INSPIRATION FOR THIS POEM:
MYSELF
KAMUSTA
Kamusta ka? Masaya kana ba?
Kasi sa tuwing ika'y aking nakikita ang iyong ngiti ay abot tenga. Pero ramdam ko na ang lahat ng ngiti mo ay may lungkot na nadarama.
Minsan tinatanong ang sarili, anong kulang? Bat kailangan akong Iwan? Hindi paba sapat ang pagmamahal na nilaan? At pagmamahal sayo ng lubusan?
Napaka daya talaga ng mundo, kung kailan ako nagseryoso saka naman ako masasaktan ng todo.
Pero aaminin ko na hanggang ngayon mahal pa kita, Pinanganak akong matapang pero pag ikaw na ang usapan umiiral ang aking kahinaan.
Tatlong buwan nadin tayong hiwalay, pero bakit ganun wala pading pagbabago ang nararamdaman ko sayo.
Nahihirapan na ako dahil kahit sang anggulo at bagay na makikita ko ikaw at ikaw parin ang nakaukit dito.
Jusko bakit hirap akong makalimot. Pinipilit Kong labanan ang nararamdaman at nagbabakasakali na kung pagtagpuin man ulet tayo ng panahon sana matanggap ko na.
Matanggap kong hindi talaga tayo para sa isat isat.