Chapter 32

22K 276 166
                                    

Paano mo ba malalaman kung in love ka na sa isang tao? Ikaw ba yung tipo na magdedecide na mahal mo na pala sya? O di kaya ikaw yung tipo na marealize mo na lang bigla habang nagsosolve ka ng kung anong Math problem? O di kaya nakadepende ka sa signs?

Sa tingin nyo, paano kaya marerealize ni Kevin na. alam nyo na. gusto nya si Jersey?

(Kevin's POV)

May naaamoy ako. hmmm. kape nga ba yun? Hmmm. ang bango bango naman! Parang tinatawag ako nung amoy na kape.. ginigising ako. .

Aaaahhh! Ano ba to, ba't ang liwanag naman ata?! Talaga tong si Keith, hindi na naman inayos yung kur-.

BULL. NASAN AKO!? TEKA. Hindi naman to yung dorm namin ah! Nasan ako?! Sa isang condo unit? Ang ganda naman. Simple lang tong kwarto na to, black and white ang pintura ng pader. Minimalist ba. May napansin ako sa may bedside table.. Olay Natural White? Leche, hindi naman ako gumagamit nito ah!

I smelled something. delicious. Bacon and eggs? Nagutom tuloy ako bigla. Mabilis akong lumabas ng kwarto para kumain. Hmmm. Sinong nagluluto? Si Kei th ba? Nako, malabo yan. Hindi nga nya kayang maghiwa ng sibuyas e!

Aba. Ang ganda nga nitong condo unit na to. Ang laki! Ang yaman naman ng may-ari nito. Sana babae, para gawin kong girlfriend! Joke lang 😀

Mas lalo akong nagutom nang narating ko na ang kitchen. Wait. Wait. May babaeng naka-apron.

Kumakanta pa sya ng "Baby I Love Your Way". Familiar ang boses.

Si Jersey ba yun?

Oo. Si Jersey nga. Likod pa lang nya alam ko na e! Teka. bakit ko sya kasama dito? Sumasayaw na sya ngayon. Grabe, baliw baliw talaga to! 😀 Nilapitan ko sya. at niyakap. Whoaaaa. Bakit nasa instinct ko na ang yakapin to?!?

"Oh. You awake already?" she smiled at me widely. I kissed her on the cheeks. "Good morning, handsome. I love you!"

Shet. Tama ba ang narinig ko?! Tumingin naman ako sa likuran ko, baka kasi may ibang lalaki e.

Wala naman. Ako lang kausap nya. Magsasalita na sana ako pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

My instinct told me to hug her tighter. Dun ko napansin na mas gumanda si Jersey ngayon.

Medyo bumilog din. I rubbed my hands on her stomach.

"So. have you decided na? Anong ipapangalan natin sa baby natin!?'

ANO RAAAAAW?!?!? SI JERSEY NGA BA TO!?

Si Jersey naman, ayun, nakatingin pa rin sakin. Nakasmile at hinihintay ang sagot ko.

"Kevin Honey, ano na?!!"

"KEVIN!! KEVIN!! KEVIN!! GISING NA!! GUMISING KA NAAAAA!!" Naramdaman ko na may umaalog sakin, parang ginigising ako. At. paaaak! Nasampal ako.

Napabangon ako bigla. Shet, nasa dorm ako. Nasa dorm ako. Walang Olay Natural White sa ibabaw ng mesa. Hindi black & white ang pader. At. nasa harapan ko si Keith.

"Kevin! Shet bro buti gumising ka na!!"

Napabangon ako bigla. Bakit parang pagod na pagod ako?! Hingal ako nang hingal e. "Aaa.

anong nangyari sakin Keith?"

"Binangungot ka ata e.. Ay, nanaginip ka pala. Kanina ka pa nga gulong nang gulong dyan!

Ayaw mong magising!"

Nanaginip? Bangungot nga ata yun e! Dun ko lang napansin na basang-basa ang likod ko sa sobrang pawis. Tagaktak talaga. Nag-replay sakin yung panaginip ko. Jersey's. pregnant? PREGNANT.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Despicable Guy Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon