Heto na naman ako upang dulugan ang pagtawag ng panulat ko.
Ang panulat ko na uhaw magkwento.
Ang panulat ko na walang ibang magawa kundi ang banggitin ka. Alalahanin ka.
Oo ikaw.
Ikaw na nakalimot.
Ikaw na nagsawa.
Ikaw na nang-iwan.
TAGSIBOL
Ikaw at Ako.
Nagtanim ng "Gusto kita."
Dinilig ng "Oo."
At sumibol ang "Mahal kita."
TAG-INIT
Tayo.
Ginising ng liwanag at init ng araw
Tulog na damdamin tuluyang napukaw
Bawat ugat ay sabik, pumipitik sa pagkauhaw
TAGLAGAS
Nagbago.
Tulad ng isang puno sa panahon ng taglagas
Mga araw na masasaya'y isa-isang lumipas
Tila nagbabadya... dito ba magwawakas?
TAGLAMIG
Bakit?
Akin bang napabayaan?
Hindi ko ba naalagaan?
Yun pala...
Yung akala mong napabayaan,
Nasa iba na palang taniman.
At yung sinabi mong di mo naalagaan,
mayron na palang IBANG dinidiligan.
May mga pagmamahalang nakasabay sa sikulo. Ngunit ang sa atin ay sadyang natapos.
DAHIL NAKALIMOT KA. NAGSAWA. NANG-IWAN.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of Love (Tula #23)
PoetryHeto na naman ako upang dulugan ang pagtawag ng panulat ko. Ang panulat ko na uhaw magkwento. Ang panulat ko na walang ibang magawa kundi ang banggitin ka. Alalahanin ka. Oo ikaw. Ikaw na nakalimot. Ikaw na nagsawa. Ikaw na nang-iwan. - cindie L. -