WAY 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Nagmulat ako ng aking mata at puro kadiliman lamang ang aking nakita, teka nasaan na ba ako? Sino ako? Tumayo ako at naglakadlakad hanggang sa mapagtanto ko na nasa gubat pala ako, pamaya-maya habang naglalakad ay may nakita akong dalawang puting liwanag na tila ba naghahabulan noong una ay gandang-ganda ako rito hanggang sa mapagtanto ko na papalapit pala ito sakin tila ba nabato ako sa kinatatayuan ko at di makakilos nanatili lang akong nakatingin sa dalawang liwanag hanggang sa---ahhhhhh!



"Ahhhhhh." Napabangon ako sa kama at pilit na hinahabol ang hininga ko habang hawak ang naninikip ko'ng dibdib. Nang mawala ang paninikip ng dibdib ko ay napatingin ako sa orasan at napansing ala-sinko na pala ng madaling araw.

Dali-dali ako'ng bumangon upang makaligo na at makapagayos para 'di ako malate sa first class ko. Habang naliligo ay napaisip ako sa panaginip ko, ano kayang ibig sabihin ng panaginip na yun o may ibig sabihin ba talaga yun baka naman simpleng panaginip lang yun, di ko na lang inisip masyado at nagpatuloy na lang sa paliligo.

Pagkatapos maligo ay inihanda ko na ang uniform ko at nagpatuyo ng buhok, pagkatapos magpatuyo ng buhok ay sinuklay ko ito at naglagay lang ako ng toner at cream sa mukha pagkatapos nun ay sinuot ko na ang uniform ko at bumaba upang kumain ng umagahan.

"GOOD MORNING ATE MARY!" Sigaw kung bati sa katulong namen nag aayos ng hapag kainan.

"Good Morning din Seiryna,ikaw talagang bata ka kay aga-aga napakalakas niyang boses mo nakakabulabog ka ng kapitbahay." Utas niya

"Ay HAHAHA sorry na ate." sabi ko at nagtuloytuloy na s lamesa para tignan ang nakahain, Wahhhh favorite ko! Fried Rice, Bacon and Egg tapos may pandesal at peanut butter!

Pagkatpos ko'ng kumain ay dumeretso na agad ako papuntang labas upang makapasok ng ng school tutal ay 6:30 naman na at 7:00 ang flag ceremony namin." Bye ate Mary una na po ako." Sigaw ko para alam niyang nakaalis na ako.

"Sige magiingat ka umuwi agad pagkatapos ng eskwela." Sigaw naman niya pabalik.

Pagkarating ko sa tapat ng eskwelahan ay hindi muna ano pumasok agad at tumambay sa tapat nitong tindahan, dito ako madalas na tumatambay mapauwian an o pasukan dito ko kasi madalas intayin sila Loraine.

Pamayamaya pa ay dumating na si Loraine at sumunod na si Anne at Ylarde hindi na namin hinintay si Arian dahil paniguradong Late nanaman yung isang yun. Pagkapasok namain ng gate ay mga nakapila na ang mga estudyante sa bawat section nila kaya naman pumila na rin kami. Habang mag aannounce ang Principal sa harap ay biglang dumating si Margarette.Sabi na eh late nanaman to'ng isang to.

Pagkatapos ng Flag Ceremony ay nagsiakyat na isa-isa ang mga section upang pumunta sa kanikanilang klase, habang paakyat ng hagdan ay may nakita akong lalake na pumasok ng gate sa di malamang dahilan hindi ko maalis ang tingin ko sakanya lalo na ng napatingin siya sakin para ba'ng may magnet ang kanyang mata na siyang humihila saken.

Naalis ko lang ang paningin ko sakanya ng muntik na ako'ng madapa sa hagdan na siya namang ikinatawa ng ilang nakakita.

Ng makarating na kami sa classroom ay agad kaming nag agawa sa mga upuan at syempre tabi-tabi kaming- -magkakaibigan.

Nakahanap na ng upuan ang lahat at dun ko lang napansin na medyo marami palang transferee ngayong taon, habang tinitignan ko ang mga transferee ay bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang lalakeng nakita ko kanina. At kutald ng nangyari kanina ay napatitig nanaman ako rito at napansin niya ata na nakatitig ako sakanya kaya nginisihan niya ako."Arghhhh! Seiryna nakakahiya ka."

Hindi ko na lang siya pinansin hanggang dumating si Ms.Santiago ang adviser namin ngayong school year.

Nagsimula ng magpakilala ang bawat isa. Nakatulala lang ako habang iniisip siya sa di malamang dahilan ay gustong gusto ko siyang titigan tila ba inaakit ako ng kulay kape niyang mga mata.

Seiryna tumigiltigil ka nga diyan ang landi mooo!

Sa kakaisip ko sa lalaking yun ay hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod na magpapakilala kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa harapan.

"Hi guys! I'm Seiryna Heather Montresor 17 years old dati na akong student kaya I hope na maging friends ko kayo lalo na yung mga bago"

Habang nagpapakilala ako sa harapan ay ramdam kong may nakitingin sakin ay mali di pala nakatingin kundi nakatitig pinigilan ko ang sarili ko na huwag siyang pagtuunan ng pansin pero habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko ay ramdam ko pa rin ang kanyang mga tingin kung kaya't hindi ko na napgilan ang aking sarili na mapatingin sa kanya at hindi nga ako nagkamali siya nga ang nakatitig saken.

Habang nakatitig ako sa kanyang mga kulay kaprng mata ay may kakaiba akong maramdaman na hindi ko maexplain para ba'ng may gustong sabihin ang kanyang mga mata at habang tumatagal ay mas lalo akong nalulunod sa kanyang mata at kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya ako na ang nagiwas ng tingin at sakto namang nakarating na ako sa upuan ko.

Nagpakilala na rin ang mga kaibigan ko, last row na ang magpapakilala at hindi ko ba alam kung ba't ako kinakabahan dahil ba sakanya?
Siya ang nasa pinakadulo kaya siya ang huling magpapakilala ng tumayo siya at naglakad papunta sa harap halos lahat ng tao sa clssroom ay sakanya nakatuon ang atensyon hindi naman kasi mapagkakaila ang kagwapuhan ng kanyang mukha at ang kanyang height na sobrang tangkad. Maganda rin ang kanyang tindig at bawat dadaanan niya ay humahalimuyak ang kanyang mabagong amoy.

"I'm Zion Gabriel Villarde a transferee student 18 years old." Shets ang lalim ng boses niya ang sarap sa pandinig. Argh tumigil ka nga Seiryna ang manyak mo!

Pero pansin ko lang na habang nagpapakilala siya kanina ay para ba'ng nakatitig siya saaken. Imahinasyon ko lang siguro yun ang assuming ko naman pero kasi parang totoo.

Katulad ng naunang mga subject ay ganun din ang ginawa da iba puro pagpapakilala lang at binibigay lang din nila ang mga schedule nila.


Recess na kaya nagtayuan na kami ang nagsimulang lumabas sa classroom ang lahat, Sabay sabay naman kaming magkakaibigan na lumabas at bumaba upang magtungo sa canteen.

Habang naghahanap kami ng mauupuan ay nakita namen si Zion, kumakain siya magisa kaya naisipan naman nilang doon na lang kumain, hindi na ako nakatangi pa dahil mabilis naman nila akong hinila papunta sa lamesa.

"Ahm...Hi Zion itatanong sana ni Seiryna kung pwede daw ba kaming makiupo?" Sabi ni Loraine

Gulat ako sa sinabi niya kasi una sa lahat wala naman akong natatandaan na may sinabi akong ganon at pangalawa ayokong umupo sa iisang table kasam siya, kung baket? Hindi ko rin alam basta ayaw ko siyang makadikit.

Napatingin naman saken si Zion at tumango nagsiupuan naman sila gusto ko sanang makisiksik sa kanila pero parang sinadya nilang magsiksikan sa iisang bench at hindi umupo sa may upuan ni Zion upang doon ako umupo.

Mga gagang to, humanda kayo sakin mamaya!

Ang akward shets daldalan ng daldalan ung mga babaita sa harap ko samantalang ako hindi makapagsalita dahil nahihiya ako sa katabi ko na wala din naman imik at tahimik na kumakain.

Nang matapos ang recess ay nagsiakyatan na rin naman kami. Tulad nga ng sinabi ko ay puro pagpapakilala lang ang ginawa namen hanggang sa maguwian na at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Habang naalakad pauwi ay naramdaman ko'ng may tao sa likuran ko kaya sumilip ako at nagulat ako sa nakita ko. Si Zion naglalakad sa likuran ko ata nakapamulsa pa deretcho lang ang tingin niya sa kalsada at hindi ako pinagtutuunan ng pansin kaya ganun na lang din ang ginawa ko hanggang sa makauwi ako ng bahay at napansin ko'ng wala na pala siya sa likod. Para siyang bula bigla biglang nawawala.



Ps: I hope nagustuhan niyo it's my first time to write/make a book...♡♡♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon