VOTE-COMMENT-LIKE :>
-----------------------------------------------------------------------------------------------
JYRE'S POV
Lumabas na ako ng room na yun at dumiretso sa parking area.. Nag-labas ako ng sigarilyo to unwind myself..
Puta..sarap mag-starbucks pag ganito ka-gulo ang araw mo.. Irit dito.. Pa-kiss dito..pa-yakap..pa-hug..pa-picture.. Hay grabe..
Pero yung nakaka-ewan sa araw ko ngayon eh.. yung cute girl na na-kiss ko kanina.. Teka? Cute? Tsss. Ano ba nangyayari sayo Jyre. Bakla ka na ba?? Psh. Cute eh pang-aso lang yun. Tsaka walang boobs at sobrang simple..Mas trip ko yung mga hot chicks..
Pero seryoso ako..I find her cute and very innocent..Ano kayang pangalan nun?? Aish. Magsawa na nga.
"Hinayupak ka Jyre! Buong sulok ng East Kings pinuntahan ko. Tapos nandito ka lang.. naninigarilyo. Nakaka-bobo yun ah." Hayy naku. Patanga-tanga na naman itong si Ray. Mukhang pagod na pagod ang loko ah..
"eh mas nakaka-bobo ka pre. Tanga ka ba? Anong silbi nyang cellphone mo??" sabay batok ko sa kanya..
napa-kamot si Ray at kumuha na rin ng sigarilyo
"oo nga noh,hehehe."
"Uy pre. asan yung iba? bakit wala pa ha?" tanong ko kay Ray
"May tinuturuan pa ng A-B-C. HAHAHA"
kuuh. ang ga-gago talaga nung mga yun.. di man lang ako sinama.. :/
"Hoy Jyre,alam kong nasa isip mo. Wag ka ng magtampo.. Alam mo naman yang sitwasyon mo ngayon di ba??"
"Tanga.Sinong nagsabi sayo na yun ang iniisip ko. Bugbugin kita dyan eh.."
"Oh ayan na pala sila eh.."
Napa-tingin ako sa entrance ng school tas sunod sunod na nga dumating ang mga kulokoy. Tunog pa lang ng kotse alam mo ng Fastly 7 na eh. Teka.. Eh bakit yan ang gamit ng mga yan. Pang-porma at pang-karera lang namin yang "F Cars" namin eh. Yeap. "F cars" ang tawag namin sa deadly cars namin. We own Aston Martin DBS Carbon Edition, Lamborghini Gallardo, Jaguar C-X16,Audi S7, Porsche 911,Ferrari F40, and Ferrari Scuderia. Basta pag yan ang dala namin..We own the road and we are the authority.
Sunod sunod na nagsi-parada ang mga gago atsabay-sabay nakumuha ng sigarilyo at lumapit sa akin..
"Prince Jyre. Ano? Kamusta ang fans natin. You are trending pare ah! Even google has you Pare!"-Jec
Gago talaga itong si Jec. Sa Fastly 7,sya ang pinaka-updated sa lahat ng nangyayari sa amin. No wonder kung pano nya nalaman kung anong nangyari sa araw ko. PSH.
"Oh pare? Even google? Ano upakan ko na?" -Tiger
Isa pa ito eh. Hindi yan na-imik sa iba. Hindi sya nakikipag-usap pag di nya kilala kahit classmate at teachers namin.. . Kaya Tiger kasi tigre pag nagalit. Pero syempre,ako ang gwapong leader. Taob pa rin yan sa akin. HAHAHAH.
"Di na ko magtataka kung bakit trending at abot sa google ang Master ko..Eh ang mga chicks ba naman laway na laway lagi kay Jyre. Master Jyre..penge naman ng mga da-moves mo ng magawa ko kay Trisha!"-Sic
Si SIC naman..ang pinaka-hopeless romantic sa amin. Bata pa lang kami trip nya na si Trisha..pero hayun,laging basted.
"Kuuh. Wag mo ngang badtripin yang si Jyre. Pare,i-shot na lang natin yang panget mong araw!"-Patrick