Malcolm's POV
Nagising ako na nakahiga sa kama. Sinubukan kong gumalaw kaso ang mga parte ng katawan ko ay sobrang sakit parang gusto ko na silang putulin nalang. Ngunit ito'y di ko nalang inisip at umupo gamit ang natitirang lakas ko.
Aray...wait, alam ko 'tong lugar na ito.
Tumingin ako sa kisame at tinignan ko ang paligid ko. Nang ako'y aalis na sa kama, pumasok sa kwarto si Thea at Mickoy.
Sabi ko na nga ba eh, bahay ni Mickoy..
"Uyyy okay ka na? Ano nararamdaman mo?" mabilis na tinanong sa akin ni Thea.
"Medyo" sinabi ko sa kanya.
"Sure? Mukhang masakit pa katawan mo kasi nahihirapan ka" sinabi ni Mickoy at tumango nalang ako.
"Well, kailangan ko ng umuwi at may exam pa tayo bukas" sabi ko.
"Ay oo nga pala, meron" sabi ni Thea.
"Wowwww Malcolm? Magrereview? Bago yun ah" tumawa si Mickoy at tinignan ko siya ng masama.
"Ha ha ha nakakatawa?" sinabi ko ng mapang-uyam.
Oo, di man halata pero nag-aaral ako ng mabuti. 'Di naman ako matalino pero hindi rin naman ako bobo, average lang.
"Ano? Uuwi na ako. Salamat nalang ulit sa pagtulong niyo sa akin kanina" sinabi ko sakanila at tumango sila sa akin.
Pagkatapos ko magpaalam sa kanila at umalis ng kwarto. Tumungo ako papalabas ng bahay ni Mickoy. Naglakad ako pauwi at in-endure ko lahat ng sakit sa katawan hanggang ako'y makauwi.
Binuksan ko ang pintuan at naririnig ang mga talon at sigaw ng kasiyahan ng ate ko sa kusina.
Luh, ano nangyayari doon?
Ngunit hindi ko na tinignan at dumiretso na ako sa kwarto ko. Pagkapunta ko sa kwarto ay nilabas ko ang mga libro ko at nag-aral.
Time skip
Pagkatapos ng ilang oras ay hndi ko matulungan kundi ako'y antukin hindi lang sa pagod ngunit pati na rin sa mga sugat na nakuha ko kanina at hindi ko na rin napansin ang oras kakabasa sa mga pinag-aralan sa school at pagtingin ko sa cellphone ko ay 3 am na pala.
Ay shit!
Pagtingin ko sa orasan ay, agad kong binalik lahat ng gamit ko sa bag at nag sipilyo at naghubad ng damit bago matulog.
Time skip
Pag-ring ng alarm ko ay agad ko ng ginawa lahat mg ginagawa bago pumunta sa school, pagkatapos ay umalis na at pumuntang school. Pagdating ko ay nakita ko na hinihintay ko si Mickoy at Thea na nasa corridor at tumatambay sa may locker ko.
"Uyy pre" binati nila akong dalawa.
"Yow" binati ko sila pabalik at binuksan ang locker ko upang lagay ang mga libro na hindi ko pa kailangan.
"Nakapag review ka??" tinanong sa akin ni Thea at ako'y tumango.
"Kayo ba?" tinanong ko sila.
"Well, ako nagbasa lang ako eh" sabi ni Mickoy.
"Ako rin eh" sinabi ni Thea na gulat at nag highfive silang dalawa.
Goodluck sa inyo
"Nako kayo" tumawa ako ng mahina at umiling.
Tumawa rin sila at sabay kaming tatlo pumunta sa mga klase namin.
Time skip
SA WAKASSS TAPOS NA RIN
YOU ARE READING
Manila | Coleen MNL48 (Fanfiction)
FanfictionCold hearted Malcolm Rivera falls for Coleen Trinidad of MNL48. Will he be able to fight for their love? taglish includes badwords