Ang Haiku ay nilikha noong ika-15 siglo. Itinuturing na pinakatanyag dahil sa maikling anyo nito ay nararapat na naipahayag na ng manunula ang kanyang ideya. Ang katangian nito ay ang pagiging payak subalit mayaman sa mensahe na gustong iparating ng manunulat sa mga mambabasa. May labimpitong pantig ito na nahahati sa tatlong linya o taludtod o nasa ayos na 5-7-5. Mula sa kalikasan ang karaniwang paksa nito.
Si Matsuo Basho ang pinakatanyag sa pagsulat ng haiku. Siya ay isang sikat na manunulat. Utang sa kanya ang paglikha ng haiku bilang isang sining pampanitikan noong panahon ng Edo sa kasaysayan ng Hapon.