Lesson 101
"First, kailangan mong laliman ang boses mo... well, malalim naman na talaga ang boses mo but improve it more."
Sinulat ko naman ang sinabi ng aking guro. Nangangati na ang kilay ko dahil naiistress na ako sa misyong ito.
"Second, the way you act... well, siga ka naman so hindi na natin poproblemahin yon. Bawasan mo lang yung pagiging sadista mo dahil magmumukha kang bakla."
Tumango-tango naman ako at nagsulat ulit.
"Third, mag tube ka lagi. Wear sando na makapal para hindi halata ang dibdib mo. You need to be extra careful about sa girly things mo dahil baka mabuking ka ng wala sa oras."
Once again, tumango-tango ako bago isulat ang sinabi nya. Kumagat din ako sa pepperoni pizza na hawak ko sa aking free hand.
"Fourth, yung wig mo... here. Imbensyon yan ni tito Jill, that wig is special dahil hindi yan matatanggal sa ulo mo unless ikaw mismo ang tatanggal and this eyeglasses na special daw major in information."
May sinabi pa syang dapat kong tandaan kaya isinulat ko lahat ng yon.
"Tapos na ba ang lesson natin prof Camber Dale Zuarto?" Tanong ko at bahagya pang humikab. Kulang kasi ang tulog ko dahil sa kupal na yan. Binulabog ang buong kuwarto ko para lang sabihin na start na ng punyetang lesson nya kuno.
"Yup, but I need you to pick clothes doon sa pinamili natin kahapon. Suotin mo din yung wig at aalis tayo." Ahh aalis lang naman pala kami eh.
"What?! Aalis tayo ng nakadisguise ako?! The hell kuya!" Nagpapanic na sabi ko dahil naloloka ako sa pinagsasasabi ng unggoy na 'to.
"I'm dead serious about it Isleng. We need to prove na hindi ka talaga mabubuking by wearing your disguise in public today."
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago padabog na tinungo ang mga paper bags para mamili ng susuotin.
Pinili ko ang puting polo at pantalon. Naligo muna ako bago magsuot ng tube at sando. Sinuot ko na rin ang polo at tinuck-in yon sa pantalon.
Sa buhok ko naman... pinatuyo ko muna ang buhok ko bago iyon talian. Sinuot ko ang wig na imbento ni ninong. Wow! Magaan sa ulo ang isang 'toh na para bang sarili kong buhok.
And last but not the least, shoes. Kumuha ako ng puting Nike na rubber shoes at iyon nalang ang sinuot. Nagpabango din ako which is yung pabango ko na panglalaki.
"Wow, ikaw ba yan twin?" Nakanganga ang reaksyon ni kuya ng makalabas ako ng banyo.
"Yep it's me."
Nilapitan ako nito at umakbay sa akin. "Men! Ang guwapo mo! Well, nasa genes naman natin. Parang ako lang."
Sinapak ko naman sya dahil ang hangin nya. "Let's go, bro."
Tinungo na namin ang parking lot kung nasaan ang sports car ko. "I'll drive." Sabi ko at dumeretso sa driver's seat habang sya naman ay sa tabi ko.
"Saang mall ba tayo pupunta kuya?" Tanong ko rito. "Sa V-Mall tayo Isleng... nagcrave ako bigla sa ice cream eh."
Tinanguan ko lang sya at pinaandar na ang kotse. V-Mall, here we come.
"Sino yun? Ang pogi!"
"Shit sino kaya yung nakaputi?"
"Akin yung naka gray shirt!"
"Magkapatid ba sila? Emeghed ang guwapo!"
Ilan lang yan sa mga nadidinig kong bulungan ng mga babae ng makapasok kami sa V-Mall. I don't know why but it gives me creeps habang tinititigan nila ako, I mean kami.
"Kuya, I'm not comfortable." Pag-amin ko kay Cambs na ngayon ay busy sa pag ngiti sa mga babae.
"Don't be, Isleng. Pinagkakaguluhan ka ng mga girls! You should be proud dahil mukha ka na talagang lalaki." He said without even looking at me.
"Hi? C-can I g-get your nu-number?" Bati sa akin noong babaeng 5 flat ata ang height kaya tumungo ako para makita sya.
I was about to say anything when someone shouted names hanggang sa ang lahat ng tao sa mall ay doon nagsipuntahan. What's with the sudden commotion?
"What's that kuya? Is there some kind of celebrity guesting here in V-Mall?" Tanong ko sa katabi ko ngunit walang sumagot kaya nilingon ko na ito. Shit! Where the hell that monkey go?
I was about to leave nang may humawak sa laylayan ng polo ko. I looked down for me to see a little girl, umiiyak ito.
Ngumiti ako at lumuhod para makapantay sya. "What is it little girl?"
"Kuya, I'm lost po. I can't find ate Maureen and kuya Cray." Saad nito. Napakunot noo naman ako, sino naman ang mang-iiwan sa bata ng ganon-ganon nalang?
Tumayo ako at naglahad ng kamay. "Let's go, I will help you to find your ate and kuya but let me ask your name first."
"Ako po si Alice. Five years old na po ako." Magiliw na sagot nito.
"I'm at-- I mean kuya Ice by the way. Kumain ka na ba? Kain muna tayo?" Alok ko dito na agad din naman nitong tinanggap.
Kumain kami sa jollibee at pagkatapos non ay nag aya naman syang mag arcade so pinagbigyan ko na. Wala eh, bata. Wala din naman na akong kasama dahil ang balita ko'y umuwi na pala ang kupal kong kakambal dahil inatake ng LBM.
Hindi namin namalayan ang oras. Mag aalas sais na kasi ng gabi ng matapos maglaro itong si Alice na ngayon ay mahimbing na natutulog habang buhat-buhat ko.
Saan ko naman kaya ihahatid ang batang 'toh? Nalimutan ko din kasing itanong kung saan ba sya nakatira or anong contact number ng ate at kuya nya.
Napakamot nalang ako sa kilay ko at iuuwi ko nalang ang batang 'toh. Bukas ko nalang siguro sya ihahatid kapag nagising na sya.
"Where are you going?" Biglang tanong ng isang malamig na boses. Kung hindi ako nagkakamali ay nanggaling yon sa likuran ko. Hinarap ko naman ang boses na yon at nakita ang isang napaka guwapong nilalang sa balat ng kalawakan.
A man wearing an over sized black tee shirt and pants. His messy black hair, his thick eye brows, thick eyelashes, gray eyes, pointed nose, clear white skin, at ang mapangang mukha nito ay masasabi mong makalaglag panty ito. Siguro nung nagpaulan ng kaguwapuhan ang nasa itaas ay sinalo nyang lahat yon.
"Going home?" Nag-aalangan ko pang sagot. May sumulpot naman na babae at umangkas agad sa braso nung guy.
I don't like this girl, seriously. Mukha syang mataray and spoiled. "Are you trying to kidnap Alice?"
Muntik ko ng maitaas ang kaliwang kilay ko dahil sa maarteng boses at pang aakusa sa akin ng babaeng Maureen ata ang pangalan. Based on what Alice said earlier.
"No, nakita ko kasi si Alice kanina umiiyak. So inaya ko syang kumain at mag arcade para tumahan sya. I was about to go home at balak ko syang iuwi dahil hindi ko naman alam ang bahay nila at ang contact number ng parents nya. Are you Maureen and Cray?" I really hate explaining!
Tumango naman si Cray. "Thanks for your concern pare. Iuuwi ko na si Alice." Kinuha na nya mula sa akin ang bata at umalis na sila.
Bago pa sila tuluyang makaalis ay nakita ko pang sinulyapan ako nung Maureen na sa tingin ko ay jowa nung Cray at kinindatan. Like duh! May boyfriend sya tapos haharot pa sa iba?
Napapailing nalang ako na tinungo ang parking para umuwi.

BINABASA MO ANG
Zeus University
RandomWelcome to Zeus University! Requirements: -you must be a boy Golden rule: -no girls allowed