INSPIRATION FOR THIS POEM:
BOYFRIENDPATAWAD
Patawad dahil hindi ko masuklian ang nararamdaman mo, Patawad dahil kahit anong effort at papagsaya mo wala paring saysay sa puso ko.
Ewan ko ba manhid naba ako? O sadyang hindi lang talaga kita gusto.
Naging totoo ako sayo simula nong una palang tayong nagkausap, sinabi ko na hindi pa ako handa muling magmahal dahil ang puso ko ay may sugat pa at nangungulila pa rin sa aking nakaraan.
Ngunit hindi ka pa rin tumigil dahil ang sabi mo sa akin "magiging handa naman ako sa magiging desisyon mo hayaan mo lang ako na gustuhin kita kahit hindi mo ako gusto." pero bakit ang katagang ito ay paulit ulit na sumasagi sa aking isip.
Panahon na ba para buksan ko ulit ang aking pusong nananahimik? Pero ang isip ko ay nagdadalawang isip na tama nga ang aking naging desisyon na magpakatotoo ako, dahil ayokong magsisi na huli na sa ating dalawa ikaw lang ang may totoong nararamdaman at nagmamahal.
Ewan ko ba bat ako ang iyong nagustuhan, madami pa namang iba diyan, hindi tulad sa akin puro sakit lang ang pinaparamdam.
Pinagdarasal ko lagi na sana kahit kunting pagmamahal masuklian kita pero wala eh sadyang mailap talaga ang aking pusong minsan ng nasaktan.
Siguro dipa ito ang tamang panahon para satin, sana maintindihan mo na kahit di ko man maparamdam sayo ang pinaparamdam mo sakin mananatili ka parin sa puso ko dahil minsan mo narin akong tinulungan sa mga bagay na kahinaan ko at lagi mong pinapaalala na worth it akong mahalin kahit hindi maging tayo.