2. Alinlangan

8 1 0
                                    

Ang paniniwalang may lumikha o Diyos ay tila naging alamat na lamang, ang pagkakaroon ng buhay ay nagmula sa aksidenteng pagkakasama-sama ng mga selula, at ibat-ibang kompositong kemikal na siyang nagkaroon ng reaksyon at lumikha ng isang munting buhay at nagbigay pa ng isa pang reaksiyon na siya muling nagbigay ng iba pang uri ng buhay. At ang buhay na yun ay nagbago-bago at nag evolve ng bilyong taon hanggang sa malikha ang mga tao sa mundong ito.

Minsan ng pinagdebatehan ang katotohanan sa Diyos, ito raw ay gawa lamang din ng tao dahil sa hindi natin alam kung saan tayu nagsimula kaya gumawa ang tao ng kwento na siyang titigil sa ating kuryusidad kung bakit at saan nga ba nagmula ang buhay sa kalawakan? Naging takbuhan ito ng ating mga hinaing, tila kinakausap ang sarili upang sagutin ang sarili, ang mga pangyayari sa buhay ng tao ay tila nagkataon lang at binibigyan ng tao ng kahulugan depende sa gusto niyang ibigay o nakikita o sa sitwasyong naruon sa pagkakataon na yun. Pero nanatili si Doctor Jay at ang kanyang ilang piling kasamahan sa katotohanan ng Diyos.

Habang nakatanaw sa walang hanggang kalawakan habang sakay ng isang malaking sasakyan na pinangalanang "Pablo", nagsalita siya sa kanyang kasamahang crew ukol dito habang nagmamando sa sasakyan,

" Naghihintay lang siya sa kung saan sa kalawakan engineer." sabay tingin sa kasama at may konting ngiti..

" kung naririnig niya tayo,sana, wag na niya tayung pahirapan pa.." - sagot ng kaibigang ehinyero.

" hindi na nahihirapan ang tao ngayon kaibigan, sa ngayon wala ng imposible para sa gaya natin.- wika niya habang kapwa sila nakatanaw sa magagandang harmonya ng mga bituin sa isang di kalayuang konstelasyon.

Lumaking normal na Doktor si Jay, walang kakaiba o espesyal sa kanya bilang namumuhay na tao sa mundo. Kaisa-isang anak ng isang Babaeng Guro sa isang Unibersidad at Anak ng isang Lalaking siyentipiko ng mga halaman o bilang isang Botanist.

Namatay ang kanyang ina habang siya ay pinapanganak, naging tanong sa kanyang isipan kung bakit nawala ang isang buhay kapalit ng isang buhay at madalas sabihin sa kanya ng ama na, kailangang mabuhay sa mundo at bigyan ito ng halaga upang di masayang ang buhay ng aking ina. Di nagtagal namatay naman ang kanyang ama sa sakit na kanser sa utak, 14 na taon palang siya noon.

Sa kwarto ng kanyang ama kung saan naganap ang huling sandali ng kanilang pagsasama sa buhay na kanilang kinatatayuan, habang nakaratay ito at siya'y nakaupo sa gilid at hawak ang isang kamay nilalasap ni Jay ang bawat sandali sa piling ng ama. Di gaanong maliwanag sa silid, may nakausling kurtina na siyang nagbibigay ng konting liwanag na tumatama sa kanilang kamay...

Nakatingin si jay habang hinahaplos ang noo at buhok nito. Dinig ang hininga ng amang nakaswero ang bibig na siyang nagbibigay ng konting ingay sa loob ng silid. Umunat ang ulo nito at tumingin sa anak,

" Minsan ko na ring tinanong sa diyos bakit niya kinuha ang iyong Ina at kung ano ang dahilan anak...sa totoo lang, hanggang ngayun hindi ko alam ano ang dahilan bakit kinuha sa atin ang iyong ina, kung dahil lang ba sa mahina ang kanyang katawan, o may pagkukulang sa ospital at ang nga doktor...hinanap ko mula noon... pinagmasdan ko sa buhay na dumaan sa atin....wala akong nakita,wala akong natuklasan,wala akong nahanap kundi tanong parin ang naiwan...ngayon, gusto ko ulit itanong sa diyos, anu naman po ang dahilan bakit niya ako kukunin sayo ngayon, ano ang dahilan?....oh di kaya'y ang tanong na ito ay magiging tanong mo narin sa kanya pagkatapos nito...oh magiging tanong na lamang magpakailanman na walang magbibigay halaga maging sa iyo dahil wala naman talagang magiging sagot...anak...."

Hindi kumibo si Jay, naisip niya na minsan ang tao, nawawala ang pananampalataya sa oras ng nawawalan na ng pag asa o kukunin na siya ng kamatayan o wala ng makakapitan. Binalik ng kanyang ama ang tingin sa kisame, nagbuntong hininga ito at muling nagwika,

" Kapag nakaharap ko siya anak, sasabihin ko sa kanya kung gaano ka katalino at hindi natitinag sa paniniwala sa kanya, at kung hindi ko man siya makita dahil sa wala talagang diyos, hayaan mong ikaw narin ang tumuklas sa kung saan, sa kung saan man sa walang kamatayan at hangganang kalawakan, hanapin mo oh kung di man, panatilihin na lamang ang paniniwalang ito hanggang sa mapagod ang mga naniniwala. Mapagod ang tanong hindi dahil sa walang gustong sumagot..kundi dahil baka ay wala talagang sagot...kagaya ko... marahil hindi pa siya handa muling makita ang kanyang mga nilikha..oh marahil..wala talagang lumikha....anak..."

Dahan-dahan pumikit ang kanyang ama at ilang saglit lang ay tumunog ang makina sa tabi nito, isa itong unawa na wala na ang kanyang ama, napayuko siya sa kamay nito at umiyak na parang sanggol at ipinalangin sa panginoon ang kaluluwa ng ama. Kasabay ng tagpong ito ang pagbaba ng sinag ng araw sa kanilang bintana at naiwan ang mag-amang nagsasalo sa kalungkutan ng kwartong iyon.

Ilang taon ang lumipas mula ng namatay ang kanyang ama, Nag aral sa medisina at Siyensiya at nagpakabihasa sa larangang ito, di nagtagal ay natuklasan ni Doctor Jay ang gamot na siyang papaslang sa lahat ng uri ng kanser. Tulad ng kanser sa utak na ikinamatay ng kanyang Ama. Dito siya naging tanyag at nagka pangalan sa mundo ng medisina at siyensiya.

Sa isang talumpati upang bigyan ng halaga ang parangal na iginawad sa kanya ng mga prominenteng samahan ng mga ospital sa larangan ng medisina at siyensiya sa mundo at kalawakan, una niyang pinasalamatan ang Diyos sa tagumpay ng kanyang nagawa na nagbigay ng kaunting di kaaya-ayang reaksyon sa mga taong naroon sa kapulungan, mga ngumingisi, natatawa at tila mga dismayado sa kanilang narinig. Sa kabila ng ganoong kapaligiran ay nagpatuloy lamang siya sa kanyang talumpati at inihayag ang pagkakalikha ng gamot.

Isa siya sa iilang tao sa kalawakan na naniniwala parin na may Diyos sa kabila ng mga naabot ng tao. Habang nakaharap sa puntod ng kanyang ama na nakahimlay sa kabundukan ng Alps na dina mahirap marating ng tao. Inilapag niya ang pirasong papel na kumikilala sa kanya bilang isang dakilang tao ng kasaysayan sa pagkakalikha ng gamot na tumapos sa sakit na kanser.

Dito humingi siya ng tawad sa Ama dahil hindi sumapat ang panahon upang mailigtas niya ito gayong nagawa niya ang naturang gamot, sa puntong ito siya ay nagpaalam at sa huling pagkakataon upang maglakbay sa pinakapusod ng kalawakan upang hanapin ang pinaniniwalaang Diyos. At wasakin ang matagal nang alinlangan na namamahay sa kanyang kaluluwa.
Sa pagkakatindig niya sa puntod na yaon ay tumingala siya sa at natanaw ang malawak na kalangitan at nilasap ni Jay ang hangin na nagmumula dito, isang malinis at masustansiyang hangin na di narin kailanman ma iimpeksyon ng kahit anong bagay na pwedeng pumatay ng tao o anumang buhay....kung nagawa ito ng tao, bakit naman hindi ito nagawang perpekto ng Diyos, kung mayroon nga na diyos.

Sa Dulo ng LumikhaWhere stories live. Discover now