MAX POV's
Nang makabalik kami sa pilipinas mula sa north korea ay naging tahimik kahit papano ang pagsasama namin ni Deib Lhor. Hindi ko lubos maisip na sa haba ng prosesong pinagdaanan ko ay mahuhulog ako sa ganitong sitwasyon kung saan kuntento ako sa buhay ko at sa asawa't anak ko. Sobrang saya ko habang pinagmamasdang nilalaro ni sensui si Spaun. Kitang-kita ko ang sabik na dumadaloy sa sistema ni Sensui.
Makikita ko ang ngiting tila ba ay naka rehistro na sa labi niya at dina maaalis kailanman. Lumapit ako ng bahagya sa kanila at Hinaplos ang braso ni sensui. Lumingon siya sakin at nginitian ako tapos ay muling binaling ang atensyon kay Spaun. Sobrang galak ang nararamdamang ko na makita ang mag-ama kong masayang magkasama at sana ay di na matapos pa.
"Babe ?" sabi ko sa kanya habang hawak ang braso niya.
"Hmm?" Ungol na pasagot niya.
"Akin na si spaun paliliguan ko. Mamaya na yan at diba may pasok ka? bat dika pa bihis?"
"Alam mo babe kayo nakakawala ng pagod ko!"nakangising sabi niya at hinalikan ako sa noo. Sobrang saya ko sa sandaling ito .Ginantihan ko lang siya ng matipid na ngisi at humalik sa labi niya. Yinakap niya kami ni Spaun . "I Love You baby babe and Spaun" . nasambit niya habang nasa bisig niya kami. "I Love You too Sensui." napabitiw siya sa pagkayakap at sinamaan ako ng tingin. Aakma na sana siyang tatalikod ng binaling niya ang ulo sakin at lumapit. Pinitik niya ang nuo ko "Kahit kailan matigas ang ulo mo! BABE hindi sensui. "Halos umusok ang ilong niya at tinalikuran kami. Binigay ko si Spaun kay manang at hinabol si Sensui.
Yinakap ko siya mula sa likuran . "I love you babe more than you know!" Saka siya humarap sakin at inalayan ako ng halik sa nuo at bumaba sa labi. " I love you too baby babe !" sagot niya ramdam mo ang sinseredad. Yinakap niya ko ng pagkahigpit-higpit at agad na kumalas.
"Maliligo nako babe! " Sabi niya at yinakap ulit ako bago pumuntang C.R. Tinanguan ko nalang siya at bumalik kay Spaun. "Manang ako na kay Spaun, handaan mo nalang ng pagkain si Deib." sabi ko kay manang atsyaka pumuntang kwarto at duon pinaliguan si Spaun.
Habang pinagmamasdan ko si spaun ay naaalala ko ang buong katauhan ni Deib Lhor. Ang ilong at ang labing kepula at higit sa lahat ay laking pasalamat ko't lalaki ang anak namin, kahit papano ay di niya mararanasan ang naranasan ko. Pagkatapos ng legal mong edad ay mararansan mo na ang magaang pagsasanay kasama ako anak. Binuhat ko si Spaun at hinalikan ito sa nuo.
Napalingon ako ng tumunog ang pinto at nakita ko ang imahe ni sensui. walang damit pantaas at may towel sa baba. Lumapit siya samin at pinagmasdan ako. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Tumawa siya ng pagkalakas-lakas at lumapit sa Cabinet ng mga damit at kumuha ng masusuot.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan sensui?"
"Ang cute niyo tingnan when you're together."
Nilapitan ko siya at binatukan. Nilibot niya ang tingin niya bago tumimgin sakin. Aakma sana siyang gumanti pero nakita niya si spaun sa kama. "Manang!" Sigaw niya at agad na dumating si manang. " pakikuha ng bata, we have to finish something" Matulis na pagkakasabi niya at sumunod naman si manang.
" Anong gagawin mo sensui? Subukang mong gumanti hindi mo na makikitang magbinata si spaun!" Pananakot pero hindi ito natinag. Lumapit siya sakin at bumulong. " Sundan na natin?" Nakangising bulong niya. kinurot ko ang tagiliran niya na siyang dahilan ng pagtili niya. Matatawa ka sa tiling iyon , HAHAH parang bakla.
"Bakla. tss!"
"Baklang nakakabuntis, taguro. "
" Gago, Pakyu ka!"
YOU ARE READING
He's Into Her Continuation
RandomGagawa lang po ako ng continuation. Alam kong may nauna but literally I just want to write kung ano man po ang naiimagine ko hehe. Medyo nabitin po ako.
