Her disguise
"Ano bang ginagawa natin sa mall?!" Sigaw sa akin ni Cambs.
"Shopping." Malamig na sabi ko at hindi na sya pinansin. Mamimili kasi ako ngayon ng disguise ko dahil next week ay pasukan na. Na enroll nadin ako sa ZU kaya ang disguise nalang ang poproblemahin ko pati kung paano umakto na parang lalaki.
Sinama ko nga pala si Kuya dahil sya lang naman ang lalaki sa aming dalawa. Sya ang papipiliin ko ng damit na susuotin ko habang nasa loob ako ng ZU.
"I need you to do something. Areglado ka na sa atraso mo sakin kahapon."
"Ano yon? Don't tell me ako pagbubuhatin mo ng mga pinamili mo?! Sa guwapo kong 'toh gagawin mo lang tagabitbit?" Histerikal nitong turan.
"Ikaw ang magshoshopping ngayon. Kailangan ko ng mga damit panglalaki at kung ano-ano pang kartehan nyo sa sarili nyo. It's about my next mission." Pagpapaliwanag ko. Ikinwento ko na din yung about sa susunod kong misyon.
"Ahh gets ko na. Akala ko pa naman magpapaka tomboy ka." Binatukan ko naman ito.
Busy sya sa pagkuha ng kung ano-ano habang ako ay nakatingin lang sa kanya at sumisimsim ng aking frappe.
"Oh tapos ka na?" Tanong ko ng mapansing natigilan ito sa pagpili.
"Kailangan mo ng wig? I'll ask ninong to invent one. Tapos yung about dyan sa dibdib mo ay wala tayong problema dahil flat ka nama-- aray! Ang sadista mo talaga!" Angal nito dahil sinapak ko ang pagmumukha nya.
"Lait pa!"
"So as I was saying, tuturuan kita kung paano umakto bilang lalaki dahil may ilang araw ka pa naman." Dumada pa sya pero hindi ko na pinaringgan.
"Sigh. Nakakapagod!" Reklamo ni kuya ng makarating kami sa bahay. Agad kaming inasikaso ng mga maid at dinala nila ang mga pinamili ko.
"So start tayo ng lesson bukas... twin?" Sabi nito kaya napalingon ako. Tss, iba ang tono ng pagtawag nya... may kailangan yan.
"Paglutuan mo ako." Dagdag pa nito at ngumuso. Binato ko agad sya ng unan na nadampot ko.
"Ansama mo sakin kambal! Paglulutuan lang ako eh huhu. Ang sakit kaya ng ulo ko kakaisip ng babagay sayo para magmukha kang lalaki tapos ako pa nagbuhat ng pinamili mo tapos--"
"Oo na, lulutuan na kita. What do you want?" Pinutol ko na ito at tumayo. Sumilay naman ang ngiti sa pagmumukha nito.
"Menudo!" Parang batang sabi nito with matching padyak padyak pa yan.
Isip bata, tss. Tinungo ko ang kusina at bahagya pang nagulat ang chef namin.
"Ako na po ang magluluto. Magpahinga nalang po muna kayo nay Ester." Magalang na sabi ko at ngumiti.
"Request na naman ba ito ng kakambal mo Isleng? Aba'y naglalambing na naman ata si Cambo'y sayo ah?" Natatawa nitong saad kaya napatawa na din ako.
"Opo eh. Nagpapaluto ng paborito naming menudo. Magpahinga nalang po muna kayo at sabayan nyo na kaming kumain tutal wala naman sina mommy at daddy."
"Aba'y maraming salamat Isleng. Ako'y mauuna na ha? Sasabihan ko sina Marie na sasabay kami sa inyo." Sabi ni nay Ester at umalis na. Parang pangalawang nanay na din namin yan si nay Ester dahil nanilbihan din sya kina daddy ng ilang dekada.
Binuksan ko ang ref kung saan naka stock ang lahat ng mga gulay at frozen meats. Kumuha ako ng patatas, carrots at iba pang kakailanganin sa pagluluto ng menudo.
Habang hinihintay lumambot ang baboy ay nagsalang na din ako ng sinaing sa rice cooker. Nagluto din ako ng sinigang at adobo.
Mabilis na lumipas ang oras. Ganon naman talaga pag nagluluto ako sa kusina, hindi ko alintana ang oras dahil mas gusto kong ninanamnam ang pagluluto. Nang matapos magluto ay naglagay na ako sa mangkok.
"Mukhang masarap yan ah?" Sulpot ni Cambs at inagaw ang hawak kong mangkok kung nasaan ang menudo. Sya na ang naghain kaya hinayaan ko nalang sya at umupo.
Inilatag nya sa mesa ang lahat ng putaheng niluto ko pati na ang kanin. Umupo din sya sa tabi ko at akmang kukuha na ngunit tinampal ko ang kamay nito.
"Aray! Bakit ka namamalo?! Kakain lang naman yung tao eh."
"Arte mo. Hintayin natin sina nay Ester, wag kang patay gutom." Napanguso naman sya dahil sa sinabi ko at hindi na kumuha pa. Ilang minuto pa ay dumating na din sina nay Ester at iba pa naming kasama sa bahay. Mahaba naman ang dining area namin na pinasadya talaga for guests.
"Pasensya na at nahuli kami." Pagpapaumanhin ni Marie... apo ni nay Ester.
"It's okay. Upo na kayo at kakain na tayo." Sinunod naman nila ang sinabi ko. Umupo sila sa mga bakanteng upuan. Nagdasal muna kami bago kumain kaya ang nguso ni Cambs ay aabot na ata hanggang north pole.
Masaya naming pinagsaluhan ang lahat ng niluto ko. Pagkatapos kumain ay agad kong tinungo ang aking silid para matulog. Kailangan kong maghanda para sa misyon ko.
Kailangan kong matapos ang misyong 'yon para payagan ako ni daddy na pumunta ng Canada. Wait for me Zeus University... wait for me Tilus Cray Villarreal.
BINABASA MO ANG
Zeus University
RandomWelcome to Zeus University! Requirements: -you must be a boy Golden rule: -no girls allowed