Distansya🧍🏻♀️———🧍🏻
Kamusta? Nakakain ka na ba? Anong ginagawa mo? Ilang araw na nga ba ang lumipas mula noong huli nating pag kikita?
Nakakatulog ka ba ng mahimbing? Kahit hindi ako ang iyong katabi? Sana ayos ka lang,kasi ako pinipilit ko.
Pinipilit kong ngumiti sa kabila ng unti-unting pagkain sakin ng lungkot at lumbay, pagkalumbay sa mga tawa mong walang humpay.
Pagkalumbay sa mga init ng iyong yakap at maliliit na halik. Ilang araw na ba? Simula ng hindi tayo magkita, hindi mapag-kakaila na mahal pa rin kita.
Mahal kita, kahit ilang layo ang ating distansya. Mahal kita, kahit sa pag tulog mo at pag gising sa umaga. Mahal kita, at kahit kailan hindi sapat ang distansya para pag taksilan ka.
Mahal kita, dahil kahit konting segundo hindi sumaggi sa isip ko na iwan ka kahit mahirap na. Mahal kita, dahil sa bawat pag tulog ko sa gabi ikaw lagi ang hinihiling na katabi.
Mahal kita, na kahit dagat ang pumaginta sa atin alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang mamahalin. Mahal kita, kahit sobrang hirap tanggapin na kahit gusto kitang yakapin, pawang mga unan lang ang maaaring yapusin.
Kaya mahal, tiwala lang ang nais kong hingin. Pangakong hindi ka bibiguin, ika'y pilit pasasayahin kahit sa pamamagitan lamang nitong mga sulatin. Ika'y pakikiligin, kahit sa telepono nalang pwedeng gawin.
Pangakong walang mag babago at pangakong mapapako. Ikaw at ikaw parin ang gugustuhing piliin sa pag sikat at pag lubog ng araw. Ang pagmamahal ko sa 'yo lamang, kahit distansya pa ang humadlang.
YOU ARE READING
Poems For Broken Souls (Collection of poetry)
PoetryDisclaimer: I am no professional when it comes to using the english language , so please pardon me when you see typos or grammatical errors, and you can also correct me if there's something wrong thank ü!