He's Just Not That Into You Famous Lines
1. Oh okay - Sige nga mag-isip ka ng isasagot sa two words na 'yon.
2. K - Genius ka na kung may maisip kang sabihin. How about L? Sige pilitin mo pa. Mag-recite kayo ng alphabet para mapahaba ang coversation n'yo.3. Like or thumbs up sign - Ano pa bang sasabihin mo? Shut up ka na lang. Nakulitan na siguro sa'yo kasi paulit-ulit lang ang sinasabi mo.
4. Seenzoned - Ang sakit, hindi ba? Matapos mong mag-isip ng ten years ng sasabihin mo, binasa lang ang message mo at hindi nag-reply. Ano pa bang magagawa mo? Mag-isip ulit ng sasabihin. Mga ten years ulit, girl?
5. Next time na lang ulit. - Ang tanong may next time pa ba?
6. Busy lang sa work. - Kailangan ko bang magpa-schedule para makausap ka? Ikaw lang ba ang busy sa mundo? Busy rin kaya ako.
7. I'm not available tomorrow (or next week). - Ang tanong kelan ka magiging available para sa akin?
8. Sure - Kahit ako walang maisip na isagot.
9. Whatever - Wag mo akong wina-whatever! Eh di whenever, wherever at whoever... and ever and ever. Ano daw?
10. Sinagot ka ng emoji sign - Pwedeng sagutin ng unlike?
11. Tinawag kang kuya, tito, or worst lolo (sa babae: ate, tita, or lola). - Aba ganon na ba talaga ako katanda? Utang na loob, unfriend mo agad!
12. Sorry + excuses (i.e. wala akong load, walang signal, masakit ang daliri ko) - Makaramdam ka na. Hindi siya interesado sa'yo. Dahil kung talagang interesado 'yan sa'yo, gagawa siya ng paraan para makausap ka. Trust me, pupunta pa siya sa Mars para magpa-load. Aakyat 'yan sa bubong para makahanap ng signal. Makikikain 'yan sa kapitbahay para maki-wi-fi. Kung walang effort, hindi interesado. Tapos ang usapan.
13. Let's see. - Hmmm... ano pong makikita ko?
14. I'll let you know. - Kailan ko malalaman? Kailan ko malalaman kung mamahalin mo rin ako?
15. I'll get back to you. - Ang tanong babalikan mo nga ba ako? O paaasahin mo lang ako sa wala?
16. I'll call you. - Talaga lang? Ikaw na napuyat sa kakahintay ng tawag niya.
17. Text kita. - Napuyat ulit kakahintay ng text. The next day, hintay ulit. Hanggang kailan ka maghihintay, girl?
18. Kinumusta mo pero hindi ka kinumusta. - Bakit ka kukumustahin? Hindi naman siya interesado sa'yo?
19. Nice one. - Ah so alam mo pala ang word na 'nice'? May Internet ka? Paki-Google nga ang meaning.
20. Talaga? (Really?) - Sasabihin ko ba sa'yo kung hindi totoo?
21. Hahahaha - Sagutin mo kaya ng Hehehehe, tingnan natin kung ano ang isasagot niya?
22. Walang budget, eh. - Lagi namang walang budget. Teka nanghingi ba ako sa'yo?
23. Ang hirap mong abutin. - Anong mahirap abutin? Mas matangkad ka pa nga sa akin.
24. When he said 'eh di wow' or 'sana all' - No choice ka kundi i-like na lang ang reply niya. Tapos ang usapan.
25. When he said 'Kailangan ko pang tulungan ang family ko'. - Gusto mo tulungan kita? Wala naman akong ginagawa ngayon.
26. Heto pa, when he said 'Kailangan ko pang pag-aralin ang mga kapatid ko'. - Hindi naman ako nanghihingi ng tulong sa'yo. Graduate na kaya ako.
27. Okay, see you soon. - After five years, wala pa rin. Gaano katagal 'yung soon?
28. Sorry something came up - Ang labo, di ba? Kasing-labo ng lugar mo sa buhay niya.
29. It's not you, it's me. - Palipasin mo lang ang two days, may bago na 'yang pinopormahang babae.
30. Hindi pa ako ready. - Hindi ka ba talaga ready emotionally or hindi ka lang talaga ready para sa akin?