CHAPTER 1

8 0 1
                                    

A/N: Sorry kung may error or wrong grammar, I'm just a newbie palang naman.

I was wondering kung sinong kumakatok sa baba.

Nandito ako sa cr ng kwarto ko, katatapos ko lang maglinis kaya naligo ako dahil sobrang lagkit na ng katawan ko.

After ko magbihis bumaba na'ko para pagbuksan ng pinto yung kumakatok.

"Wait lang kasi di maka--" laking gulat kong nakita si May na kaibigan ko.

Walang ibang nakakaalam ng bahay ko even my bestfriend kaya ganun na lamang ang gulat ko ng makita siya.

"Hindi mo man lang ba'ko papapasukin?" Basag ni May sa gitna ng katahimikan.

Ayokong may nakakaalam kung saan ako nakatira dahil hindi naman ganoon kagandahan ang bahay ko.

Simple lang na may bubong, pinto at may bintana. Kahit nga refrigerator wala ako.

Lumaki na kasi akong walang mga magulang, simula ng mamatay ang lola ko. Noong high school ako,  nagsikap na'ko para sa sarili ko.

"Oh, simple lang pala ang bahay mo, ikaw lang ba mag-isa?" Tanong saken ni May habang nililibot ang paningin niya sa bahay.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si May dahil sa dami ng pumasok sa isip ko. Hinayaan ko munang bukas ang pinto dahil mainit dito.

"Upo ka muna" ginaya ko siya sa isang bangko. "Oo ako lang mag-isa."

"I see, I have a party tonight sama ka" Pag-aaya saken.

Napangiwi ako sa narinig ko "wala naman akong isusuot sa party mo May" sabi ko.

"Edi sumama ka saken ngayon, problema ba yun? Sagot ko na!" Excited na sabi niya.

She was my bestfriend since graduating ng high school hanggang ngayong college.

She's gorgeous, mabait, mayaman. Ewan ko nga bakit ako pa yung napili niyang kaibigan sa dinami daming magaganda at mayaman na kaklase namin.

Lagi niya kong pinagtatanggol sa mga nambubully saken noong high school kami.

"So ano? Tara na? Tutal nakaligo ka naman na" sabi niya.

"Naku! nakakahiya naman May, marami ka ng naitulong saken pass muna ako diyan" pagtanggi ko sa paanyaya niya.

"Ngayon mo lang ako tinanggihan Ella, may problema ba? Sege na oh! Party ko yun and gusto ko nandun yung bestfreind ko" pagpupumilit niya saken.

"Ok ok fine, sasama na'ko nakakahiya lang kasi gagastusan mo pa ako" nahihiya kong sabi.

"Ano ka ba! wala yun! Magbihis kana dali!" Excited niyang sabi sabay tulak saken papunta sa hagdan.

Nagbihis ako ng simpleng dress na tinernuhan ko ng flat shoes, hindi naman ako maarte pagdating sa pagdadamit.

Bumaba na'ko ng hagdan at nilapitan si May "tara na" sabi ko dito.

"Tara!" Sabay hawak niya saken sa pulsuhan sabay hila palabas.

Nilock ko yung pinto at sumunod na sa paglalakad niya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

"Ikaw lang mag-isa? Buti pinayagan ka ng daddy mo" tanong ko dito.

"Call him tito ok? Ang tagal na nating magkaibigan ni Ella" sabi neto sa aken.

Sumakay na siya ng driver seat at ako naman sa passenger seat.

"Of course, basta pag ikaw kasama ko ok lang kay daddy" sabay tawa neto.

Unintentionally InloveWhere stories live. Discover now