PROLOGUE

12 0 0
                                    

Kapag ba mahal mo yung isang tao kylangan ba na kayo na agad? Kahit na mutual yung feelings niyo sa isa't- isa. Like girlfriend mo na siya or boyfriend mo na. LABEL ika nila.


 Nakakatangina lang, oo don't get me wrong Masaya na may label kayo na maipagmamalaki mo na siya yung girlfriend or boyfriend niyo at alam mong sayo lang siya at ikaw ay sakanya lang. Pero anong sense ng label na yan kung parehas naman kayong TAKOT?

 Takot sa lahat ng bagay na pwedeng makasira sa pagkakaibigan niyo at masira kung ano man yung pinagsamahan niyo at mapunta saw ala kapag nag hiwalay kayo. 

Takot na SUMUGAL sa kung anong nararamdaman niyo kasi natatakot kayo na masaktan niyo ang isa't- isa. 

Takot na umamin sa isa't-isa kung anong totoong nararamdaman kasi iniiisip niyo parehas na baka maling akala o nag aassume ka lang na gusto ka niya at gusto mo siya. Isang maling galaw mo lang parang sasabog na ang lahat at magiging mali na tila ba mawawala kayo sa isa't-isa. 

TAKOT, yan ang salitang yan ang kinababaliwan ng karamihan na pinag dadaanan yung pinagdadaanan ko. Nakakatakot matakot, pero san ka nga ba dadalhin niyang takot na yan kung hindi ka SUSUGAL.

 Magiging Masaya ka ba kung hindi ka susugal?

 Masasabi mo bang "tama nga ako sa hinala ko na gusto niya ko" kung hindi ka susugal sakanya at aminin ang nararamdaman mo?

Kapag natakot ka sumugal isa lang kakahantungan mo PANGHIHINAYANG. Kaya ano? Habang buhay ka na lang bang tatahimiuk dyan at pananatiliin ang pagiging magkaibigan niyo o aalisin mo yang takot sa dibdib mo at susugal ka para hindi ka manghinayang? 

Pero magawa kaya to ni Iris....

Unsaid FeelingsWhere stories live. Discover now