Four Seasons of Love

18 1 0
                                    

Heto na naman ako upang dulugan ang pagtawag ng panulat ko.

Ang panulat ko na uhaw magkwento.

Ang panulat ko na walang ibang magawa kundi ang banggitin ka. Alalahanin ka.

Oo ikaw.

Ikaw na nakalimot.

Ikaw na nagsawa.

Ikaw na nang-iwan.



TAGSIBOL

Ikaw at Ako.

Nagtanim ng "Gusto kita."

Dinilig ng "Oo."

At sumibol ang "Mahal kita."


TAG-INIT

Tayo.

Ginising ng liwanag at init ng araw

Tulog na damdamin tuluyang napukaw

Bawat ugat ay sabik, pumipitik sa pagkauhaw


TAGLAGAS

Nagbago.

Tulad ng isang puno sa panahon ng taglagas

Mga araw na masasaya'y isa-isang lumipas

Tila nagbabadya... dito ba magwawakas?


TAGLAMIG

Bakit?

Akin bang napabayaan?

Hindi ko ba naalagaan?


Yun pala...

Yung akala mong napabayaan,

Nasa iba na palang taniman.

At yung sinabi mong di mo naalagaan,

mayron na palang IBANG dinidiligan.


May mga pagmamahalang nakasabay sa sikulo. Ngunit ang sa atin ay sadyang natapos.

DAHIL NAKALIMOT KA. NAGSAWA. NANG-IWAN.

 NANG-IWAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Four Seasons of Love  (Tula #23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon