1. Ebolusyon

67 4 2
                                    

LUMAKI tayu sa paniniwalang may Diyos, naging bahagi sa atin at karaniwan ang kwento nila Adan at Eba, ang ahas at ang pinababawal na prutas mula sa puno ng kaalaman. Ang kwento nila Moises na siyang humiwa sa dagat upang makadaan ang kanyang mga tagasunod mula sa mga humahabol na mga ehipto, ang kwento nila Abraham at David at ilang nakakamangha't dakilang mga apostol na siyang nagpapatunay na may Diyos.

Sa lahat ng mga ito wala nang mas hihigit pa sa kwento ng isang anak ng diyos na nagkatwang tao, eto ang siyang pinaniwalaang messiah o tagapagtubos o tagapaligtas, walang iba kundi si Hesus. Ibinahagi ang mabuting balita,nagpakita ng mga himala,bumuhay ng patay, ipinako sa krus, namatay at pagkalipas ng 3 araw ay muling namuhay at nagpakita sa kanyang mga saksi at nangakong muling babalik sa mundong ito.

Mula ng mangyari ang kanyang pagpanig sa langit ay kumalat na ang kanyang mga salita ibat ibang bahagi ng mundo, naging pinakamalaking relihiyon at nagkaroon ng ibat ibang bersiyon mula nuon, naghalo ang nakasanayang paniniwala, naging kasangkapan ito upang manakop ng lupain, mapasunod ang mga mangmang, makakuha ng kapangyarihan, naging simbolo ng tagumpay at tila naging ehemplo ng isang patakaran upang mapasunod ang lahat ng nasa ilalim nito. Ang kanyang pangako nang muling pagbabalik ay tila hindi na natupad magpasa-hanggang ngayon.

Namuhay ang ibat ibang paniniwala bago pa man sila moises at david, nagkaroon ng kalituhan sa mga aral at ibat ibang diyos ngunit ang lahat ng ito ay nagpapakita lang na may Diyos na higit na nilalang sa tao at ang paniniwalang ito ang siyang tila ugat sa lahat ng taong naniniwala sa hindi nakikita, kundi pinaiiral ang PANANAMPALATAYA na siyang bumubuhay sa isip at damdamin ng tao na may diyos.

Sa isang sulok ng sangkatauhan,umusbong dito ang siyensya, dito nagsimulang magsaliksik ang mga tao sa mga bagay-bagay sa mundo.

Nagsimula ito sa pagtataka bakit ganito at bakit ganuon, nagawa ng taong aralin ang mga bagay-bagay at bigyan ng mga pagsubok at dun nagsimula ang eksperimento. Sa pamamagitan nito, lumitaw ang mga kasagutan sa mga bagay na may tanong, dito na umusbong ang mga pinagmulan, dahilan at resulta ng mga kakaibang pangyayari na nasa ilalim ng kanilang eksperimento.

Nagawa ng taong maipaliwanag kung bakit nga ba sumasabog ang bulkan, bakit may araw at gabi, bakit may hangin, bakit bilog ang mundo, bakit namumuhay ang mga mikrobiyo, selula, bakit nagkakasakit ang mga tao, bakit umaandar ang isang sasakyan, paano tayo mas nagiging higit pa sa ilang mga bagay at maging magaling sa mga ito.

Nagawa din ng taong lumikha ng iba't ibang mga kamanghang manghang bagay gaya ng pagkakaroon ng mga lumilipad na transportasyon, mga sasakyang pangkalawakan mga teleponong pangkomunikasyon at instrumentong nakakapag salin sa wikang iyong alam maging wikang galing sa dayuhang kalawakan, mga telebisyon, mga kagamitan sa bahay at trabaho, mga sandatang nukleyar, mga gamot at pagpatay sa iba't ibang uri ng malulubhang karamdaman ng tao.

Dito namuhay sa mga panahong ito ang mga taong katulad ni Doctor Jay Sarmuela, isang Doktor sa medisina, Neuro Surgeon at isang Siyentipiko.
Sa kanyang panahon, ang mundo ay iba na, hindi ito nasira gaya ng inaasahan nuon sa tinatawag na global warming at plastic era at maging sa banta ng Digmaang pandaigdig. Ito ay nahanapan ng sagot at solusyon ng mga tao, nagawa ng mga kalolo lolohan ni Jay na muling maayus ang daigdig sa pamamagitan ng pagpupunla ng isang kakaibang mikrobyong makikita sa mga halaman sa kagubatan ng amazon,dito ipinunla at ikinalat sa langit upang makuha ng hangin at unti-unti ay maging hamog na siyang tumakip sa malaking butas ng ating ozone layer, at pumatay sa mga maruruming carbon monoxide na binubuga ng mga usok mula sa mga malalaking pabrika sa mundo, pinapalitan ng tubig-ulang masustansiya na siyang nagbigay lusog sa mga lupa ng daigdig.

Nakontrol ng tao ang mga basura ng plastik ng magawa ng taong itapon ang mga ito sa kalapit na planeta na tila naging planet dumpsite at nareresekulo upang lalong maging kapaki-pakinabang.

Nagawa ring mapigilan ang banta ng digmaan dahil sa pagkakasundo ng mga tao mula sa pagkakaiba iba ng ideyolismo, at uri ng pamahalaan, nagkaroon ng maayos na pagkakaunawaan at iisang paniniwala sa pagpapatuloy lamang ng buhay sa tulong siyensiya. Ang sakit ng ulo ng terorismo ay naging alamat at kasaysayan na lamang dahil sa pagiging liberal ng tao at tumanggap sa lahat ng mga paniniwala dahil naging madalang na lamang ang mga naniniwala sa mga relihiyon sa mga panahong ito. Naging panahon ito ng Atheist Era at tila mabibilang mo nalang ang naniniwala sa may likha ng lahat.

Nang mapuntahan ng tao ang ilang planeta sa paligid ng mundo at ang Alpha Centauri na naging tirahan narin ng mga tao, naging lalong madali ang pamumuhay ng mga tao, nagkaroon ng ilang pagsubok upang marating ito, mahirap pero napagtagumpayan parin at nakapagpadala tayu ng mga tao duon at namuhay gaya ng nasa daigdig. Nagawa ng taong makabiyahe sa Alpha Centauri sa loob at bilis ng 1,500 light years o mababa sa isandaang taon ang distansiya mula sa daigdig. Nagawa ng tao paigsiin ang byahe di kalaunan nagagawa na ito sa loob lang ng 30 taon habang namumuhay ng normal at sakay ng isang malaking sasakyan na kapareho ng daigdig ang loob nito, umaandar ang panahon habang normal na namumuhay ang mga nasa loob ng sasakyan na ito ang nga tao.

Sa mga bagong planetang natirhan ng tao ay natuklasan ang mga walang hanggang langis at nagawa nilang magkaisa upang maghati hati sa langis na nakukuha nila mula rito. Taong 40,000 ay nahabol at nagawang makupkop muli ng World Space Aeronautic Administration WSAA o dating NASA ang voyager Sattelite na naglakbay sa malawak na kalawakan gamit ang ilang pang misyong sasakyang pangkalawakan at nagawa nila itong makuha sa Red Dwarf Star o ang Gliese 581 at inilagay sa isang museo bilang bahagi ng tagumpay ng tao sa pag aaral sa kalawakan.

Nagawa ng tao makontrol ang tinatawag na black hole, nasira ang paniniwala ng mga unang siyentipiko ukol dito na ito raw ay hihigop sayo at ikaw ay mamamatay, o ikaw ay dadalhin sa ibang dimensiyon gaya ng unang pelikulang pinalabas nuon na " Interstellar" ni Christopher Nolan. Nang marating ng tao ang black hole,wala itong pinagkaiba sa ibang uri ng mga buhay sa planeta na naninirahan sa kalawakan, isa lang itong bahagi ng ilan pang gumagalaw sa milky way, na di kalaunan ay nagawa ng tao na makatawid dito ng mas mabilis pa sa liwanag upang makarating sa kabilang dulo nito na di kalaunan ay naging perpektong turismo ng mga tao na makalakbay dito.

Ang mga tao ay Nakakapaglakbay sa ibat ibang planeta at di nagtagal nakatuklas ng ibang dayuhang buhay at ilang dayuhang nilalang ng kalawakan, pero wala ng humigit pa sa karunungang taglay ng tao kaya nakontrol natin ang mga ito at naging bahagi ng buhay at pag aaral ng mga tao sa mga sumunod pang panahon. Naimbento rin ng mga tao partikular si Doctor Jay ang mga gamot na papapatay sa ibat ibang uri ng kanser, at bakuna sa mga tao upang di na tamaan ng sakit na ito. Nakagawa din ang tao ng mga gamot na siyang kikitil sa HIV o aids at ang mga dakilang virus na naging tanyag nuon sa kasaysayan ng sangkatauhan. Namuhay ang tao sa mga panahong sickless, humaba pa ng mahigit 50 taon ang life span ng mga tao, nagawa nilang palakasin ang immune system nito at pataasin ang kalidad ng isip at talino ng tao,wala nang mangmang, nasa sinapupunan palang ang isang sanggol ay nililikha na sa kanya ang mga molekulang nagbibigay sa kanya ng kalalakasan ng katawan at isipan. Naging mataas na antas na ang mga tao nung panahon na ito, Nawala ang problema sa pera, wala ng nagugutom, wala ng mahirap at ang lahat ay organisado na.

Sa buhay at takbo ng mundo at sa mga kakaibang tuklas ay nawala unti unti ang paniniwala ng tao ukol sa diyos, sa kanilang sulok ng isipan, nanaig sa isipan ng tao na lahat ay base sa siyensiya at lahat ay galing at nagmula sa agham.

Sa Dulo ng LumikhaWhere stories live. Discover now