C H A P T E R 1

12 1 0
                                    

• Zephyrine •

"I'm Zephyrine Talia Gutierrez," sabi ko nung turn ko na para magpakilala.

Nagtaka naman bigla yung teacher nung tiningnan niya ko. Mukhang alam ko na yung sasabihin nito.

"Natural po yung buhok ko. Di ko rin po alam kung pano to naging blue pero kahit baligtarin mo po ang mundo, ganito na talaga siya," sabay ngiti ko dun sa teacher.

Tumango-tango naman siya tapos inalis na sa'kin yung tingin niya. Nagtawag pa siya ng mga estudyante na magpapakilala.

Nagulat naman ako nung may kumalabit sa'kin. Pagtingin ko, yung transferee.

"San ka nagpa bleach ng hair? Wow, mukhang natural, ang lambot," sabi niya habang hinahaplos yung buhok. Napataas yung kilay ko sa sinabi niya.

"Natural nga iyang buhok ko hindi mo ba narinig," nginitian ko nalang siya kahit na gusto ko na siyang sunugin.

Mukhang inosente yung mata niya habang nakatingin sa buhok ko. Pakain ko sa'yo to e.

"Really? Omo ang ganda! Sana naging ganto rin yung buhok ko," sagot naman niya sabay pout. Hinahaplos pa rin niya yung buhok ko kaya nainis na ko.

Hinablot ko yung buhok ko na hawak hawak pa rin niya. Ngitian ko siya ng peke bago tinuon yung pansin ko sa teacher.

Hindi ko alam kung nagkamali lang ako pero nakita ko sa peripheral vision ko na inismiran niya ko.

After 2 classes, nagbreak time na.

"Miks, bababa ka ba?" tanong ko kay Mika habang nag iinat.

"'Di ko rin alam e tinatamad ako bumaba ang daming tao," sagot niya habang nakasubsob yung mukha sa table.

"Tara baba tayo. Nakita ko yung crush mo bumaba," sabi ko habang nililigpit yung mga gamit ko. Nung titingnan ko na si Mika, nagulat ako nakaayos na siya at ready na para bumaba.

"Bilisan mo nga Phyre, nagugutom na ko," sabi niya habang umiirap irap pa.

Napailing nalang ako. Basta usapang crush mabilis talaga.

Sa mga school, siyempre hindi nawawalan ng mean girls. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo nakatira, may makakasalubong ka talagang mean girls sa school mo.

"Look who's here! It's the faker," sabi nung leader kuno nila habang nakatingin sakin, with an amused smile plastered on her filthy face. If you're wondering, sila ang Sofia and friends.

"Well look who's talking! It's the infamous Barbie Doll of Bataan," nakangiting sabi ko habang tumatawa ng peke.

"Huy Zephyrine Talia, palampasin mo na. Baka tapos na mag break si crush," narinig kong bulong sakin ni Mika.

"I know I am a Barbie doll, no need to point out the obvious," aba ang loka natuwa't napa hair flip pa. 

"Oo nga e. Life in plastic is fantastic nga naman. Wag ka lang mag undress every where ha?"

"Ha! Si Sofia pa ang plastic ngayon. Sino kaya yung nagsabing natural ang hair niya kung nakita namin siya sa salon nung bakasyon? Niretouch siguro yung roots ng hair mo," sagot nung isang aso ni Sofia, siya naman si Eijeen. At ang mga walang hiyang kontrabida sa buhay estudyante ko ay nagtawanan.

"Tama kayo nasa salon ako nung bakasyon. Bakit ba ang big deal ng buhok ko sa inyo. Inggitera,"

"See? Inamin mo rin!" nagtawanan nanaman sila. Wala siguro silang problema sa buhay kaya sila nagtatawanan.

AeternumWhere stories live. Discover now