60

82 4 4
                                        

Woobin's POV

Nandito kaming lahat sa rooftop ng school. Naguusap usap kami kung paano nila mapapapayag si Yna na pumunta dito kasi sabado ngayon.


"Nasabi ko naman na kay Yna na may pupuntahan kami. Pero di niya alam na dito." sabi ni Hera.


"Hyung, okay ka lang ba?" tanong ni minhee sa akin at napatingin silang lahat.


"Okay lang. Medyo kinakahan ako." sagot ko kay minghee.


"Sigurado ka bang kaya mo ngayon?" tanong ni Jungmo.


"Oo. Bago matapos ang araw, kami na ulit." sabi ko at naghiyawan silang lahat.


"Nakooo, pag di siya pumayag tatawanan talaga kita." sabi ni wonjin at tinawanan ko nalang.


"O siya. Kukunin ko na si Yna." paalam ni Hera na kasama ni Chloe.


Nagusap usap lang kami dito nang may tumawag kay faye.


"Hello?..... Papunta na kayo?...... Sige. Ingat." rinig namin.


"Guys magtago na tayo. Woobin, goodluck." sabi ni serim hyung at nagtago na sila.


Ilang minuto ang lumipas, narinig ko na ang boses nila.


"Hoy anong ginagawa natin dito sa rooftop!" sigaw ni yna. Siguro di pa niya ako napapansin.


"Byeeee!" paalam nung dalawa sakanya at tumakbo papunta sa pintuan galing sa baba at nilock iyon.


"Potangina naman eh. Bat ba nila ako iniw-" hindi na natuloy ni Yna ang sasabihin niya dahil nakita na niya ako.


"Hello!" sabi ko at ngumiti nang todo. Pero tinalikuran lang ako.


Kinuha ko na yung oportunidad at lumapit sakanya at niyakap.


"A-anong ginagawa mo?" sabi niya na nagpupumilit bumitaw.


"Niyayakap ka." sabi ko naman.


"H-ha? P-Pero bakit?" nauutal na tanong niya.


"Sa tingin mo?" tanong ko.


"Akala ko ba tigil na? Bat mo ginagawa ito?" sabi niya sa akin.


"Oo nga, gusto kong tumigil ka na. Kasi ako naman." sabi ko.

"Yna, sa mga nagdaang buwan at araw, hinding hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo. Hindi ako galit. Hindi ako nagalit. Nasaktan lang ako sa mga ginawa mo pero hinding hindi ako nagtanim ng galit sayo." Pag kasabi kong iyon, hinarap ko na siya sa akin.


"Yna, alam kong nagkamali ka pero may pagkakamali rin ako noon. Nagbago nga yung ugali, pero yung nararamdaman, hindi. Yna, sa pangalawang pagkakataon, gusto kong itama ang lahat. Gusto kong bumawi kung ano man ang nagkulang noon." sabi ko sakanya at nakatitig lang sa kanyang mga mata.


"Woobin, salamat. Salamat kasi kahit na ang laki laki ng kasalanang nagawa ko sayo, tinatanggap mo parin ako. Ako pa rin yung mahal at gusto mo. Woobin, hindi ko na alam kung mawawala ka pa sa akin Sobrang thankful ako sayo woobin kasi sa kabila ng lahat, pinipili mo parin ako at ngayon pinili mo parin ako." sabi niya sa akin at naiiyak na siya.


"Wala sa kaliit ko kalaking kasalanan yan. Mahal kita Yna. At kasama na sa pagmamahal ang pagpapatawad. Mahal na mahal kita Yna. Mahal na mahal." sabi ko sakanya at hinalikan ang noo niya.


"Mahal na mahal kita, Woobin. Hinding hindi magbabago." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.


"SANA ALL!!!!" Sigaw nilang lahat at nagulat kaming dalawa ni yna. Pero mas nagulat siya. Hahaha.


"Ha?! BAT NANDITO KAYO?!" tanong ni yna sakanila.


"NARINIG NIYO LAHAT NG MGA SINABI NAMIN?!" tanong ulit niya at tumango silang lahat.


"Nakakakilig nga eh!!" sabi ni hera na pumasok na.


"SANA ALL MAY WOOBIN!!!!" sigaw ni chloe.


"Ngina mo chloe nandiyan na nga yung gusto mo." sabi ni yna at tumawa.


"Tangina mo. Tawa tawa ka pa jan allen, gusto mo bang sabihin ko sakanila yung laman ng journal mo!?" sabi ni chloe. Nabigla namam kami sa sinabi niya. Allen?


"Gago ka talaga chloe. Pakialamera." sabi ni allen.


"Hays buti pa tong dalawang to, magjowa na." sabi ni isabelle.


"kaya nga eh. Mapapasana all ka nalang." sabi ni seongmin.


"Kaw talaga. Plano mo to no?" sabi ni yna sa akin.


"Hahaha. Oo. Pero hindi sana ngayon mangyayari to pero may sinabi sina hera sa akin." sabi ko sakanya.


"Ano yung sinabi nila?"


"Marupok ka raw." sabi ko na narinig nilang lahat. Nakita ko na tinignan lang ni yna ng masama sina hera at natawa nalang sila.


"Alam ko namang sakin ka lang marupok eh." sabi ko sakanya at ngumiti lang siya.

"Alam ko rin namang gustong gusto mo ako." sabi rin niya.

"Alam ko rin na magiging tayo ulit." sabi ko at niyakap siya. Sobrang saya ko.


Dear ssz,

Ang saya saya ko ngayong araw na ito. Naging kami ulit ng taong gustong gusto ko.

- wOObin

THE END

alam ko • woobinMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon