Kylie's POV
"Tama na kylie, pagod na pagod nako. Hindi kaba nagsasawa? " sabi ni angelo
"Angelo hindi ako magsasawang mahalin ka, bakit ganto? ano bang nagawa ko?" sagot ko
"Mahirap bang intindihin yon? Hindi na kita mahal! May iba nakong mahal! " sagot nya
"Ganto ba ang gusto mo? Sige, malaya kana! Pero wag na wag mo nakong guguluhin kahit kailan!" sagot ko
Tumakbo lang ako ng tumakbo papalayo sakanya, di ko alam kung san ako dadalin ng mga paa ko. Ayos, sumabay pa ang malakas na ulan kasabay ng pag bagsak ng aking mga luha.
Mapait akong napangiti habang inaalala ang gabing naging bangungot na sa buhay ko.
Kinuha ko ang aking gitara at tinipa ito.
You make me smile
By: Justin Vasquez"You make me smile take away all my fears,
You hold me real close,
When you wipe my tears,
You love me for me and I'm thankful to have you with me,
Soon enough girl I'mma give you everything,
I'll get on one knee and I'll give you this ring,
It's symbolizes our love it's you and me for Eternity"
CHORUS:
"You are my rainbow after the rain,
You are my medicine after the pain,
Hold me close, don't let go and stay with me,
And stay with me ..... "
Di ko namalayan na bumagsak na pala ang luha sa mata ko, hinayaan ko lang to umagos hanggang sa mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
At ng tumigil na ito, naisipan kong mag bowling. Naisip kong matagal na din ng huli akong nag bowling.
Palabas nako ng kwarto ng marinig ko si Mommy at Daddy na magkaaway nanaman.
Sinilip ko sila sa pintuan at nakinig kung anong dahilan ng kanilang pag aaway.
"Tama na Richard! Sawang sawa nako sa panloloko mo!! Akala ko ba tinigilan mo na ito! Pinatawad pa kita tapos lolokohin mo lang ako ulit?" sabi ni mommy
"Hindi kita niloloko kim, maniwala ka naman sana saken! Ikaw lang ang mahal ko" sagot ni daddy
"Hindi mo nako maloloko richard! umalis ka sa pamamahay ko! Layas!!"
"Kim, mahal na mahal kita hindi kita niloloko. Pakinggan mo naman ako"
"Hindi mo nako madadaan sa mga matatamis mong salita umalis kana bago pako tumawag ng guard!"
At naramdaman kong palabas na si daddy kung kaya't tumakbo ako pabalik saking kwarto at hinintay syang makaalis bago puntahan si mommy.
"Mom? Hope you're okay? "
Agad ko syang niyakap at yumakap naman sya pabalik. Hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog siya.
Pinagmasdan ko muna siya habang natutulog, at pinunasan ang natirang patak ng luha galing sa kanyang mata.
"Mom, magiging okay din ang lahat. Ewan ko ba mom, hindi naman tayo panget. Pero bakit lagi tayong niloloko" sabay tawa ng mahina.
Naisipan ko nalang matulog dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Di ko alam kung kakayanin ko paba to.
Hanggang sa nakatulog nako sa kakaisip.
YOU ARE READING
I wish I can be better
Krótkie OpowiadaniaFirst time kong gumawa ng story! hope you like it ♥️ Send me motivation to continue this story! Godbless you all!! Mwaaa 😘♥️