Opposite Attracts (One Shot)

146 4 3
                                    

Opposite Attracts (One shot)

Pogi.

Maputi.

Matangkad.

Sikat sa mga babae.

Maganda boses.

Magaling maggitara.

Magaling magpiano.

Inshort, musician..

Masungit sa babae.

Puro lalaki yung mga kaibigan ko.

Yang ang mga katangian na taglay ko. No girlfriend since birth ako. Kasi ayoko. Ayoko talaga sa mga babae. Mas lalo kung magiging girlfriend ko. Kung may babae man akong kasama, close friend ko lang. Pero never na girlfriend. Mataas standards kong tinitignan sa babae bago ko magkagusto.

Never ako nagkagusto sa babae na ako unang nagkagusto. Sanay na kong ako yung hinahabol nung babae. At di ko ugaling humabol ng babae. :D

“I love you.” Sinasabe ko sa mga babaeng fling fling ko. Wala kaming commitment at di ko sila gusto. Naghahanap lang ako ng mapapaglagyan ng atensyon ko. Tatlo sila e. Si Camille, si Melisa at si Monique. Mapuputi, maganda “daw” sabe nila pero di ako nagagandahan. Kapag tanghali, kay Melisa ko. Kapag sa text, kay Monique. Kapag umaga, kay Camille.

Sobra ba? Hahaha. E sa gusto ko e. Di naman nila alam na pinagsasabay sabay ko sila. Di naman ako nanliligaw sakanila. Di ko nga alam pano manligaw e. Sila lang yung nagkagusto saken. :)

Ako nga pala si Paulo Esguerra.

Ganyan ang buhay ko dati. Pero biglang nagbago nung nakilala ko sya,

si Angelie. Ka-MU sya ni Joshua, bestfriend ko.

Di ko sya type.

Morena.

Matangkad.

Chubby.

Medyo singkit at koreana itsura.

Sikat sa ibang lalaki. Sikat kasi sa facebook, daming likers at humahanga sakanya dun.

Maganda “DAW”

Talagang daw. Kasi di naman ako nagagandahan sakanya. Nagtaka lang ako. Bakit sya nagustuhan ni Joshua? Hello? Pogi ng bestfriend kong yun at pinagkakaguluhan ng mga mapuputi at magagandang babae. Bakit yun nagustuhan nya? Mas pinili nya kesa kay Melisa na maputi pa!

Kaya naisip ko sya ichat. Yun, nagkausap kame. Nagkatext. Tapos nagtagal kameng magkausap. Eh diba masungit ako sa babae. Masungit ako sakanya. Pero wala lang sakanya. Iniignore ko nalang yun.

Ganun.

Tapos pagnagkakasalubong kame, di nya ko nginingitian. Kasi kasama ko si Joshua. Di alam ni Joshua na nagkakausap kame nung karelasyon nya.

Nung nagtagal kami nagkausap. Madami syang pinarealize saken.. Madami nadin akong nasabeng mga sikreto ko sakanya. Magaan na loob ko sakanya. Mabait pala sya. Tapos sya mismo nag-aadjust para maka-enjel nya yung kausap nya. Di ko pa sya nakakasama personally pero okay na. Araw araw na kami magkausap hanggang sa magkalabuan sila ni Joshua.

Di ko to popormahan oy! Basta! Wala na sila ni Joshua. Nakipagkita si Angelie saken. Nagpapaturo kasi sya maggitara saken. Tutal daw, sanay na sya na ako kausap nya. Dapat kay Joshua, e natatakot daw sya kay Joshua. Yun!

Magkasama na kame. Sinama ko sya sa school ko, sa FEU. Nasa may canteen kami. Yun lang kasi available na place sa school at konti lang students. Tawa sya ng tawa. Ganun dn ako. Masaya pala sya kasama.

Opposite Attracts (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon