-Aesha Lorraine-
Ilang oras nga ang lumipas at nakauwi na ako. Buti na lamang ay naibalik sa akin ni Rayven yung gamot.
Hindi ko masabi, pero kakaiba ang nararamdaman ko pag nakikita ko si Rayven.
Pakiramdam ko.. matagal ko na siyang kilala. Hindi ko alam.
'Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman...'
Tumayo na lamang ako sa upuan ko at kumuha ng tubig. Wala si Mama ngayon. Nasa trabaho pa siguro siya.
Bigla ay naalala ko yung binigay ni Rayven na gamot.
'Saan niya kaya nakuha yun? Naiwan ko ba sa upuan ko yun?'
Ininom ko ang tubig at isinabay ang gamot ko. Hindi na siguro ako kakain, sa umaga nalang.
Tumayo ako at aakyat na sana ngunit biglang may kumatok sa pintuan ko.
Nang makalapit ako sa pintuan hindi ko muna ito binuksan at hinintay ko na munang magsalita ito.
Ngunit hindi ito nagsalita kaya napagdesisyunan ko na ako nalang.
"S-Sino yan?" Tanong ko. Ngunit walang sumasagot kaya ako na lamang ang nagbukas ng pinto.
'R-Rayven?'
"R-Rayven? Bakit nandito ka ulit?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti lamang ito.
"Ang lawak pala ng bahay niyo. Andami niyong paintings ah. Pwede ba akong pumasok?" Sinserong tanong nito. Umoo na lamang ako dahil alam kong namangha ito sa mga paintings.
Naglakad lakad ito at tinignan ang mga paintings. Napatitig siya sa isang painting na malapit sa kitchen namin.
"A-Aesha" Tawag nito sa akin.
"Oh?"
"I-Ikaw ba to?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
"Hmm, Oo. Mukhang hindi ako no? Mas maputi kasi ako noon. Tsaka first year ako niyan. Actually tinanong ko si Mommy kung diyan ba talaga ako nagaral noon, hindi ko maalala may amnesia kasi ak--" Napatakip ako sa sariling bibig dahil sa nasabi.
'Huhu! Andaldal mo talaga Aesha Lorraine Bautista!'
"Don't worry. Alam kong may amnesia ka." Nakangiting sabi nito. Nagtataka naman akong tumingin rito.
"H-Ha? Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Kanina. Iyong gamot na naiwan mo, Para yon sa amnesia mo diba?" Saad nito. Tumango naman ako.
"Oo, sa totoo lang.. I've always felt sad. I can't explain how I feel everytime na maiisip kong may amnesia ako, ni isa sa past ko, wala akong maalala." Malungkot na sabi ko. Napalingon naman ito sa akin.
"Hindi mo kailangan malungkot. You can make new memories." Nakangiting saad nito. Ngumiti nalang din ako.
Bigla ay naalala ko. 2 months nalang pala birthday ko na, Hindi ko pa birthday pero... I have a wish for myself.
Ipinikit ko ang mga mata ko at seryosong nagsalita sa isip ko.
'Sana... Sana sa kaarawan ko maalala ang mga memoryang nakalimutan ko.'
Muli kong binuksan ang mata ko at ngumiti. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Rayven.
"Did you make a wish?" He asked.
BINABASA MO ANG
From The Past
Historical FictionAesha Lorraine Bautista. Teen-Girl who just wants a normal life. Pero paano magiging normal ang matagal ng sira? Paano kung ikaw mismo ang sumira at nagpalayo sa mga taong importante sayo? May mga bagay at alaalang bumabalik sa kanya. Ngunit hindi n...