ONE SHOT STORY

2 0 0
                                    

"Jona, ano na? Hindi pa ba tayo aalis?" inip na tanong ni Crissy. Alam kong kanina pa sya naiinip pero kasi.

"Crissy, saglit na lang talaga. Promise." hiling ko sa kanya.

Nandito kami ngayon ng bestfriend kong si Crispina, Crissy for short, sa covered court at nanonood kami ng basketball.

"AT TRES NA NAMAN MULA KAY ZAMORA!" anunsyo ng MC.

"SHET! BES! KA-GWAPO!" sigaw ko kay Crissy habang kinikilig. "GO NO. 5!" dug-
tong ko pa.

"Jona, kanina pa tayo dito e. Malapit na mag-alauna. Tara na! Baka ma-late pa tayo." pagrereklamo niya.

"Ito naman si Crissy ang KJ! Matatapos na naman ito e. Atsaka shet! Bes! Ang daming gwapo dito o." pagpapagaan ko ng loob nya.

Pumayag ka, please! Please!

"No." madiin nyang sabi.

"Cr-"

"No." tanggi nyang muli.

"Fine." pagsuko ko.

"Hays, finally! Makakaalis na rin." saad nya na parang nanalo.

"Yaga mani sya uy." naiinis kong bulong.

"I know." sagot naman nya saka nag-wink.

"Yawa jud diay ka no?" sarkastiko kong sabi. Ganito talaga ako kapag naiinis. Nakakapagbisaya.

"Manahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo." pagsusungit nya.

Agad na pumara si Crissy ng taxi.

Excited umalis 'teh?

Malayo kasi sa University ang Queen's Covered Court. Nang malaman kong maglalaro si Leon, my labs, agad kong hinila si Crissy kasama ko para manuod. And, I can say that 'ANG GWAPO NYA GRABE!'

"Hoy, ano ba? Baba ka ba o hindi? Kanina ka pa nandyan sa loob ng taxi. Yung totoo gusto mo bang bumaba o hindi?" pagtatalak ni Crissy. Hindi ko namalayang dumating na pala kami. Masyadong na-ukopa ng isang Leonardo Zamora ang utak ko.

Padabog akong lumabas sa taxi. Saka sya inirapan. "Kahit kailan bumangera ka pa 'rin ano?"

"Che!"

"Che, ka rin!"

Dali-dali akong pumasok ng classroom. At pasalamat naman akong hindi pa nagsisimula ang klase. Saktong pagkaupo ko ay doon lang dumating ang teacher namin.

"Goodmorning Class." bati ng teacher namin.

"Goodmorning, Sir Ignacio." bati rin namin sa kanya.

"So our to-" naputol ang sinasabi ni Sir Ignacio dahil sa isang katok mula sa pinto.

Nabaling naman ang tingin namin sa pinto. At doon nakita kong pumasok si-

"What is it, Mr. Zamora?" takang tanong ni Sir Ignacio.

Shit. Anong ginagawa niya dito?

"Can I talk to Ms. Gallermo?" paalam nya.

Ha? Ako? Pero, bakit?

"Ms. Gallermo?" pagtawag ni Sir Ignacio sa klase.

"Y-yes, Sir." pagsagot ko naman.

"May naghahanap sa iyo." usal nya.

Alam kong nakatingin ang lahat sa akin ngayon. At kinakabahan ako. Ano kaya ang sasabihin nya?

Nang tuluyan na akong makalabas ay saka ko lamang nakita ang kabuoan ni Leon. Naka-basketball uniform pa sya. Messy hair. At halatang pagod.

"A-ano 'yun? B-bakit mo a-ako p-pinapa-
tawag?" nauutal kong tanong.

Shet! Bakit ganon? Ang gwapo nya pa' rin kahit pawis.

"I told you to finish the game, didn't I?" seryoso at madiin nyang sagot.

"....A-ano k-kasi.." Wala akong makapang sagot. Parang hinihigop ang lakas ko kapag malapit sya sa akin.

"Tsk. Stubborn." bulong nya sa kanyang sarili.

"P-pasensya na." nasabi ko na lang.

"Hey! Jona!" rinig kong tawag ni Brian.

"Uy, ikaw pala." Ngumiti ako pabalik.

Akmang yayakapin nya ako ng hilain ako ni Leon papunta sa kanya.

Isang masamang tingin ang ipinukol nya kay Brian. Umigting ang kanyang panga saka mahigpit akong hinawakan sa baywang. Napangiwi naman ako dahil doon. Mashaket besh.

Ngayon ko lang napansin na nakakaagaw na pala kami ng atensyon.

"Don't even fucking try to fucking touch my wife, Espacio." pagbabanta nya kay Brian.

Napasinghap naman ako.

Nakipagsukatan pa sya ng tingin kay Brian. Naputol lamang ito ng tawagin ako ni Sir Ignacio.

"Ms. Gallermo?"

"It's Mrs. Zamora, Sir." madilim nyang sabi saka ako hinila paalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon