Chapter 21.5

4.5K 116 6
                                    

(Kevin's POV)

Ewan ko ba kung bakit ako nasa Greenbelt ngayon. Okay, may bibilhin ako para sa pag-alis ko papuntang Germany kaya ako nandito. Kulang ako ng jacket at pants. Yun lang talaga.

I don't want to talk about that day. Pag naaalala ko yun, nai nis ako. Anong nangyari kay Jersey? Okay naman kami ah! Mabait na nga ako sa kanya, ni hindi ko na sya inaasar. Tapos umextra naman tong si Paul. PANIRA ANG P*CHA. Kung wala lang yung kuya ni Jersey nung araw na yun, nasapak ko na si Paul. AT ITONG SI JERSEY WALA MAN LANG GINAWA.

Teka, bakit ba ako masyadong affected dito? Buhay nya yun, at wala ako sa posisyon na mangialam. Di ba?

"Sir?" nagising ako bigla sa daydream ko. Hindi ko napansin na nasa harap nako ng Yves Saint Laurent shop, at nakatitig ako sa display nila. Sh*t, baka pagkamalan akong bakla ng saleslady! "May I help you?"

"Aahh. Wala wala. Sorry," sabi ko. Aalis na sana ako nang.

"Naghahanap ba kayo ng gift for your girlfriend?"

Pagkarinig ko ng salitang girlfriend, si Jersey bigla naisip ko. Anak ng hucha naman o! Bakit sya?!? "Uhh. No, thanks." At naglakad na ako palayo.

Yves Saint Laurent. T*ngina, pwede ko nang pang-tuition ng dalawang taon yung isang pares ng sapatos dyan e! Sinong matinong lalaki ang bibili nyan ah? Ako ba si Pacquiao?

Pero ini sip ko si Jersey e. Ano ba Santos, kung ibibili mo sya nyan, malamang ibabato nya sayo yan pabalik. Sayang pera, magkakabukol ka pa.

TEKA LANG BAKIT KO BA INIISIP NA BIBILHAN KO SYA NYAN!? SINO BA SYA?!

In an instant, bumalik ako sa store at saktong nasa entrance pa si Ate Saleslady. Nakangiti sya sakin. "Sabi ko na nga ba e, babalik ka! Welcome po Sir!"

Syempre, tumingin-tingin muna ako. Baka kasi hindi kaya ng budget ko ang sapat os dito. Ano nga bang hilig nung babaeng yun? Basta cute, mataas at. cute. Naknang! Wag na kaya! Kaso nakakahiya kay Ate Saleslady e, kanina pa sya turo ng maganda. Maganda nga, pero hindi bagay kay Jersey.

Napunta tuloy ako sa may dulong sulok ng shop. Dun yung mga pumps na black. Tingin tingin lang ako nang may makita akong magandang pumps. Feel ko magugustuhan to ni Jersey!

"Simple but elegant Sir. Nice choice!" tae, kung pwede lang tumawa nang malakas dito, ginawa ko na! Simple nga, pero pag si Jersey na nagsuot nito, ayos :>

"That's P37,500 Sir."

P*CHAAAAAAAAAA. THIRTY SEVEN THOUSAND FIVE HUNDRED!? Are you kidding me?! Pang-enrol ko na to next sem ah! Bibilhin ko ba o ano?

"Paki-charge na lang dito," sabi ko sabay abot ng American Express credit card ko. First time kong gagamitin to -___-Pero okay lang, para naman to kay Jersey. Shet, parang baligtad ata ah! Sya tong may atraso sakin tapos ako pa magreregalo sa kanya ng mahal! Si Mama nga di ko pa nabibilhan ng regalo e!

Inabot na sakin ni Ate yung paperbag at umalis nako. Nako, subukan nyang ibato sakin tong P37,500 na to! Makikita nya! Napadaan ako sa isang jewelry shop nang matandaan ko na wala pa kong regalo kay Max. So I bought her a necklace na lang. Not bad right? Hindi naman nya siguro m alalaman na mas mahal ng P35,000 yung regalo ko kay Jersey. :DDD

TEKA ULIT. PANO KO TO IBIBIGAY SA KANYA!?

(Jersey's POV)

I love Christmas shopping! Every year talaga akong naghahanda ng list kung sino bibigyan ko.

Syempre col ege nako ngayon, kaya nadagdagan na naman ang nasa listahan ko! Haaay 😀

My Christmas List

The Despicable Guy Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon