Smile

9 1 0
                                    

One day, I saw someone sa ilalim ng isang malaking puno and she was crying while playing guitar. Her voice is so sad pero ang ganda pa ding pakinggan, bawat bigkas niya sa mga lyrics ng kanta ay ramdam mo talaga yung sakit ng pinagdadaan niya, gusto ko siyang lapitan pero parang napako lang ako sa pwesto ko at hindi makagalaw. Habang nakatayo at nakatingin sa kanya ay hindi ko napansin na natapos na ang kanta at nakatitig na pala siya sa gawi ko and she said weakly, "Hi?" And I just stood there frozen. Her voice is heavenly soft and nice.

Bumalik lang ako ulirat noong biglang may sumigaw. At nakita ko siyang sinisigawan at kinakaladkad ng isang lalaki sa buhok halata mo talaga na nasasaktan siya. Lalapit na sana ako kaso nakita ko siyang umiling noong napalingon siya sa akin, ang tanging huling narinig ko na lang na salita ay "wala ka talagang silbing bata ka! Sabi ko sayo sa bahay ka lang at magsilbi doon at talagang tumakas ka pa." ani ng lalaki. Hindi ko man narinig ang kanyang tugon.

Since that day na nakita ko siya sa ilalim ng malaking puno na iyon ay lagi na kong pumupunta doon at lagi ko siyang nakikita na tumutog ng gitara habang kumakanta. After a week, nagawa ko na siyang kausapin. I approach her first and said "Hi!". Mukang nagulat ko pa nga siya kasi noong mapalingon siya sa gawi ko kita ko iyong mga takot sa mga mata niya, na hindi ko maiwasang magtaka para bang takot na takot siya pero noong nakita niya ko ay para siyang nakahinga ng maluwag.

"Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" ani ko, pero nakatingin lang siya sa akin noong una pero hindi din nagtagal ay sinabi niya din sa akin ang kanyang pangalan. "Angel" at ngumiti siya sa akin ng akala mo nahihiya, "Ako naman si Kristtof" aniya ko. Lumapit ako sa tabi niya ay doon ko nakita ang mga pasa na hindi pa naghihilom. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa at mas pinili na lang na manahimik.

Sa loob nang isang linggo bago ako nagkalakas ng loob na lapitan ay lagi ko siyang nakikita na umiiyak habang kumakanta. Kita mo talagang may pinagdadaan siya pero hindi ko lubos akalain na ganoon kabigat ang dinadala niyang sakit. Dahil simula nang magkausap kami ay nalaman ko na ang ulila na siya at sinasaktan ng kanyang tiyuhin pero hindi ko maiwasan na tanungin kung nasaan na ang kanyang tito dahil simula noong araw na iyon ay hindi ko na ito nakita pang muli. Ang binigkas niya lamang ay ang mga salitang "Wala na" habang umiiyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak at doon siya nagsimulang magkuwento na nagpagulat sa akin dahil never ko siyang tinanong sa kung anong nangyari at bakit siya puro sugat at pasa, habang nagkukwento siya doon ko lang na-realize kung gaano kabigat iyong mga pinagdaanan niya pero nagagawa pa din niyang ngumiti sa kabila ng lahat.

Pero hindi ko inaasahan na dadarating sa punto na isang araw ay hindi ko siya makikita sa ilalim ng punong iyon. Araw-araw akong pumupunta sa malaking puno sa kung saan ko siya unang nakita pero lagi akong bigong umuuwi ng bahay hanggang sa umabot ng ilang taon at nakapagtapos na ko ng kolehiyo. Habang papauwi ako galing trabaho ay hindi ko maiwasang mapatingin sa malaking puno na iyon at mapahinto parang akong naging isang yelo habang nakatingin at inaaninag kung siya nga ba talaga iyon ng bigla itong humarap at ngumiti.

"Hi" She said shyly; habang ako ay nakatingin lamang sa kanya. She clapped in front of me na nagpabigla sa akin. "Kamusta ka?" she asked, gusto ko siyang tanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala pero walang lumalabas sa mga bibig ko na salita. "Kamusta ka?" saad nito ulit. Sa pagkakataon na iyon ay nasagot ko na siya "I'm fine, ikaw?" saad ko naman. Kung titignan siya ngayon ay ibang iba na siya sa huli kong kita sa kanya na puno ng lukot at puro pasa't sugat noon.

"Sorry" saad ni Angel, na nagpagulat sa akin. "Kristtof sorry and thank you." Dugtong pa niya.

"Bakit?" tanong ko naman na naguguluhan sakanya, and what she said shocked me.






"Gusto kong lang magpaalam sayo, lagi kitang nakikita na bumabalik dito pero kapag hindi mo ko nakikita umaalis ka na may lungkot sa iyong mata kaya nagsosorry ako sayo kasi ako ang dahilan ng mga emosyon na iyon, hindi ko man intensyon pero sorry pa din. Noong mga panahon na iyon papunta na ko ulit dito para maupo at makipagusap sayo pero may aksidenteng nangyari at nahagip ako ng isang sasakyan at hindi na ako umabot sa hospital, dead on arrival. Nagpapasalamat pa din ako na nakilala kita dahil sayo nakayanan ko sa bawat pag-uusap natin at sa bawat comfort words mo ay nakakayanan kong ngumiti sa kabila ng lahat, kaya salamat. Sana kung sakali man na magkita tayong muli ay makita ko iyong mga ngiti mong puno ng sigla at pagmamahal. Salamat at paalam kaibigan". Saad niya habang may mga ngiti sa kanyang mga labi.


Hindi ko alam kung ano mararamdaman, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa mukha niyang may ngiti habang unti unting nawawala sa himpapawid but I still manage to say, "Next time, in our next life I want to see you smile happily and contented. Paalam kaibigan. Paalam aking Anghel".



//> Hi guys! 👋🏻 It's been a long time! Kamusta kayo? I hope na okay lang kayo. ☺ Let's stay at home okay? Sana supportan niyo to. Maybe I write new one shot story or a full one if may new ideas na magclick sa mind ko. Hahaha. Ingat kayo parati. <\\




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel's SmileWhere stories live. Discover now