Untitled

54 3 6
                                    

Kasalanan bang magmahal nang sobra?
Kasalanan bang umasa kahit alam mong walang pag-asa?
Kasalanan bang mahalin ang taong alam mong walang kahit konting pagmamahal sa'yo?


Katangahan bang matatawag ang mahalin ang isang taong ni minsan hindi ka minahal?
Katangahan bang matatawag ang patuloy na pagkapit sa taong alam mong ni minsan hindi ka kinapitan?
Katangahan bang matatawag ang patuloy na magmahal sa taong palagi ka namang binabalewala?


Katatagan bang matatawag ang pagmamahal na sobra?
Katatagan bang matatawag ang pagkapit nang matagal?
Katatagan bang matatawag ang patuloy na umasa?


Kailangan ko na bang tumigil?
Kailangan ko na bang simulan na kalimutan ka?
Kailangan ko na bang sabihin sa sarili ko na tama na dahil kahit anong gawin ko sa umpisa pa lang talo na ako?


Mali bang isipin na baka pag tagal makita mo rin ako?
Mali bang umasa na baka pag hindi ka na abala, makita mo ang halaga ko?
Mali ba ang patuloy kang mahalin kahit alam kong sa umpisa pa lang ay hindi na puwede?


May dapat ba akong gawin para makita mo?
May dapat ba akong sabihin para mabago ko ang isip mo?
May dapat ba akong baguhin para mahalin mo rin ako?


Mahirap ba akong makita?
Mahirap ba akong bigyan ng pagkakataon?
Mahirap ba akong mahalin?


Siguro hanggang dito na lang talaga tayo.
Siguro kailangan na kitang kalimutan.
Siguro ang mga puso natin ay hindi talaga para sa isa't isa.

- JRB/KG

Untitled 1Where stories live. Discover now