Chapter 3: Illusion of Unwavering Emotions

4 0 0
                                    

Isang linggo matapos ang bagyo muli nang nagbalik sa normal ang lahat. At muli na ring nagbukas ang mga klase sa lahat ng antas.
"Girl! Alam mo bang hanggang tuhod yung baha samin nung bagyo?! Kalerkey! Medyo nagka-muscle nga ako ngayon e kabubuhat ng mga appliances."
"Then good for you, Girl! Diba pangarap mo yun?"
"Dafuck!?"
Napalingon naman nang hindi sinasadya sa court si Keaton nang may narinig tong nagsasalitang Instructor.
"Girl, ayan na silaaaa... Mag-fishing na tayo."
"Akin yung naka-white!" ang agarang sabi ni Leila
"Gaga ka Girl? E lahat yan naka-white! Epekto yan ng Mang Juan. Akin na nga yan."
"Tara upo muna tayo dito, para di halata" dagdag pa ni Keaton habang hila-hila si Leila para umupo sa mga un-occupied benches sa gymnasium.

"Okay class, group yourselves into six, once na nakapamili na kayo ng mga ka-grupo niyo you need to do these exercises by group before practicing volleyball. Your group will be your group as well in practicum next week so be prepared and mag-praktis na kayo nang mag praktis dahil it'll be graded. Understood?!"
"Yes, Sir!"
"I'll be back. Need ko lang pumunta ng office.
At nagkagulo na ang mga estudyante para maghanap ng mga kagrupo. Isa na dito Hansel.
"Oy Rendall, pare! Alam kong maraming nagpupumilit sakin na makagrupo ako, knowing na varsity ako ng football, kaya lang tinanggihan ko silang lahat para sayo, pre! Ayos ba, ha?"
"Huwag ka nang mag-abala, may mga ka-grupo na ako."
"Ungas to, teka lang naman, isama mo ko dyan sa grupo niyo, ilan na ba kayo, oy!"
"O eto, bola."
"Anong gagawin ko dito?"
"Try mong kainin nang maiba naman."
"Ungas talaga to!" At nang akmang ibabato nito kay Rendall ang bola ay bigla itong napahinto.
"Pasalamat ka at mukhang maga-guidance na naman ako nito kung sa maling tao ko to maibato."

Habang nagbibiruan ang dalawa sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan naman silang lahat nila Leila at Keaton.
"Girl, nakikita mo ba yun? Ayun o, yung lalaking yun. He looks so familiar. Hmmm... Ay siya nga... Oo siya nga yung walanghiyang bumangga sakin."
"Ha? Sino dyan!?" At agad namang palihim na itinuro ni Keaton si Rendall.
"Ayun girl, oh! Yung lalaking malapit sa pader." Nang makita at mamukhaan ni Leila si Rendall ay agad naman siyang biglang namutla at natulala na para bang hindi makapaniwala sa nakita. Agad naman siyang napansin ni Keaton at kinumusta.
"Girl, okay ka lang? Ba't parang tulala ka dyan? Type mo?"
"Ha!? Hindi no. Di naman ka-gwapuhan." At nilihis na niya ang kanyang tingin at sabay kuha na lang sa chichiryamg kanilang kinakain.
"Siya ba talaga yun? Imposible, malabong siya yun." Ang bulong ni Leila sa sarili.
"Ay Girl! Yung dyowa ko ata yung kausap niya. Look! Ang gwapo!"
Nang mapansin ulit ni Keaton si Leila na wala sa sarili ay agad niya itong tinapik sa braso.
"Uy Madam, anong nangyayari sayo? Ang gwapo nun Girl oh, look mo kasi!"
"Tara na. Umalis na tayo dito." Ang sabi naman ni Leila sabay tayo nito.
"Ay teka, Madam, ba't madaling-madali ka te? Ang haba pa ng vacant period natin oh. Saan ka paroroon?"
"Basta, halika na! Tama na kakapantasya sa mga yan." At tumayo na rin si Keaton sa kanyang kinauupuan at sumunod na lamang kay Leila. Habang naglalakad papaalis ang dalawa ay biglang may tumamang bola sa ulo ni Leila. Sa hindi kalayuan ay may narinig silang mga estudyanteng papalapit sa kanila at agad na kinumusta si Leila.
"Ay, sorry ate hindi ko sinasadya. Namali lang ako nang bato ng bola. Sorry talaga. Masakit po ba?" Ang sabi ng lalaking nakabato.
"Of course masakit yun. E kung ikaw kaya yung batuhin ko dyan!?" Ang beastmode namang reply ni Keaton sa lalaki.
"Hindi, okay lang ako. Pasensya na kayo." Ang sagot naman ni Leila habang hinihimas ang natamaang ulo.
"Pasensya na kayo mga bes, baka pwede natin tong aregluhin?" Ang pag-gitna ni Hansel sa pagitan ng mga nakabato at kanila Leila. Laking gulat naman ni Keaton nang makita niyang nasa kanyang harapan ang kanina lamang na pinapantasya.
"Sorry is not enough" Sabay sabi ni Keaton kay Hansel.
"Uy, Girl! Anong pinagsasabi mo diyan?" Ang mahinang sabi ni Leila kay Keaton.
"Halika na Girl, walang kwenta yang pinaglalaban mo." Dagdag pa niya.
"Girl, pagkakataon na to, te! Sayang awra kung hindi mapapansin!" Sagot naman ni Keaton.
"Ano ang pwede naming gawin para mapatawad mo yung kasama namin?" Tanong ni Hansel sabay akbay sa ka-grupo niyang nakabato kay Leila.
Napaling naman ang atensyon ni Leila kay Rendall na nasa likod ni Hansel at nang iba pang mga ka-grupo nito. Nanlaki ang kanyang mata at nabigla sa nakita. Nagtataka at napaisip nang malalim. Agad namang bumalik sa kanyang ulirat si Leila nang bigla siyang hawakan ni Keaton.
"Girl, tulala ka na naman."
"Ahhh... Sorry, wala naman. Sorry is enough. Got to go." Sabay hila niya kay Keaton.
"Miss... siya nga pala si Denver at ako pala si Hansel." at inalok nito si Leila na makipagkamay. At agad namang nakipagkamay sa kanya si Keaton.
"Kerby pala... Hehehe remember my name" Ang mahinhin namang sabi ni Keaton habang nakikipag-kamay.
"Kerby!!???" Ang gulat na gulat namang sabi ni Leila habang nakatingin kay Keaton.
"Ahhh pwedeng mabawi ko na yung kamay ko? Namamawis na e hehe" Ang sabi ni Hansel habang tinatanggal sa pagkagapos ang kanyang kamay mula kay Keaton.
"Serrey... Hende ke nepensen ne nepeserep ne." Ang sagot naman ni Keaton.
"And you are?"
"Leila... Leila Porlucas." sabay shakehands kay Hansel
"Ay! Ang harot, te?" Ang sabi naman ni Keaton sa kanya. Napatingin naman si Leila sa iba pa niyang mga kasama na para bang gusto niya ring makilala.
"Ahhh sila... Sila lang naman ang mga gwapo kong ka-groupmates, JD, Denver, Cole, Bonez and Rendall. Gusto mo bang samahan ka na namin sa Clinic Ms. Leila?"
"Ay! Ako be, mas kailangan kong magpasama." Ang agad namang sagot ni Keaton habang umaacting na para bang mahihimatay na.
"O sige, ikaw na mauna." Ang pang-aasar naman ni Leila.
"Sige te, kung okay ka naman na, pwedeng mauna na kami? Kailangan pa naming magpraktis eh. Share ko lang." Ang singit naman ni Bonez. At unti-unti na silang nagsialisan para bumalik na sa kanilang dating pwesto.
"Sorry Ms. Leila, pero kung gusto mo e ako na lang ang sasama sayo." Hirit naman ni Hansel.
"Telege be? Pwedeng ako den semehen mo?" Ang sagot naman ni Keaton habang nagpapa-cute.
"Rendall, right?" Ang tanong naman ni Leila kay Rendall nang mapansin niyang papaalis na rin to. Napalingon naman sa kanya si Rendall at tumango.
"Hmmm... May problema ba?" Ang pagtataka ni Rendall.
"Ahhh wala naman. Sige got to go. Bye!" at tuluyan nang umalis ang dalawa sa gymnasium. Habang ang anim naman ay patuloy nang nagpraktis mag-volleyball.

***

"So...so...weird!" nagulat naman si Keaton nang bahagyang napalakas nang paglapag ng tray si Leila sa table ng kanilang kinakainang cafeteria.
"Gulat ko sayo, Girl! Alam mo, kanina ka pa ha. Ako tong mas nawi-weirduhan sayo."
"Weird! Everthing is weird right now!"
"Madam, care to share? Baka may ma-say ako?"
"Is it weird to see someone who has the same feature as in the same feature nang isang tao sa ibang tao?"
"What? Te, pakiulit. Nabingi ako bigla."
"I mean, magkaiba sila ng pangalan pero magkamukha silang dalawa. Like as in super magkamukha!"
"Baka naman kambal te!"
"Hmmm... I don't think sooo..."
"O baka naman Doppelganger, friend! Scary!"
"Nonsense!"
"Well, sino ba yang tinutukoy mo, Girl?"
"Si Rendall yung friend nung crush mo, meron kasi siyang kamukha. Ang weird, soooo... soooo weird. Hindi kaya reincarnation siya ni Reever!? OMG!"
"Reincarnation. Bakit? Patay na ba yan te?"

Three Years Ago

"Girl, nakikita mo ba yung nakikita ko?" Bulong ni Leila
"Hmmm?!" Ang sagot naman ni Lauren.
"Tama na nga yang pagbabasa mo, kaya wala kang lovelife eh." At kinuha ni Leila ang binabasang libro ni Lauren, dahilan para sumimangot si Lauren.
"Girl, mas sisimangot ka sa makikita mo. Lingon ka sa kaliwa, dali!"
"O, anong meron dun?"
"Girl, look! May kumakarengkeng sa ka-M.U mo! Ay nako! Kung ako yan, lalapitan ko yan at hihilahin sa kama."
"Ha?"
"Charot lang. Eto naman! Look mo kasi Girl, galaw-galaw rin. Ikaw rin, baka maagawan ka!"
"Nu ba yang pinagsasabi mo?"

"Reever, thank you pala dito. Talagang malaki ang naitulong ng notes mo. Lifesaver talaga kita!" Ang sabi ng babaeng kausap ni Reever habang iniaabot nito ang hiniram niyang notebook kay Reever.
"No problem, it's an honor to help you." Ang sagot naman niya.

"Ay Girl, talo ka na! Umuwi ka na!" Ang iritableng sabi ni Leila kay Lauren habang pinagmamasdan sina Reever na nakatayo malapit sa vegetable garden ng kanilang paaralan.
"Tigilan mo na nga yan. Ano bang jinujustify mo sa sinasabi mo?"
"Well duh, hindi ba obvious? Kung torpe si Reever mas mukhang torpe ka." at napailing na lang si Lauren sa sinabi ng kaibigan niya. Habang nakatingin ang dalawa kanila Reever bigla silang nagulat nang napalingon sa kanila si Reever at kumaway. Nagulat ang dalawa at agad umiwas nang tingin. Hindi naman maitago ni Lauren ang pagbu-blush dahilan para mapansin ito ni Leila at tuksuhin.
"Ayiieee... Ay girl! Kunwari ka pa. Alam kong kating-kati ka na rin puntahan yang ka-M.U mo. Dali na Girl, take this chance as an advantage to..." Hindi pa man tapos si Leila sa pagsasalita ay siya namang paglapit sa kanila ni Reever.
"Hi, lunch pa rin ba?" Ang sabi nito sabay upo sa tabi ni Lauren.
"Ha?" Ang wala sa wisyong sagot ni Lauren na halatang nabigla sa pagtabi ni Reever sa kanya.
"Ta...tapos na kaming maglunch! Kanina pa, diba!?" Sabay tingin ni Lauren kay Leila for confirmation.
"Hahahahaha yeah... I know, I know. I'm just kidding. Akin na lang to ah. See yeah!" At kumuha ng isang dakot ng fries si Reever sa kinakain ni Lauren at ito'y tumayo at umalis na. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay natulala na lang sila Leila at Lauren sa kinauupuan nila. Lumipas ang ilang saglit ay nabaling naman ang tingin ni Lauren sa notebook na naiwan ni Reever sa lamesa. At agad naman niya itong kinuha.
"Girl, dali buksan mo yung notebook, baka may love letter!" Ang sabi ni Leila.
"Love letter? Imposible naman yan. Ikaw, alam mo issue ka! Tigil-tigilan mo yan!"
"Ayiieee pero kinilig ka kanina?"
"Hin... hindi ah! Tara na nga!" At tumayo na ang dalawa at iniligpit na ang iba pa nilang gamit sa mesa at umalis na para bumalik sa kanilang classroom.
"Update mo ko Girl kapag may nadiscover ka sa notebook ah."
"Issue ka talaga!"

Habang nasa loob na sila ng kanilang classroom ay bigla namang naalala ni Lauren ang notebook ni Reever at ito'y kanyang kinuha sa pagitan ng mga libro na nakapatong sa kanyang mesa. At bago niya ito buklatin ay palihim niyang sinilip sa kanyang harapan si Leila na sa mga oras na iyon ay taimtim na nakikinig sa tinuturo ng kanilang T.L.E Teacher dahilan para tuluyan na niyang ituon ang kanyang pansin sa notebook ni Reever. Nag-aalangan man sa umpisa ay dahan-dahan niya na ring inisa-isang buklatin ang mga pahina nito.
"Ang pangit naman nang sulat nito haha" ang bulong niya sa sarili habang patuloy na binubuklat ang mga pahina, hanggang sa may napansin siyang nakasulat dito na pumukaw nang kanyang pansin at nagbigay nang lungkot at saya sa sandaling ito'y kanyang mabasa.
"Napakarami pa rin pa lang mga bagay ang hindi pa namin alam tungkol sayo, Reever." Ang tanging nasabi na lang niya sa kanyang sarili habang tinitiklop ang notebook ni Reever. At muli niya na itong inilagay sa pagitan ng kanyang mga libro at bahagyang lumingon sa labas ng kanilang classroom para pagmasdan ang asul na langit na tila humehele sa kanyang diwa at bumubulong ng mga salitang pilit niyang ikinukubli sa kanyang sarili.
"Parang wala ako yatang maisip na dahilan para maging malungkot kung ganito kaganda ang langit." ang sambit niya habang dahan-dahang tumutulo ang kanyang mga luha.

Memories of Our Undying YesterdaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon