The Craziest Fairytale Ever

447 32 2
                                    

THE CRAZIEST FAIRYTALE EVER
written by: Noxians

---

Once upon a time, may isang dalagang nangarap na maging reyna ng Underworld. Her name is Venus, and she's the prettiest mortal in Eastwood.

"Can't they see I'm fit to be a queen? Tsk! Hindi ako nababagay dito!" Inis niyang bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa kalye.

Ilang sandali pa, may napadaang itim na pusa na may kulay asul na mga mata sa kanyang harapan. Napaigtad siya nang singhalan siya nito at ipinakita ang matatalas nitong pangil. This made Venus frown even more, "Pati pusa ayaw sa'kin?" Sa sobrang inis ng dalaga ay pinili na lang niyang maglakad-lakad hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar.

Hindi ito pamilyar sa kanya at agad siyang natakot nang mapansin niya ito. Habang pinagmamasdan ni Venus ang paligid, naramdaman niyang tila ba may nakatitig sa kanya. The girl cursed under her breath when she saw a black dog.

"W-What the hell?"

Bahagya siyang napaatras nang mapansing may tumutubong kulay asul na mga sungay sa ulo nito. Halos tawagin na ng dalaga ang lahat ng santo dahil sa takot. She took a step back and slapped her forehead in disbelief, "Damn this! Ang hirap palang maging maganda kung palagi kang sinusundan ng kamalasan!"

Habang nakatitig sa mala-demonyong mga mata ng aso, hindi na napigilan ni Venus anh panginginig ng kanyang mga tuhod dala ng kaba. Muntik pa siyang mapasigaw nang tumahol ito. She hated the darkness of this place. Screw that, Venus always hated the dark. At ngayon, mag-isa na niyang kinakaharap ang mapanganib na nilalang sa gitna ng makapanindig-balahibong kadiliman ng lugar na ito.

With a shaky breath, she forced herself to close her eyes. "Hindi ito totoo. Namamalikmata lang ako." And she when opened her eyes again, the apparition of the monstrous dog disappeared. Huminga siya nang malalim. This is why she wanted to the be queen of the Underworld---because wherever she goes, it feels as if the creatures lurking in the dark are watching her, waiting for the perfect time to drag her into the abyss.

Venus continued her walk down the cobblestone path, thinking it leads to the Underworld kung saan niya matatagpuan ang hari nitong si Hades at si Charon na siyang maghahatid sa kanya sa palasyo nito.

Panandalian niyang sinulyapan ang mangilan-ngilang dumaraan. "I told you I'll be queen someday."

But her momentary distraction led her to another unfortunate event---bigla siyang nahulog sa isang kanal.

"AAAH!" Napasigaw sa inis at pagkapahiya si Venus, lalo na nang makita niya ulit ang kulay itim na pusa. Tumalim ang mga mata ni Venus sa munting hayop. "Malas ka talaga!" She grumbled under her breath.

Napatingin siya sa sarili, "Di talaga ako nilulubayan ng malas." Galit niyang tinaboy ang pusa. The black cat hissed at her at tumakbo pa ito sa direksyon ng isang lalaking nakasalamin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatinginan sila ng lalaking nakasalamin. Mapanuri ang mga mata ng binata. It feels as if he was tampering her soul. Just then, he smirked, "Miss, baka gusto mong maligo?" Venus was left dumbfounded with his question.

Nang hindi siya nakaimik, kalmadong umalis ang lalaking nakasalamin habang nakapamulsa. Nang tuluyan na siya nitong iwan, saka lang napansin ni Venus ang isang lagusan. Wala siyang ideya kung saan ito papunta.

"Baka ito na ang lagusang papuntang Underworld!"

Her curiosity got the best of her. Hindi na alintana ni Venus ang kanyang masangsang na amoy at pumasok siya sa loob nito. Pero agad ring natigilan ang dalaga nang bumulaga sa kanyang harapan ang isang lalaking may suot lamang na "B-Boxer shorts?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Eastwood Classics Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon