Chapter 4

84 7 0
                                        

Chapter 4

"Hindi ka na daw nadalaw sa bahay sabi ni mama," biglang sabi ni Cliff habang nakatayo ako sa gilid ng basketball court at pinapanood sya sa kanyang drills.

Humalukipkip ako habang seryoso syang pinapanood. Kaming dalawa lang ang nandito sa gym at talagang sinadya ko sya dito para makahingi ng tulong tungkol sa trabaho ni Titus.

"Madaming ginagawa, Cliff," I sighed. Tumango sya saka nagpatuloy sa pagjo-jog.

"Uhh...Cliff?"tawag pansin ko sakanya kaya tumigil sya para bigyan ako ng atensyon.

"Hmm?"

"Uhh... diba may resto bar kayo sa kabilang street?" tanong ko. Kumunot ang noo nya bago dahan-dahang tumango at lumapit sa akin.

"Do you need one?" concern nyang tanong at gumaan ang pakiramdam ko dahil parang bumalik na ang dati kong matalik na kaibigan. "Kung kaylangan mo ng pera ay pwede ka namang magsabi—"

"Huh? No, it's not like that," umiling ako saka bumuntong hininga. "Yung isa kong kasamahan sa journ ay nangangailan ng pansamantalang mapapasukan."

Pinagmasdan pa ako ni Cliff nang mabuti bago ito dahan dahang tumango na para bang ayaw maniwala sakin kaya natatawa ko syang tinulak.

Si Cliff ay malaking tao. Ang buhok nya ay may pagka blond na medyo mahaba at kulot. Napakaputi nya. Tamang kapal ng kilay, matang nakakatakot dahil sa kulay nitong may pagka dilaw. Pointed ang ilong nya at may kanipisan ang kanyang labi. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sikat sya dito.

"Okay, then. Itatawag ko doon," sagot nya matapos ako pakatitigan. "Hindi kita masasamahan mamaya at may practice ako eh."

Mabilis ko syang tinanguhan dahil sa tuwa saka humawak sa kamay nya saglit.

"Maraming salamat talaga!"

"Maliit na bagay," ngumiti sya at tumitig uli sa akin kaya natigil ako. "About doon sa galit ni Lau sayo, I am really sorry. And... we broke up kasi hindi talaga kami nag wo-work."

Nangunot ang aking noo sa narinig at ako naman ang tumitig sakanya.

"I'm hoping that it's not because of me."

"H-hindi! Sadyang mali ang ginawa namin!" napakamot sya sa ulo at parang ilang na ilang na kaya tumango na lang ako.

"Ayos lang sa akin," ngumiti ako. "Pero salamat talaga sa tulong mo."

Matapos namin mag usap ay pumasok na ako sa aking klase para sa umagang ito. Wala na akong klase mamayang after lunch dahil may gawain naman kami sa journ room. Pababa na ako mula sa third floor ng pinasukan kong klase nang makasalubong ko si Titus na naka jersery uniform pa.

"I'm hungry—"

"Oo na! Bilis tara na doon sa canteen at may gagawin pa tayo sa journ room!" nagmamadali kong sabi sa kanya dahil fifteen minutes na lang ay magsisimula na iyon at bago pa lang kami kakain!

"So, mamaya ay sa akin ka tumabi pag may pinagawa na article para ma-assist kita," instruct ko sakanya habang sunod sunod ang subo ko ng pagkain. Sya naman ay mabagal na nakain habang kunot noong pinapanood ang mabilisan kong lamon.

"I wasn't informed that humans are easy to get attached, though," bulong nya sa kanyang sarili pero rinig ko iyon at natigil.

"Hoy! Wala akong gusto sayo at hindi yon mangyayare, ano! I'm just doing you a favor!" bwelta ko at tumango lang sya saka ngumisi at nagpatuloy sa pagkain. "Bilisan mo at ang layo pa ng building na yon!"

"I can go there in a blink. Ikaw, baka ma-late ka."

"Ayos ka ah! Walang powers powers!" tumayo ako at namewang pero inirapan lang nya ako at akala mo ay boss na kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Itim Na Ulap Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon