FTP (09)

18 4 0
                                    

-Caessar Felix-

Time check. 5:30 am. I stood up then I closed all the alarms in my phone.

Natawa ako nang maalala ang pangiinis ko kahapon kay Aesha sa telepono. Dapat kahapon ay kakausapin na namin siya ni Tobit pero hindi ito natuloy.

Dahil parang insi ito kahapon at halatang walang itong ganang makipagusap.

Kahapon nakaramdam ako ng inis kay Rayven, wala itong ginawa kung hindi sumunod kay Aesha.

Kung pwede ko lang talaga sapakin yung mokong na yun, ginawa ko na. Sadyang ayaw ko lang na madamay yung mga taong importante sa akin.

'Hindi ko din gugustuhing madamay si Aesha..'

Itinigil ko muna ang pagiisip at kinuha ang towel ko para makaligo na ako.

****************

Nang matapos akong makakilos ay isinuot ko na ang uniform kong pang itaas pati na rin ang pants ko, at tinignan ang sarili ko sa harapan.

New Uniform. Check.

New Shoes. Check.

New Perfume. Check.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, Maayos naman ang itsura ko ngayon.

'Wala na yung dating Caessar, medyo nakamove on na din ako.'

Hindi na ako ganoong nasasaktan tuwing maaalala ko si Allisa, at hindi na din ako ganoong nagiguilty pag naaalala ko yung nangyari noon.

Medyo naluwagan na tong loob ko, hindi na ganoong kasakit sa akin to lahat.

Kaya ngayon, naisip ko na aayusin ko na ang sarili ko. Hindi na ako babalik sa nakaraan at hindi ko na din hahayaan na masaktan ako.

Hindi naman porket nasaktan ibig sabihin hahayaan ko lang yung sarili ko na lagi nalang nagiguilty at patuloy na bumabalik sa nakaraan.

Dapat magsimula ako ng bagong simula. Aayusin ko na ulit ang buhay ko.

Itinigil ko muna ang pagiisip at inayos ang uniform ko. Kakain muna siguro ako pagalis para hindi na nila ako napagtitripan sa klase.

Noong mga araw na nasasaktan pa ako dahil kay Allisa, palagi akong napagtitripan.

'Mukha raw akong zombie dahil sa eyebags ko at sobrang payat ko raw noon.'

Nung nagbakasyon, pinilit ko namang ayusin ang sarili ko kahit mahirap. Kahit na alam kong hindi ko kaya, kinaya ko.

'At eto nga ako... Mas maayos na ngayon.'

Nakakangiti na ulit ako nang maayos at nakakahinga nang maluwag.

Aaminin ko, gusto kong imbestigahan si Aesha. Pero hindi ibig sabihin nun gusto ko siyang masaktan tulad nung nangyari kay Allisa.

Madami pa akong gustong malaman kay Aesha, dahil hindi ko pa siya ganoong kakilala.

Naalala ko noon, si Allisa, madaming may ayaw sa kanya noon.

At bakit raw kay Allisa pa ako nagkagusto, madami naman daw mas maganda sa kanya.

Hindi namin sila pinakinggan, hinayaan namin. Hanggang sa nasasaktan na si Allisa ng mga tao sa paligid namin, she was bullied before.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon