bakit? Eh sa komportable ako dito sa suot ko eh."

I just shrugged when I saw his face turn dark. Dumeretso nalang ako sa bus, baka mamaya hindi pa ako makasakay eh. Nasa hagdan pa lang ako nang may cardigan na pumulupot sa akin.

"Next time na magsusuot ka ng maikli, mananagot ka sa akin. Don't you know that every boys is feasting on your legs? Next time be ware Gidget."

Nauna pa sa akin si Troy sa pagpasok. Ano bang pinagsasasabi niya? Ano bang ibig niyang sabihin? Mas lalo lang tuloy akong ginugulo ni Troy eh. Kinuha ko nalang ang cardigan niya saka tinali ito sa beywang ko. Naghanap agad ako ng mauupuan ng makitang halos lahat na kami ay nandito. Sa hulihan ako nakaupo dahil ang bus ay puno na. Bakit naman kasi isa lang ang kinuha ni prof?

Hanggang sa umusad na ang bus ay ang pinagsasasabi lang ni Troy ang nasa isip ko. Bakit pa kasi sinabi niya yun? Unti-unti na sanang nawawala eh. Support na sana ako sa kanila eh. Bakit pa kasi niya ako dinulo? Saying those words was a mistake. Baka iba lang talaga ang pinapahiwatig niya.

Huminga nalang ako ng malalim saka tumingin sa labas ng bintana. Different kinds of trees and flowers are scattered every edge of the road. They look so beautiful. Kaya naman napagdesisyonan kong kuhanan ito ng litrato. Hindi ko alam kung ilang oras pa kaming makakarating, kaya ang ginawa ko ay umidlip nalang.

_

Nagising ako nang may yumogyug sa balikat ko. Gusto ko pa sanang matulog dahil napuyat ako kagabi. Pero dahil naalala kong nandito pala kami para sa subject namin, agad akong bumangon.

"Gidget let's go. Sana hindi ka natulog. Hindi mo tuloy nakita ang mga magagandang tanawin na ating nadaanan."

Tumayo na ako saka tuluyang gumising. Inaantok parin ako pero baka maya-maya mawawala din ito.

"Ang ingay mo naman Nika eh. Tsaka asan si Troy? Bakit hindi mo kasama?" Naglakad na kami ni Nika palabas. May dala-dala din siyang camera. Actually halos lahat kami may dalang camera. Isa kasi sa Documentation ang project ni prof sa amin.

"Hindi ko nga alam kung bakit eh. Kanina pa siya wala sa mood. Pero hindi ko nalang inusisa. Sasabihin naman siguro sa akin ni Troy eh. Wag mo na siyang intindihin. Let's go!" Umangkla pa ang mga kamay ni Nika sa mga braso ko. Natawa nalang ako sa ginawa niya.

Ano naman ang dahilan ng pagka bad mood ni Troy? Yung nangyari ba kanina? Hindi naman siguro. Baka may problema lang siya sa bahay nila.

Sumusunod lang kami ni Nika sa aming prof. Si Troy naman ay nasa likuran lang namin at parang ang lalim ng iniisip. Nagkibit-balikat nalang ako saka kinuha ang camera sa bag ko.

I'm not wrong na marami palang magagandang tanawin dito sa Evergreen bat cave. Hindi lang iba't ibang paniki ang makikita mo. Maraming iba't ibang klase ng ibon. Mga nagtataasang puno at iba't ibang hayop. Kinunan ko ng litrato ang sheep na kumakain ng damo. Tumingin naman ako kay Nika na biglang huminto.

"Ui Nika. Tara na, baka mahuli pa tayo." Nakatitig lang siya sa harapan niya. Wari moy nakakita ng magandang tanawin. Sinundan ko ang tinitingnan niya at napa-awang nalang sa nakita.

A blue cleared water in the ocean. Burol pala itong kinatatayuan namin at sa ibaba nito ay may maliit na town house at cottages. Kinunan ko ito ng napakarami. As well as Nika. Sunod-sunod kasi ang naririnig kong click sa camera niya.

"Let's go!"

Tumatakbong parang bata si Nika. Halatang excited na excited. Ngayon lang ba siya nakikita ng magandang tanawin? Well it has a lot. But we have different kind of taste.

"Love be careful! Baka matapilok ka!" Troy shouted in a very concerned voice. Hinintay kong masaktan ako. Hinintay kong mag react si heart o kaya naman si eyes. Pero walang nangyari. Besides, I felt happy. Happy for them. Is this a sign? Sign of my feeling to Troy? Yung kaninang sinabi ni Troy sa akin, baka concerned lang siya bilang kaibigan. Kung ako naman kasi ang nasa katayuan ni Troy, gagawin ko din yun.

"Can't you just hurry?! Imbes na pigilan mo ako bilisan mo nalang! Nasa ibaba na sila prof at iba nating classmate." Tuluyan ng bumaba si Nika. Ako naman ay natawa bago sumunod sa kanya.

Pagkababa ko ay nagtatampisaw na ang iba kong mga kaklase. Hindi naman totally na naliligo sila. Paa lang naman ang binababad nila. Si Nika naman ay parang batang naglalaro kasama si Troy. Ngumiti ako para sa kanilang dalawa. They actually made for each other. Masasabi ko yun dahil sa walang pasidlang kasiyahan ang mga mukha nila.

Ako naman ay humarap sa tanawing dagat bago kumuha pa ng litrato. Natigil lang ako ng biglang sumigaw si prof.

"Okay, gather student. Hindi lang bat exploring ang gagawin natin ngayong araw. We have a lot of activities to do. First activity, kailangan niyong maghanap ng iba't ibang klase ng bulaklak at kunan ito ng litrato. Kasama na yan sa magiging documentation niyo. Ang pinaka maraming bulaklak na mahanap at makunan ay siyang magiging panalo." Lahat ay napasigaw sa sobrang saya. Lalo na ako. Gustong-gusto ko talagang mag explore.

"Ano pong reward sa mananalo prof?" Tanong ng classmate kong si Dailey.

"May plus 50 points sa subject ko."

Malaking points na ang binigay ni prof sa amin. Equivalent to one performance na ang 50 points. Pagsisikapan kong makakuha ng maraming bulaklak. Atleast may bago akong memory na hindi malilimutan saka pandagdag points narin sa grado.

"Gidget, sama-sama nalang tayong tatlo nila Troy. Kayo lang dalawa ang close ko eh."

Tumango naman ako kay Nika bilang pag sang-ayon. Mabuti narin siguro na sakanila ako sasama dahil sila lang din naman ang naging ka close ko eh. Hindi naman sa hindi ko close ang ibang mga classmate ko. Pero sa kanila ako mas komportable eh.

"All right! It's settled then."

Tumabi sa akin si Nika habang hinahanda ang camera niya. Buti nalang nakapagdala ako ng extra battery ng camera. Baka kasi biglang ma lowbat eh.

"First activity is now start!" Anunsiyo ni prof bago kami nagkahiwa-hiwalay para maghanap ng iba't ibang bulaklak.

Were Not Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon