42

55 3 2
                                    

Woobin's POV

"Bat ka nandito?" tanong ko kay Yna.


"Pinapunta nila ako dito eh." sabi lang niya.


" Umalis ka na." sabi ko at binaling ang atensiyon ko sa iba.


"Woobin. Please, nagmamakaawa ako magusap muna tayo." pagmamakaawa niya. Napabuntong hininga nalang ako.


"Ano bang gusto mong sabihin?" tanong ko sakanya.


"Woobin, mahal parin kita." sabi niya. Tinitigan ko lang siya.


"HA!" medyo pasigaw na sabi ko. Napatingin yung iba sa amin. Nakatayo lang siya sa harapan ko.


"Ang desperada naman ni ate"

"Mukhang nagmamakaawa na balikan"

"Diba siya yung nanloko?"

"Kaya nga eh. eww."

Nakita ko si Yna na nagpipigil ng iyak. Hinila ko na siya at pumunta sa medyo malayo sa mga tao.


"Kung mahal mo ako, bakit mo nagawa yun?" tanong ko.


"Sorry woobin. Sorry. Babawi ako." sabi niya at umiyak na.


TeKA PARANG AKO NA YUNG MAY KASALANAN HA


"Wag ka ngang umiyak." sabi ko sakanya.


"Kung talagang mahal mo ako, patunayan mo." sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita siya.


"Paano?" tanong niya.


"Ewan ko sayo." sabi ko at tuluyan na siyang iniwan kung nasan siya.


alam ko • woobinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon